MoonLight Academy 52

12.6K 311 5
                                    

Tahimik ang paligid, mag kakadikit kami nila Dark at Shadow habang naka tingin sa iba't ibang dereksyon. Nanginginig ang kamay ko habang naka hawak sa pana ko na naka handa ng pumana ano mang oras.

Hindi namin nakikita ang kalaban, isa yun sa advantage na meron sila. Maaari nila kaming paslangin sa oras na gugustuhin nila.

"Hindi ba kaya mong maging invisible Dark?"tanong ko, tumingin sya sa akin.

"Mukha bang kaya ko ngayung may sugat ako?"tanong niya habang naka hawak parin sa sugat niya.

"May plano ako."sabi ni Shadow saka inangat ang kamay, kumunot ang nuo ko ng biglang dumilim ang paligid namin, wala akong ibang maaninag, sobrang dilim ng paligid, ni hindi ko na din makita ang mga kasama ko.

"Bakit dumilim?" Rinig kong tanong ni Dark na kung di ako nag kakamali ay katabi ko at gaya ko ay nag tataka siya sa ginawa ni Shadow.

"Moon makinig ka sakin, kung ano man ang ginawa mo kagabi, gawin mo ulit." Napalingon ako sa kanan ko kung saan narinig ko ang boses ni Shadow.

"Baliw ka ba? Pinadilim mo pa ang paligid kung papagamit mo din kay Moon ang kapangyarihan niya."sabi ni Dark.

"Pansamantala lang ito, mawawala din ito mamaya maya, hindi natin sila nakikita kaya mabuti na hindi din nila tayo makita."sabi ni Shadow. Napa lunok ako.

"Hindi ko kaya."sabi ko.

"Kaya mo Moon, kung ano man ang ginawa mo kagabi ay gawin mo ulit, isipin mo ang bagay na inisip mo kagabi para magawa yun."sabi ni Shadow.

Pumikit ako at pinilit na gawin ang nangyare kagabi, ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko magawa.

"Hindi ko talaga kaya."sabi ko.

"Hindi pa sanay ni Moon ang kakayahan niya, kailangan na nating lumaban."sabi ni Dark.

"Dark, kaya mo bang patamaan ng ilaw ang paligid? Yung may masisira at may masasaktan."sabi ni Shadow.

"Susubukan ko."sabi ni Dark.

"Pawala na ang kapangyarihan ko, Moon dito ka lang sa likod namin. Dark ngayun na!" Pagkasabi non ni Shadow ay nawala ang itim sa paligid, sabay non ang pag labas ng liwanag sa mata ni Dark.

"Moon, talasan mo ang pandinig mo, pag may dumaing patamaan mo agad."sabi ni Shadow kaya agad kong inasinta ang pana ko at nang may makita akong gumalaw sa puno ay agad ko itong pinana.

"Natamaan ko."sabi ko ng makita ko ang pag baon ng pana sa balikat ng isa.

"Potek!" Sigaw ni Dark ng may tumama na apoy sa gawi niya, napa lingon kami sa nag tapon non at nakita sila Red, Star at Cloud na nakatayo sa taas.

"Red..."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Pwede ba, mamaya na kayo manggulo? May kalaban pa kami."sabi ni Dark at akmang ipag papatuloy ang kanyang ginagawa ng bigla na lamang lumitaw ang mga kinakalaban naming studyante, ngunit nawindang kami ng makita namin na dumami sila.

Ang kaninang tatlo lamang na kalaban namin ay naging sampo.

"Tangina? Ang daya."bulong ni Dark.

"Clone."sabi ni Shadow kaya napatingin ako kila Red.

"Pwede bang tulungan niyo kami?"tanong ko, umupo lang si Red habang si Star at Cloud ay lumapit sa amin.

Napa buntong hininga ako ng makitang mukhang walang balak si Red na makisama sa amin.

"Pinag combine nila ang kapangyarihan nila."bulong ni Cloud saka tumingin sa amin.

"Hindi ko alam kung anong meron pero kailangan na nating tumakbo, ang dami nila."sabi ni Star sa amin kaya napatingin ako sa mga kalaban namin na nakatingin parin sa amin at ano mang oras ay susugod na sa amin.

"Pagka bilang ko ng tatlo sabay sabay tayo tumakbo ah, ang mahuli panget."sabi ni Star at nag hahanda ng tumakbo.

"Isa..." Napa lunok ako at napa hawak sa pana ko.

"Dalawa...."

"Tatlo! takbo!"

"Shadow padilimin mo ang paligid, Cloud pababain mo ang ulap at isakay si Dark, Dark patamaan mo ng liwanag ang nasa kaliwa." Sabi ni Red habang naka harang ang shield na gawa niya.

"Ano? Wala ng tatakbo?"tanong ni Star pero walang pumansin sa kanya.

Agad namang sinunod nila Shadow at Cloud ang utos ni Red, tumingin sa akin si Red.

"Pag itong mga ito, napatay ko. Ikaw naman ang isusunod ko."sabi niya kaya napa lunok ako. Pinanuod ko silang patayin ang mga Clone, napa tingin ako sa kaliwa ko at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang tatlong istudyanye na may kagagawan ng Clone.

Agad kong inasinta ang pana ko at pinakawalan sa dereksyon nila, agad kong inutusan ang pana na maging tatlo at saktong sapol sa puso ang tatlo.

"Guys napatay na ni Moon." Sabi ni Star habang naka tingin sa tatlong studyante ng Castro na wala ng buhay.

Nagulat ako ng bigla akong sakalin ni Red dahilan para mabitawan ko ang pana ko.

"Ano ba lumayo ka nga sa kanya."sabi ni Dark at pilit na nilalayo si Red sa akin, ganon din si Shadow ngunit tinulak lang sila ni Red palayo sa akin.

Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hangin sa sobrang pag kakasakal ni Red sa akin.

"Red ano ba?!" Galit na sigaw ni Shadow at nag labas ng itim na usok sa kanyang kamay, nag labas din si Red ng apoy sa kanyang kamay habang sakal sakal ako ng kaliwa nitong kamay.

"R-Red..."nahihirapang tawag ko.

"Bitawan mo si Moon--" hindi natuloy ang sasabihin ni Star ng tignan siya ng masama ni Red.

"Hindi mo na pwedeng patayin si Moon."sabi ni Dark kaya napatingin si Red sa kanya. Tinuro ni Dark ang taas kaya napatingin si Red doon, nahihirapan din akong tumingin sa taas at nakitang nag bago na ang tema ng laro. By School na.

Pabalibag akong binitawan ni Red, agad ko namang kinuha ang opurtonidad na ito para habulin ang hininga ko.

"Kung ganon, ikaw nalang ang papatayin ko." Sabi ni Red kay Dark kaya nanlaki ang mata ko ng bigla syang mag tapon ng apoy sa gawi ni Dark, nakita kong nagulat din si Dark sa ginawa ni Red pero bago pa man ito tumama sa kanya ay agad kong tinaas sa ere ang kamay ko dahilan para biglang mawala ang apoy.

Napatingin si Dark sa akin at napalunok.

"Anong nangyare?"tanong ni Red at umaktong mag lalabas pa siya ng kanyang kapangyarihan, napa kunot ang nuo ko ng maramdaman ko na naman ang sakit ng aking ulo.

"Moon..." Sabi ni Shadow pero nanghihina ko lamang siyang tinignan, wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit sa aking ulo.

"Umalis ka na... Dark..." Sabi ko kaya napatingin sa akin si Red na naka kunot ang nuo.

"Ano? Hindi Pwede.."sabi niya at agad na kinuha ang patalim ni Shadow at akmang ihahagis ito sa gawi ni Dark ng ikumpas ko muli ang aking kamay sa ere dahilan para hindi makagalaw si Red.

"Sinong kumukontrol ng katawan ko?!" Sigaw ni Red, tumingin ako kay Dark.

"Umalis ka na!"sigaw ko, nakita ko ang lungkot sa kanyang mata ngunit agad din siyang kumaripas ng takbo. Ibinaba ko ang aking kamay at sabay non ang tuluyang pag hina ng katawan ko.

"Moon..." Agad na lumapit sa akin si Shadow. Huminga ako ng malalim at napa pikit, umiikot na naman ang aking paningin.

"Anong ginawa niya?"

"Anong nangyayare?"

Muli kong minulat ang mata ko, at ang tanging huling bagay na nakita ko lamang ay ang mga naguguluhang mukha ng mga kasama ko, at sa gilid non ay naka tayo si Zero na nag aalalang nakatingin sa akin.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook:Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon