Break na nasa labas na kami ng History room at papunta na kami sa canteen.
"Moon ayus ka lang ba?"tanong ni Shadow na nasa tabi ko, tumango tango ako bilang sagot.
"Sorry ha, hindi a namin napag tanggol kanina kasi si Mrs Perez yung kinakatakutan naming Teacher." Sabi naman ni Star.
"Okay lang, isa pa. Wala naman kayong responsibilidad sakin."Sabi ko habang nag lalakad kami.
"Anong wala? Kaibigan ka na namin no." Sabi naman ni Rain.
"Ang sabihin niyo sadyang duwag ang Moon na yan." Sabat naman ni Red na nangunguna sa amin sa pag lalakad. "OH anong tinitingin tingin niyo jan?" Mataray na tanong ni Red sa mga nakatingin sa amin habang nag lalakad.
Duon ko lang napag tanto na halos ata lahat ng studyante ng Moonlight ay hindi nakaligtas sa pag tataray ni Red, kaya siguro malabo talaga na makakasundo ko si Red.
"Salamat nga pala kanina sa ginawa mo kanina."sabi ko sabi ko kaya napatigil siya sa pag lalakad at taas kilay na tumingin sa akin.
"Pwede ba? hindi kita niligtas kanina, sadyang nagugutom na ako kaya ako na ang sumagot dahil alam ko naman na hindi ka nakikinig."Sabi niya at inirapan ako saka lumiko ng daan.
"Hayaan mo na yun, ganon talaga yun." Sabi ni Rain at muli kaming nag sabay ng lakad, Napalingon ako sa isang hallway kung saan walang dumadaan na studyante. Doon ay nakita ko si Zero na nakatayo at nakatingin saakin, Saka ko lang naalala na niyaya niya pala ako mag recess.
"Mauna na kayo may pupuntahan lang ako." Sabi ko, kumunot ang nuo nila.
"Kabisado mo na ba ang pasikot sikot sa moonlight?"Tanong ni Cloud.
"Hindi pa, basta may pupuntahan lang ako, dito ko kayo hihintayin mamaya." Sabi ko at tumakbo na palayo sa kanila. Nag tungo ako sa hallway kung saan ko nakita si Zero kanina pero pag dating ko don ay wala na siya.
"Umalis na ata siya?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ang bagal mo." Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko, pag tingin ko sa likod ko ay wala akong nakita na nandon hanggang sa may kumalabit sakin sa likod ko at pag tingin ko don ay nakita ko si Zero na nakangiti sa akin kaya naman napangiti ako.
"Oi, akala ko iniwan mo na ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Tara, sa canteen 3 tayo. Mas masarap mga pagkain don kesa sa Canteen 1 and 2." Sabi niya saka nag lakad kaya naman pumantay ako sa kanya at sumabay sa pag lakad niya, Hindi kaya kami pag tinginan ng mga studyante dito? baka may mga manliliit na naman sakin pag nakita nila ako na kasama si Zero na anak ng may ari ng Moonlight.
"Private ang canteen 3, ikaw mismo ang mag seserve sa sarili mo don, saka bibihira lang na may makapasok sa canteen 3 kaya walang mag mamaliit sayo don." Sabi niya dahilan para magulat ako.
"Nababasa mo ang nasa isip ko?" Tanong ko. Nakangiti siyang tumango tango bilang sagot.
"Same tayo nababasa ko din ang mga nasa isip ng isang nilalang." sabi ko at ngumiti.
"Alam mo, pag pasensyahan mo na ang mga ugali ng kaklase mo kanina, ewan ko ba bakit naging clariffied as Moonlight students ang mga yun." Sabi niya saka lumiko kaya naman lumiko din ako.
"Hindi ka ba nandidiri sakin?"Tanong ko kaya napatingin siya sa akin habang nag lalakad saka natawa.
"Kung nandidiri ako sayo eh di sana hindi na kita niyaya mag recess." Sabi niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya.
"Sya nga pala, saan ang room mo?" Tanong ko.
"Same lang tayo ng schedule kaya kaklase mo ko." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit hindi ka pumasok kanina sa History?"Tanong ko.
"May inayus pa ako at saka late na ako non, hindi nag papapasok si Mrs Perez ng mga late, baka ma detention pa ko kung pumasok ako HAHAHAHA." Sabi niya kaya natawa ako, ang cute niya tumawa.
"Kasali ka din ba sa MPA?"Tanong ko. Tumango Tango siya.
"Pero hindi ako makakasali sa mga practice niyo kasi may sarili akong oras ng pag papractice." Paliwanag niya. Pumasok kami sa isang malaking pinto at halos malula ako ng makita ang loob nito, puno ang paligid ng pagkain pero unti lang ang mga naririto, halos bilang ko sa kuko ko ang mga nandito.
Bakit ayaw nila dito kumain? dahil ba sa malayo ito? Sabagay.
gaya ng sinabi ni Zero, kami mismo ang mag seserve sa sarili namin kaya naman namili kami ng mga masasarap na pagkain bago kami umupo sa isang malaking mesa.
"Sabi ni Head admiral anak ka daw ng may ari nitong Moonlight. Akala ko nga ay mailap ka dahil nong nakita kita kanina ay bigla kang umiwas ng tingin." Sabi ko habang kumakain.
Natawa siya, napansin ko na palatawa pala itong si Zero. Ang sarap niya pang kasama dahil puro jokes siya.
Habang kumakain kami ay nag bibiruan kaming dalawa, gaya ng sinabi ni Zero walang mga nangutya o nag maliit sa akin sa lugar na ito. Bagay na piang pasalamat ko. Matapos naming kumain ni Zero ay nag prisinta siya na ihatid ako sa office nila Admiral dahil hindi ko pa daw kabisado ang buong Moonlight.
Habang nag lalakad ako at kinakausap ko si Zero ay napapnsin ko ang mga tingin sa akin ng mga studyante.
"Hayaan mo nalang sila, inggit lang sila kasi kasama mo ako HAHAHAHAHA." Sabi ni Zero na nag patawa sa akin.
Sa tapat ng pintuan ng office ni Admiral ay tumigil kami.
"Hanggang dito nalang, bukas ulit sabay tayo mag recess."Sabi niya kaya tumango tango ako.
"Kasama ka din ba namin sa Facility?"Tanong ko. Umiling siya.
"Hindi, nakahiwalay ako sa inyo pero mapupuntahan ko naman kayo kung nanaisin ko."Sabi niya saka ngumiti.
"Sige na pumasok ka na, nasa loob na ang mga kasama mo at hinahantay ka." Sabi niya kaya tumango ako, Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla iyong kusang bumukas at niluwa non ang mukha ni Rain na nag aalala.
"Nandito na pala siya." Sabi ni Rain at agad akong niyakap.
"Akala ko nawala ka na josmio buti nakabisado mo ang pag punta dito? kung saan saan ka kasis nag pupunta Moon eh." Sabi niya.
"Hindi hinatid ako n---" Napatingin ako sa gawi ni Zero kanina pero wala siya don. umalis na ata siya?
"Sino?"Tanong niya.
"Wala."Sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Tara na nga, hinahanap ka na ni Admiral, bibigyan na niya kayo ng Uniform ni Cloud." Sabi niya at hinila ako papasok sa office ni Admiral.
~

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...