Pag pasok ko ay agad na tumambad ang mukha ng mga kasama ko na ang aalala maliban kay Red na walang pake-alam.
"Oh, ayan na pala ang missing one." Sabi ni Red at inirapan ako.
"Saan ka ba nag punta Moon?"Tanong ni Ice.
"Kelan ka pa naging dora?"Tanong ni Cloud.
"Buti walang nambully sayo habang wala kami sa tabi mo?"Tanong naman ni Star.
"Sorry kung pinag alala ko kayo." Sabi ko.
"Hindi kami nag alala, hindi ka naman kawalan. Mas matutuwa pa kami kung nawala ka." Sabi ni Red.
"Ulol damay mo pa kami." Sabi ni Shadow. Lumapit ako kay Admiral at Admin na naka tingin sa akin. "Sorry po kung bigla po akong nawala." Sabi ko.
"Ano pa nga bang magagawa namin, ang mahalaga ay nandito ka na. Eto ang uniform mo." Sabi ni Head admin at may binigay na isang box sa akin.
"Eto naman ang sayo Cloud." Sabi ni Admiral at binigyan din siya ng box.
"Ayun ang Cr, Cloud don ka sa isa. Mag palit na kayo ng uniform niyo at sasamahan na namin kayo sa facility." Sabi ni Admiral, agad naman kaming sumunod ni Cloud. Excited ako na mag palit ng uniform dahil sa wakas ay masusuot ko din ang magandang uniform ng Moonlight.
Pag pasok ko sa cr ay agad kong binuksan ang box na binigay sa akin ni Admin. Pag kabukas ko ay agad na tumambad sa akin ang isang pares ng kulay asul na sapatos na may takong. agad kong kinuha ang isa at sinukat.
"Tamang tama sa size ko." Sabi ko at sunod na kinuha ang Palda na kulay asul na may mga design na buwan at bituin na above the knee ang haba at ang polo na kulay itim na may kulay puting hiwa sa may leeg. ang Cute! sa pinaka ibaba ng box ay may name plate na may simbulo ng Moonlight Academy ang nakalagay at may naka ukit na 'Moon Laureen'
Matapos kong mag ayus ay pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin, napangiti ako dahil hindi ko lubos aakalin na babagay sa akin ang uniform ng Moonlight Academy.
Matapos kong pag masdan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako ng cr, sakto lang din na kakalabas lang ni Cloud kaya naman napatingin sa amin ang mga kasama namin.
"Gwapo ko talaga." Sabi ni Cloud saka tumingin sa akin.
"Naging tao ka sa part na yan." Sabi niya at natawa.
"Grabe Moon, para kang model ng uniform ng Moonlight. Bagay sayo." Sabi ni Rain at lumapit sa akin.
" Sana all Moon may dede." Sabi naman ni Ice kaya nanlaki ang mga mata ko, natawa naman ang mga kasama namin maliban kay Red na parang walang nakikita.
"Anong kwentong sana all mo Red?"Tanong ni Star, inirapan lang siya ni Red.
" You look good with that uniform, Moon." Puri ni Admiral.
Napangiti naman ako. " Thank you po." Sabi ko.
"But her performance is not good." Sabat naman ni Red at tinignan ako.
"Bihisan ka 'man ng uniform na pang mayaman, it doesn't change the fact na isa ka paring hampas lupa." Sabi ni Red sa akin.
"eh ikaw? bigyan ka 'man ng maamong mukha, it doesn't change the fact na bruha ka paren" Apila ni Rain at inirapan si Red.
"Tama na yan, bago pa kayo magka initan tara na. Mag tungo na tayo sa facility." Sabi ni Admiral at binuksan ang pinto. Naunang lumabas si Red kaya naman sumunod na kami.
Habang nag lalakad kaming lahat ay nag mini tour na din kami ni Cloud. Kada madadaanan namin ay pinapaliwanag ni Admiral kung ano yun hanggang sa tumapat kami sa building kung saan lagi kong nakikita si Zero.
"This is the Moon Building." Sabi ni Admiral. " Off limits ang mga studyante ng Moonlight dito dahil ang building na ito ay para lamang sa mga Steler." Sabi ni Admiral. Napatango naman kami. Kaya pala lagi kong nakikita si Zero jan kasi kanila pala yan, dito siguro siya nag ttraining at jan din siya nag sstay.
"Anng meron don sa may nakalagay na warning sign?" Tanong ni Cloud habang nakatingin sa pangalawang palapag ng building. Tumingin din ako don at nakita ang sinasabi niya.
Doon ko nakita lagi si Zero na naka tayo.
"Masyadong pribadong usapan ang tinatanong mo kaya hindi ko masasagot yan." Sagot ni Admiral.
"Sa ngayun ay mag tungo na muna tayo sa facility upang ma itour namin kayo sa loob n'on." Singit naman ni Admin at naunang mag lakad. Sumunod naman kami sa kanila hanggang sa makarating kami sa harap ng malaking building.
"Ito ang Facility, dito kayo manunuluyan hanggang sa sumapit ang araw ng laro." Sabi ni Admin kaya napa lunok ako.
"Masyado naman po atang malaki ang facility na yan para po sa amin?" Sabi ko.
"Mag kano ang binabayad niyo sa bill ng kuryente dito?" Tanong ni Cloud.
"Ignorante ka?" Tanong ni Red kay Cloud.
"Bida ka?" balik ni Red kay Cloud. Natawa ako sa loob ko, mukhang may boy version si Red ah.
May kung anong kinuha si Admiral at Admin sa bulsa nila saka iyon isa isang ibinigay sa amin.
Isa itong maliit na card, iba iba ang kulay ng mga card namin.
"Yan ang gagamitin niyo para mabuksan ang pinto na ito." Sabi ni admiral at nag swipe ng card sa gilid ng pinto.
bigla yung bumukas at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko na ang mga mamahaling bagay na nasa loob ng facility.
"Tumuloy kayo at feel at home guys. dito na kayo manunuluyan simula ngayun." Sabi ni Admiral. Nag sipasukan ang mga kasama ko habang ako naman ay dahan dahan na pumasok. Napalunok pa ako dahil sa laki at lawak ng kinatatayuan ko ngayun. ito palang ba ang unang palapag? kung ganito ang unang palapag sigurado ako na mas maganda at mas malawak ang mga susunod na palapag.
~~
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...