MoonLight Academy 29

15.2K 366 7
                                    

Mahigit isang oras na akong naririto sa office nila Admira, ang mga kasama ko ay nag punta na sa venue dahil inutusan sila ni Admiral. Kanina lamang ay may tumingin na sa akin na isang matanda na tinatawag ni Admiral na Healer. Kanina pa sila nag uusap sa loob habang ako ay naririto at hinihintay ang sasabihin ng Healer sa akin.

Ngayun ay klaro ko ng nakikita ang itsura ko, maga ang buong mukha ko at parang may bukol na tumubo sa ilalim ng mga mata ko, ang pisngi ko ay tumabingi habang nagkaruon ng kulay itim sa gilid ng aking labi.

Hindi ko alam kung saan at paano ko ito nakuha, basta kanina lamang pagka gising ko ay masama na talaga ang pakiramdam ko.

Napalingon ako sa isang pinto nitong office nila Admiral ng mag bukas yun, iniluwa non asila Admiral at ang healer na nag uusap. Sabay pa silang napatingin sa akin.

"A-ano pong resulta?" Tanong ko, nagka titigan ang dalawa saka umupo ang healer sa harap ko.

"Iwan ko muna kayo." Sabi ni Admiral at muling pumasok sa pinto na kanina lamang ay nilabasan nila.

"Ms Moon, meron ka bang nakaaway o nakagalit na isang elementalist dito sa Moonlight?" Tanong nito sa akin, umiling ako.

"Sino ang huling kasama mo bago ka matulog kagabi?" Tanong nito sa akin. Si Zero lamang ang kasama ko kagabi at natatandaan ko pa kung paano niya ako halikan sa nuo bago siya umalis sa aking silid kagabi.

"Si Zero po." Sabi ko, nanatili ang tingin niya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang meron sa kanyang mga titig. May kung anong bagay siyang kinuha sa kanyang dalang bag at ibinigay sa akin.

"Naka bukas ba ang third eye mo? o sadyang kasama lang yun sa kapangyarihan mo?" Tanong niya dahilan para maguluhan ako.

"Po?" Tanong ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at sinuot ang isang purselas. Meron itong kulay lila na mga bato at kapansin pansin sa gitna ang isang maliit at umiilaw na bato.

"Wag na wag mong tatanggalin ang purselas na iyan." Sabi niya at inayus ang gamit niya, naguguluhan ko siyang pinanuod na ayusin ang gamit niya pero napukaw ang tingin ko sa salamin na kaharap ko. Bumalik na ang dati kong itsura. Nawala ang maga at pantal sa mukha ko.

"Para saan po ito?" Tanong ko. Tumitig siya sa akin at ngumiti.

"Ang nilalang na iyon, ayaw niya pang ipaalam sayo kung ano ang nagaganap kaya naman wala akong ibang sasabihin sayo." Sabi niya na mas nag pakunot sa nuo ko. Sinong nilalang? Anong nagaganap?

Pinanuod ko siyang lumabas sa office ni Admiral, sakto naman ang pag bubukas ng isang pinto kung saan pumasok si Admiral kanina.

"Bumalik na ang dati mong wangis." Sabi ni Admiral sa akin at umupo sa harap ko.

"Admiral, hindi ko po maintindihan, para saan po ito at sino ang nilalang na sinasabi ng healer sa akin?" Tanong ko, nag kibit balikat lamang siya. Mukhang gaya ko ay hindi niya din alam kung ano ang ibig sabihin nong Healer.

"Wala ka na bang nararamdamang sakit ngayun?" Tanong nito sa akin, umiling naman agad ako.

"Kung ganon ay mag tungo ka na sa Venue at tulungan sila sa pag aayus." Sabi nito. Tumayo naman ako. Nag bigay galang muna ako bago ako tumalikod kay Admiral, pero agad din akong napaharap ng may sumaging tanong sa isip ko.

"Sya nga po pala, tutulong din po ba sa pag aayus si Zero?" Tanong ko, natigilan naman siya at napatingin sa akin. Napalunok ako sa paraan ng pag titig sa akin ni Admiral kaya ngumiti na lamang ako.

"Pasensya na po, nakalimutan kong anak po pala siya ng may ari." Sabi ko at nag lakad palabas sa office niya. Nang makalabas na ako ay huminga ako ng malalim saka muling napatingin sa purselas na suot suot ko.

Huminga ako ng malalim bago nag simulang mag lakad. Laman parin ng utak ko ang sinabi ng healer sa akin. Sinong nilalang ba ang binabanggit niya?

"Moon." Napatingin ako sa tumawag sa akin, at mula sa likod ko ay nakita ko si Zero na naka tayo sa akin anim na metro ang layo sa akin.

"Zero." Sabi ko at akmang lalapitan siya ng bigla siyang mag lakad patalikod.

Kumunot ang nuo ko sa ginawa niya, napatingin siya a bracelet na suot suot ko saka ngumiti.

"Sorry." Sabi niya bagay na kinakunot ng nuo ko.

"Sorry saan?" Tanong ko.

"Kasi hindi kita matutulungan sa pag aayus ng event ngayun?"Tanong niya, natawa ako.

"Okay lang, saka hindi ka naman required na mag linis kasama namin. Baka pagalitan kami ng magulang mo pag nakita nila na pinag lilinis ka namin." Sabi ko, ngumiti siya.

"Teka, bakit ba ang layo mo sakin? himala din na hindi mo ako kinalabit ng dalawang beses ngayun." Sabi ko. Muli siyang napatingin sa bracelet ko kaya napatingin din ako don.

"Ah ito, bigay ito ng healer kanina. Hindi ko alam kung bakit at para saan pero sabi niya--"

"Mauuna na ako Moon." Napatingin ako kay Zero na bigla na lamang nawala, kumunot ang nuo ko sa ginawa niya.

"Ang weird niya naman ngayun?" sabi ko sa sarili ko.

"Nababaliw na ba siya?"

"Ewan." Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong boses, nakita ko don ang dalawang studyante ng Moonlight na naka tayo habang naka tingin sa akin.

"Tara na baka mahawaan tayo ng kabaliwan niya." Sabi ng kasama nito at hinila ang kasama palayo sa akin. Napa kibit balikat na lamang ako at muling nag patuloy sa pag lalakad papuntang Venue.


~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon