MoonLight Academy 93

9.9K 201 29
                                    

Shadow POV

Tahimik akong nakatingin sa harap kung saan nag uusap sila Moon at Admiral, napatingin ako kay Admin na nakatingin kay Moon.

"Sa... sa building ng mga Steler, may... may isang pinto don na may nakalagay na... MR, sa... sa loob non... naruruon ang pekeng ala-ala na... na ginawa nila sayo."

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Dark dahilan para mawala ang atensyon ko kila Moon. Napatingin ako sa building ng mga Steler na katabi lamang ng building na kinatatayuan namin.

"K-kung gusto mong maniwala, i-ikaw ang bahala."

Umiwas ako ng tingin at muling napatingin kila Admiral at Admin na kinakausap si Moon. Paano kung may ginawa talaga sila sa akin dahilan para magalit ako ng todo kay Dark? Huminga ako ng malalim saka naiyukom ang aking palad. Malalaman ko ang lahat, mamaya.

Kinagabihan ay tahimik akong nag lakad papunta sa harap ng building ng mga Steler, sa punong nasa harap nito ay agad akong nag tago at inabangan kung sino ang papasok sa loob non. Hindi ko alam kung paano nakapasok sila Moon at Dark dito pero sigurado ako na makakapasok din ako sa loob nito ng walang tulong galing kanino.

Ilang oras ang lumipass bago ko matanaw si Admin na papunta sa building ng mga Steler, may dala dala siyang kahon na kung saan may mga bilog na umiilaw, naalala ko bigla ang mga bilog na nakita namin sa loob ng MR na sinasabi ni Dark kung saan namin sila nahuli.

Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para mag tago sa dilim at sumunod sa kanya, ng mabuksan niya ang pinto ng Building ng mga Steler ay pumasok siya at agad naman akong pumasok din sa loob bago pa ito mag sara, bigla kong inalis ang kapangyarihan ko at dahan dahang nag tago sa isang sulok. Napalunok ako ng makita ko ang ilang CCTV camera na madadanan.

Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para takpan ang bawat cctv saka tahimik at dahan dahang sumunod kay Admin, napatigil ako at agad na nag tago sa likod ng malaking vase ng tumigil sa pag lalakad si Admin, huminga ako ng malalim saka sinilip si Admin na muling nag lakad.

Sumunod ako ulit sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto na may pangalang MR. Hinintay ko muna na makapasok si Admin sa loob bago ako pumasok at ginamit ang kapangyarihan ko para mag tago sa isang madilim na parte ng kwarto, pinag masdan ko ung ano ang ginagawa ni Admin.

Nakita ko kung paano nya ilagay ang mga umiilaw na bilog sa mga lagayan. Nabaling ang tingin ko sa isang stante na may nakalagay na MLA. Muli kong tinignan si Admin na tapos ng ilagay ang mga bilog sa mga lagayan at nag lalakad na palabas, napalunok ako ng tumingin si Admin sa gawi ko. Nakahinga ako ng maluwag ng ilibot niya ang paningin niya bago niya patayin ang ilaw at isarado ang pinto. Nag abang muna ako ng ilang minuto bago ako lumapit sa isang Stante na may nakalagay na MLA.

Napakunot ang nuo ko ng makita ko ang mga pangalan namin, ang akin, kay Red, Star, at Ice ay may umiilaw na bilog na may mga imahe sa loob. habang ang mga pangalan naman nila Cloud, Rain at Moon ay walang nakalagay na bilog na gaya sa amin.

Lalong kumunot ang nuo ko ng makita ko ang bilog na nakalagay sa pangalan ko, kinuha ko ito at tinitigan. Sa loob ng bilog makikita kung paano patayin ni Dark ang mga magulang namin sa harap ko.

"Sa... sa building ng mga Steler, may... may isang pinto don na may nakalagay na... MR, sa... sa loob non... naruruon ang pekeng ala-ala na... na ginawa nila sayo."

Muli kong naalala ang sinabi ni Dark sa akin, napatingin ako sa mga bilog na umiilaw. So ibg sabihin, ang bawat bilog na nandito ay mga pekeng ala-ala? Muli kong binalik ang tingin ko sa bilog na hawak ko. At ang ala-ala na paulit ulit na nag pplay sa utak ko ay isa lamang peke?

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon