Pabagsak kong ihiniga ang aking katawan sa malambot at mamahaling kama na narito sa aking kwarto. Nakaka pagod ang Training na iyon, sumakit ang mga katawan namin ng dahil sa mga kamukha naming iyon.
Hindi ko naman inaasahan na ganon kahirap ang training para sa gaganapin na laro sa susunod na buwan. Sadya namang napaka hirap at napaka delikado ang training. Buti na lamang at simulator lamang ang naganap na training kanina.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nag relax unti. Kakatapos lang naming kumain, at maya maya ay pupunta kaming lahat sa library dito sa Facility para naman mag aral.
Bigla kong binuksan ang mga mata ko ng maalala ko na kaklase pala namin si Zero mamaya, speaking of Zero. Akala ko ay manunuod siya ng training kanina. Buti nalamang at wala siya don kaya hindi niya nakita ang pagiging bobo namin sa training.
Napa tingin ako sa bintana ko ng makarinig ako ng dalawang sunod na katok mula don, agad akong tumayo at binuksan ang bintana saka sinilip kung sino ang kumatok pero wala akong nakita.
"Moon." Napatingin ako sa likod ko pero walang naruruon. May naramdaman akong dalawang beses na kumalabit sa aking balikat kaya napa tingin ako sa gilid ko at doon nakita ko si Zero na naka ngiti habang may hawak na pulang rosas.
"Zero." Awtomatikong ngumiti ang aking labi ng makita ko siya.
"Para sayo." Sabi niya at inilahad sa akinh harapan ang hawak niyang rosas. Nakangiti ko itong tinanggap saka binalik ang tingin sa kanya.
"Salamat." Sabi ko.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"tanong ko. Natawa siya at umupo sa sofa na katapat ng kama.
"Umakyat ako sa puno na katapat ng bintana mo, tapos nong binuksan mo yung bintana agad akong nag teleport papunta sa likod mo."paliwanag niya kaya napatango tango ako.
"By the way, napanuod ko practice niyo. Ayus lang yan. Ganon talaga pag nag sisimula palang."sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
"Na-napanuod mo?"tanong ko, naka ngiti siya habang tumatango.
"Ba-bakit?"tanong ko kaya natawa siya.
"Bakit parang ayaw mo? Diba sabi ko naman manunuod ako." Sabi niya kaya mas lalo akong nahiya.
"N-nakita mo kung paano ako pumana?"tanong ko. Tumango tango siya bilang pag sagot kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kahihiyan, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.
"HAHAHAH bakit parang nahihiya ka? Ayus lang yun. Ang cute mo nga pumana eh." Sabi niya.
Umiwas ako ng tingin, bakit ba ako naiilang sa kanya? Dapat hindi ako mailang kasi natural lang na ganon ang mangyare diba? Kasi unang beses ko palang naman ginamit ang pana na iyon.
"Hindi mo dapat napanuod yun." Sabi ko na mas lalong kinatawa niya.
"Ano namang problema don? HAHAHAHAH sigurado naman ako na mapapaamo mo yung palaso na yun." Sabi niya at lumapit sa pana ko.
"Turuan kita ha." Sabi niya kaya naupo ako sa kama ko at pinag masdan siya. Kinuha niya ang tatlong palaso saka inihagis sa ere. Nagulat ako ng biglang lumutang ang tatlong palaso.
Tumingin siya sa akin.
"Dapat isipin mo na ikaw ang utak ng mga palaso na ito, tapos bago mo sila gagamitin kausapin mo muna sila." Sabi nya at binalik ang paningin sa mga palaso.
"Mga kaibigan, maari bang gamitin ko kayo upang pakitaan ang magandang binibini na nanunuod sa akin ngayun?"tanong niya sa mga palaso, napa lunok naman ako ng biglang umikot ikot ang palaso sa ulo niya.
"Tignan mo to ah." Sabi niya sa akin at inangat sa ere ang kamay niya biglang napunta ang palaso sa harap ko at nag kapira-piraso, pero habang nag pipira piraso sila ay may nabubuo na salita.
Moon
Yan ang nabuong salita gamit ang pira pirasong palaso."Ang galing." Sabi ko at napa tingin sa gawi ni Zero.
Nakangiti si Zero habang nilalaro ang mga palaso.
"Gaya ng sabi ko kanina, mahirap paamuhin ang mga arrow na nasayo Moon. Kaya kailangan mong mag ensayo gamit ang mga arrow araw araw ng sa ganon ay kilalanin ka nila bilang bagong amo." Sabi ni Admiral.
"Bagong amo?"tanong ko.
"May dati na bang nag mamay ari sa mga arrow?"tanong ko.
"Meron, kasing husay ng dating nag mamay ari niyan ang pinaka malakas pag dating sa archery. Nagagawa niyang utusan ang mga arrow sa kung anong nais niya at nagagawa niyang pumatay ng higit sa lima gamit lamang ang nag iisang arrow. Kaya dapat mapa amo mo ang mga arrow dahil kung hindi, ikaw mismo ang pupuntiryahin ng arrow sa oras na ginamit mo sila."
Bigla akong natigilan ng maalala ko ang sinabi ni Admiral sa akin tungkol sa mga palaso, napatingin ako kay Zero na hanggang ngayun ay pinag lalaruan ang mga palaso.
"Paano mo nga pala napaamo ang mga palaso?"tanong ko kaya natigilan si Zero.
"Ang sabi ni Admiral, mailap ang mga palaso at tanging sa dating amo lamang nila ito sumusunod. Ikaw ba ang dating nag mamay-ari ng palaso na iyan?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.
Nahulog sa sahig ang mga palaso na siya namang pinulot niya at inilagay sa tamang lagayan.
Tumingin siya sa akin at ngumiti saka umiling.
"Hindi ako ang amo ng palaso, Nakakalimutan mo na ata na isa akong Steler, at lahat ng mga kagamitan dito ay kaya kong hawakan." Sagot niya kaya napatango tango ako.
Oo nga pala, anak siya ng may ari ng paaralan na ito kaya malamang lahat ng pag mamay-ari nila ay kaya niyang hawakan.
"Nakalimutan ko, sorry."sabi ko. Natawa siya.
"Moon! Tara na ma lalate na tayo!" Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, boses yun ni Ice.
"Saglit lang!"sabi ko at tumingin kay Zero.
"Mag bihis ka na ng uniform, papasok pa tayo."sabi niya at kinuha sa damitan ko ang uniform na gagamitin ko ngayun saka nilapag sa kama ko.
"Hihintayin nalang kita sa labas."sabi niya habang naka ngiti, tumango ako at pinanuod siyang lumabas sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...