MoonLight Academy 82

11.1K 215 9
                                    

Sa isang pinto dito sa Moonlight main building ako dinala ni Fly, iniupo nya ako sa isang upuan saka may kung anong hinanap sa isang book shelf na nasa gilid.

"Ano mang oras ay hahanapin ka na nila."sabi niya habang patuloy sa pag hahanap ng kung ano man ang hinahanap niya.

"Yung MR... Ano yung mga bilog na iyon? Ano yung mga picture na nasa bilog na iyon?"tanong ko, hindi siya sumagot, tumayo siya ng maayus at may kung anong pinindot sa gilid. Napalunok ako ng makita ko na nahati sa dalawa ang pader na nasa harap ko at tumambad ang isang pinto.

Agad na kinuha ni Fly ang susi sa bulsa niya saka binuksan.

"Paano mo nagawa yun?"tanong ko, lumapit siya sa akin ng mabuksan niya ang pinto saka ako inalalayan.

"Dating hiding spot namin nila Zero at Dark."sabi niya habang inaalalayan ako papasok sa sinasabi niyang Hiding Spot.

Nang makapasok kami sa loob ay agad niyang sinara ang pinto, ginala ko ang aking paningin ng mag bukas ang ilaw. Sa gitna ng pader na aking kaharap ay naka dikit ang isang malaking larawan nilang tatlo, sila Dark,Zero at Fly. Nasa gitna si Zero habang si Fly ay naka upo sa kaliwang bahagi ni Zero at si Dark naman ay naka tayo habang ang isang kamay ay nasa kanyang bulsa ang ang isa ay nasa ulo ni Zero na naka peace sign.

Napangiti ako habang nakatingin sa larawan na iyon, mukhang silang tatlo ang pinaka close.

"May nararamdaman ka na ba?"Tanong ni Fly at umupo sa harap ko, umiling ako bilang sagot kaya napa buntong hininga siya.

"Dito kami madalas tumambay, kaming tatlo. Para sa amin ito ang hiding spot namin, dito kami nag pupunta pag nag cu-cutting kami o may tinataguan kami."Kwento ni Fly.

"Si Zero ang nag dala sa amin dito, kaming tatlo lamang ang nakaka alam sa lugar na ito." dagdag niya saka tumaas ang kilay niya.

"Yung tanong ko kanina, Anong meron sa mga bilog na iyon?"Tanong ko,tumingin siya sa akin ng seryoso saka huminga ng malalim at tumayo saka may kinuha sa isang estante sa gilid, kumunot ang nuo ko ng makita ang bilog na hawak niya. Umupo siya sa harap ko at pinakita ang hawak niyang bilog.

Hindi katulad sa ilang bilog na nakita namin ni Dark sa MR kanina, itong bilog na ito ay itim. wala din akong maaninag na larawan.

"Pekeng ala-ala ang laman ng mga bilog na nakita niyo kanina." Sabi niya saka binitawan ang bilog na hawak niya dahilan para gumulong ito papunta sa akin, gamit ang isang kamay ko ay kinuha ko ito saka tinitigan, wala talaga akong makitang larawan.

"Sa ganyang bilog nilalagay ni Admin ang mga ala-alang ginagawa niya para kontrolin ang isang nilalang. Isa sa kapangyarihan ni Admiral ang basahin at malaman kung ano ang kinakatakutan ng isang nilalang, habang si Admin naman ang taga gawa ng mga ala-alang hindi pa nangyayare."Sabi niya saka nag crossarms.

"MR, means Memory Room. Yan ang dahilan kung bakit lahat ng studyante ng Moonlight ay pinag babawal na pumasok sa loob ng builing ng mga Steler, maliban sa portal na nandodoon, ang MR ay isa din sa mga pinaka iniingat ingatan nila Admiral at Admin na secreto ng Moonlight." Sabi ni Fly saka sumandal sa kinauupuan niya,

"Bawat bilog na nakita niyo sa MR kanina ay siyang bilang ng mga studyanteng nakokontrol nila ngayun." Sabi niya kaya napa isip ako.

Ibig sabihin, sa dami ng nakita naming bilog kanina, ganon din ang dami ng bilang ng studyanteng makokontrol nila laban sa amin, madami na silang studyanteng pinapahirapan." Napalunok ako at muling napatingin sa bilog na hawak ko.

"Sa control room ginagawa nila Admin ang pag lalagay ng pekeng momarya, gamit ang aparatong kinabit sayo kanina sa ulo, ilalagay ni Admin ang bilog na hawak niya sa isang box na naka konekta sa aparatong nasa ulo mo saka bubuksan at sisimulang ipasok ang memorya na yun sa utak mo hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa utak mo at makontrol ka ng galit na nararamdaman mo." Paliwanag niya.

"Ibig sabihin, madaming studyante ng Moonlight ang nabiktima nila?" Tanong ko, tumango tango siya.

"Simula ng mamatay si Zero, ang mga studyante ng Moonlight ay nag simulang maging rebelde. Nong nabubuhay pa si Zero, isa sa kapangyarihan niya ang panatilihing payapa at maayus ang isang lugar at ito ang ginagamit nila Admiral at Admin para mapanatiling mapayapa ang Moonlight, pero dahil namatay si Zero, nawala ang kapangyarihang pumapaloob sa Moonlight at unti unti ng nag simula ang pag bagsak ng Moonlight." kwento niya kaya muli akong napa tingin sa larawang nasa gitna.

Hindi na ako mag tataka kung bakit iyon ang kapangyarihan ni Zero, isa siyang mabait na nilalang.

"Kaya naman ginawa nila Admiral at Admin ang pag lalagay ng pekeng memorya sa mga studyante ng Moonlight para muli nila itong mapanatiling kalmado at mapayapa ang Moonlight."

"Pero mali ang pamamaraan na ginawa nila." Sabi ko at tinignan ang hawak ko. "Hindi nila pwedeng gamitin ang isang maling ala-ala para mapanatiling mapayapa ang Moonlight." Sabi ko.

"Parehas kayo ng sinabi ni Zero." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ibig sabihin, ang ala-alang kinuwento sa akin ni Shadow at Red ay parte lamang ng ala-alang inilagay sa kanila." Sabi ko, tumango tango si Fly, agad kong naiyukom ang isang palad ko.

"Kaya pala nag tataka din si Dark kung bakit ganon na lamang ang galit ni Shadow sa kanya." Bulong ko.

"May nakita ako sa pangitain ko." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bukas ay susubukan ka nilang hanapin, si Dark lalagyan nila ng pekeng ala-ala at si Rain, papatayin nila si Rain." Nanalaki ang mata ko.

"B-bakit nila papatayin si Rain?"Tanong ko.

"Nabasag mo ang bilog isinalpak ni Admin kay Rain, dahilan para mawala sa ala-ala ni Rain ang isinalpak na pekeng ala-ala ni Admiral, papatayin nila si Rain dahil maaaring siya ang mag simula ng pag rerebelde ng mga studyanteng hindi pa nakokontrol nila Admiral." Sabi niya kaya napa iwas ako ng tingin.

"Hindi nila pwedeng patayin si Rain at gawan ng masama si Dark." Sabi ko.

"Kaya mag isip ka na ng plano kung ano ang gagawin mo." Sabi niya kaya natahimik ako.

Hindi ko alam kung ano ang planong gagawin ko, walang pumapasok sa aking isip.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulang mag isip ng plano.

Napatingin ako sa hawak ko.

"Bakit itim ang nasa loob ng bilog na ito?" Tanong ko habang nakatingin dito.

"Dahil patay na ang nag mamay-ari ng pekeng ala-ala na iyan." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, huminga siya ng malalim saka tumayo.

"Kay Zero ang pekeng ala- ala na yan, ginawa ni Admin ang ala-ala na iyan ng nabubuhay pa si Zero bilang isang regalo."Sabi niya kaya napatingin ako sa bilog na hawak ko.

"Mag isip ka na ng susunod mong gagawin Moon, hahanapin ko muna si Rain dahi kailangan natin siya."Sabi niya saka nag lakad papunta sa pinto.

~~~~~

Tweet me

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC:Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon