Malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sa akin sa pag baba ko sa sasakyan, sa harap ay nakapila ang ilang studyante ng Moonlight habang nakatingin sa akin ng masama. Malamang ay nakita nila at napanuod kung paano ko ipatalo ang laro, para sa isang multo na minamahal ko.
Napapikit ako ng may tumamang itlog sa ulo ko, napatingin ako sa gawi ng nag hagis non at nakita ang babaeng nang bully sa akin nong nasa garden ako, sa likod niya ay nakatayo ang ilang studyante ng Moonlight na may hawak din ng itlog.
"Wala kang kwenta!" Sigaw ng isang studyante sa akin saka muling nag bato ng itlog sa gawi ko, hanggang ang isang itlog na tumama sa akin ay naging dalawa at parami ng parami, naiyukom ko ang kamao ko habang naka pikit at tinatanggap ang mga binabato nila sa akin.
Ito ang kabayaran ng pag kampi ko at paniniwala ko kay Zero na matagal na palng patay at kay Dark na siyang pumatay kay Zero. Muli na namang bumuhos ang aking luha. Lahat ng mga nakapaligid sa akin ay may kailangan, kung wala silang kailangan ay hindi nila ako lalapitan.
Sila Red na kailangan ako para manalo sa laro ngunit ang ginawa ko ay pinatalo ko para kay Zero na kailangan ako upang maipatalo ang laro at si Dark na kailangan ako para maipanalo ang laro.
Napapaisip ako, ano ba ang nagawa kong mali para mangyare sa akin ang mga ito? Ang tanging nais ko lamang ay makapag aral ng maayus sa isang paaralan na tinitingala ng lahat, ngunit bakit kung kelan nandito na ako at nakatapak na ako sa paaralan na ito ay gumulo ang buhay ko?
Napa angat ang ulo ko ng maramdaman kong wala ng tumatamang itlog sa katawan ko, nakita ko si Rain na nasa harap ko at gumawa ng shield para hindi ako matamaan ng mga itlog.
"Moon, pumasok ka na sa loob ng office ni Admiral." Nahihirapang sabi ni Rain habang patuloy na pinapatatag ang sheild na ginawa niya, dahan dahan akong nag lakad papasok sa Moonlight kung saan tuloy parin ang pag batikos sa akin at pag mumura sa akin ng ilang studyanteng sumalubong sa amin.
Hindi ko alam kung nasasaan ang ilang kasama ko, tanging si Rain lamang ang nasa harap ko, patuloy akong pinoprotektahan sa mga pang babato ng itlog ng mga studyanteng naririto. Natigil ako sa pag lalakad ng nasa harap na ako ng office ni Admiral habang si Rain ay nasa likod ko, patuloy akong piniprotektahan sa kamay ng mga studyanteng sumuod sa amin.
Pumasok ako sa loob ng office ni Admiral at nakita ang ilang mga kasama ko na naririto nakaupo habang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang mukha ko at inalis ang ilang shell ng nabasag na itlog sa mukha ko, buong tapang akong humarap kay Admiral na naka tingin sa akin ng walang emosyon.
"Ms Moon--"
"Gusto ko ng umalis."Putol ko sa sasabihin ni Admiral, hindi parin nag bago ang emosyon nila.
"Gusto ko ng bumalik sa pinanggalingan ko." Dagdag ko.
"Sa tingin mo ba ay papayagan kita?"Tanong ni Admiral kaya buong tapang ko siyang tinignan sa kanyang mata.
"Gusto ko ng umalis."Madiin kong sabi.
"Hindi kami papayag Ms Moon." singit ni Admin kaya agad kong ikinumpas ang aking kamay sa kanyang dereksyon dahilan para tumalsik siya sa kanyang kinatatayuan. Halatang nagulat si Admiral at admin sa aking ginawa habang sila Red ay napa tayo at tinutukan ako ng kanilang mga kapangyarihan.
Agad kong ipinitik ang aking kamay sa ere dahilan para hindi gumana ang mga kapangyarihan nila. Muli kong tinitigan si Admiral na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin.
"Uulitin ko ang sinabi ko." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Gusto ko ng umalis sa Moonlight." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...