Dark POV
"Ang laki na ng pinag bago ng Moonlight."sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa office ni admiral. Nililibot ko ang aking paningin dito sa aming nilalakaran.
Ang dami na talagang nag bago.
"Parang dati lang wala pa yung building na yan ah."sabi ko habang nakatingin sa malaking building na katapat ng building na aming nilalakaran.
"Kinatutuwa namin na muli kang bumalik dito Dark."sabi ni Admin kaya napa tingin ako sa kanya.
Sinungaling.
"Ako din, ilang taon din simula ng umalis ako dito."sabi ko at nilibot muli ang paningin. Muling bumalik sa akin ang mga ala-ala namin ni Zero na mag kasama.
Sa bawat sulok ng pasilyo nakikita ko ang dating kami na mag kasama. Nang hihinayang ako, na dumating pa sa puntong mawawala siya para lang hindi masunod ang utos ng magulang niya.
"Ang mahalaga ngayun ay muli ka ng naririto sa Moonlight Dark."nakangiting sabi ni Admiral at pumunta sa harap ko, tumingin muna siya kay Admin saka tumingin sa akin.
"Kalimutan na natin ang nakaraan Dark, muli tayong mag simula sa umpisa."naka ngiting sabi ni Admiral. Ngumiti ako.
"Sige, kinagagalak kong makilala kayo." Sabi ko. Alam ko naman na hindi totoo ang sinabi nila. Nababasa ko ang isipan nila at puro negatibong enerhiya ang nababasa ko.
Tama ang kutob ko, nilason nila ang isip ni Moon.
Binuksan ni Admiral ang pinto ng office niya at naunang pumasok sa loob.
"Hindi na kita bibigyan ng uniform ng Moonlight dahil suot suot mo na ang dati mong uniform." Sabi nito napatingin ako sa suot ko at natawa.
"Himalang kasya pa saken."sabi ko at binalik ang tingin sa kanila.
"Ito ang susi ng kwarto mo." Inilahad sa akin ni Admin ang susi ng kwarto ko, napangiti ako ng makita kong ito parin ang susi na ginagamit ko noon sa kwarto namin ni Zero. Isa lang ibig sabihin nito, doon ulit ako sa kwarto namin ni Zero.
"Solong solo mo na ang kwarto Dark."nakangiti ngunit halatang sarkastiko. Ngumiti din ako, hindi ako papatalo sa pang paplastik nila, palaban ata ito.
"Kung siguro nandidito pa si Zero baka mainis siya sa ngiting nasa labi niyo ngayun."sabi ko kaya dahan dahang nawala ang ngiti nila sa labi dahilan para matawa ako.
"Joke lang, nakakapag taka kasi na puro ngiti kayo."sabi ko at natatawang kumunot ang nuo. "Bagay na di niyo naman ginagawa noong naririto pa ako." Dagdag ko kaya napayuko si Admin habang si Admiral naman ay ngumisi.
"Kung hindi mo pinatay si Zero malamang nandidito pa nga siya ngayun."nakangisi nitong sabi kaya natawa ako.
"Hayst akala ko ba kalimutan na ang nakaraan?"sabi ko at pinag laruan ang susing nasa kamay ko.
"Wala parin palang nag babago, ako parin ang sinisisi niyo sa pag kamatay ni Zero."iiling iling kong sabi at tumingin sa kanila. "Kung ako talaga ang pumatay kay Zero, bakit hindi kayo nag sampa ng kaso laban saken?"tanong ko, natawa ako sa loob loob ko ng makita ko ang pag kuyom ng kamao ni Admiral.
"Sabagay, MLA nga pala iyon, labas ang mga police sa laro."sabi ko saka pinakita ang susi na hawak ko.
"Lalarga na ako ha, nice to see you again. Admiral and Admin."sabi ko saka kinindatan sila at swabeng tumalikod sa kanila.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng mag lakad ako palabas ng office nila.
Planado nila ang lahat. Tama ako. Gagamitin nila si Moon para patayin ako at buhayin si Zero.
Sinarado ko ang pinto ng office nila saka tumingin sa harap.
Natuklasan nila ang kapangyarihang taglay ni Moon, kaya yun ang gagamitin nila para muling mabuhay si Zero, kung tama ako. Uutusan nila si Moon na pasunudin si Hasreffa para buhayin si Zero. At kapag nabuhay si Zero, muli nilang gagawin ang plano nilang palakasin ang Moonlight hanggang sa mapataob ang Leviticus at Castro."Buti ka pa nag iisip." Napatingin ako sa nag salita sa harap ko,si Fly. Sabi na eh, dito ko siya matatagpuan.
"Hoi, kaya pala hinahanap ka nila Mr Mond kasi wala ka sa inyo eh." Sabi ko, napairap siya.
"Pwede ba, hindi na ako bata para ipahanap pa nila." Sabi niya saka nag cross arms, mga babae nga naman.
"Umuwi ka na doon, ikaw pa naman tagapag mana nila tapos ganyan ugali mo." Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Sinabing ayokong maging tagapag mana." Inis niyang sabi saka huminga ng malalim. "Si Moon." Biglang sabi niya kaya tumingin ako sa kanya. "Balak niyang patayin ka at buhayin si Zero." Sabi niya.
"Kunwari nagulat ako sa sinabi mo." Sabi ko at natawa. Tumingin siya sa akin. "Isa akong telepath kaya kaya kong basahin ang nasa isip nila." Sabi ko, sumenyas siya na mag lakad na kami kaya nag simula kaming mag lakad.
"Isa din namang telepath si Moon pero bakit hindi siya kagaya mo?" Tanong niya. "Napaka tanga talaga." Tinignan ko siya ng masama.
"Wag ka ngang ganyan kay Moon, hindi siya tanga." Tanggol ko saka tumingin sa harap "Sadyang nauunahan lamang siya ng kanyang emosyon at damdamin, kaya hindi niya masyadong nagagamit ang kapangyarihan niya sa pag babasa ng isip." Sabi ko.
"Anong balak mo?"Biglang tanong niya.
"Ewan, siguro aakto lamang ako na walang alam sa harap nila at kunwari ay tama ang sinasabi nila laban sa akin." Sabi ko, tumigil kami sa pag lalakad ng mapadpad kami sa likod ng building kung saan naruruon ang court.
"Yung kapatid mo." Napalunok ako at napayuko. " Balak ka din niyang patayin." Napapikit ako at kunwari ay wala lamang sa akin ang sinabi niya.
Masakit para sa akin na malaman na balak din akong patayin ni Shadow, ang kakambal ko. Tila kinain na talaga siya ng inggit at galit kaya naiisipan niyang gawin ang bagay na iyon.
"Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin."Sabi ko at tumingin kay Fly na nakatingin sa akin."Bago ako umalis ay nakasalubong ko sa daan sila mama at papa." Sabi ko saka umiwas ng tingin. "Umaasa silang makita ulit si Shadow." Sabi ko, natahimik kaming dalawa.
"May plano ako." Biglang sabi ni Fly kaya napatingin ako sa kanya.
"Bago tayo aalis sa school na ito, kukunin natin si Moon." Sabi niya na nag pakunot sa nuo ko. Umiwas siya ng tingin saka lumunok.
"Isasama natin ang kapatid ko." Dagdag niya na nag palaki sa aking mata.
~~~~
Tweet me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
Happy new year y'all, hope this year will be good for us, Cheers to 1.6M reads of Moonlight, Thank you so Much bibeh's
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...