""""""""""..........
Mira's PoVMaaga akong nagising ngayong Biyernes para makatulong kay Mama.
5:30 am palang ay naligo na ako at naghugas ng mga kamay para maggayat ng mga rekado para sa menudo, bopis, mga gulayin.
"Anak, sa Linggo nga pala ay bibili na ulit ako ng mga panlahok sa lulutuin natin sa susunod na Linggo. Gusto mo bang sumama para makabili ka na ng mga gagamitin sa pasukan?" tanong ni Mama habang nakaharap sa sinasaing niya.
Napatingin tuloy ako kay Mama. Nakangiti kong ibinalik paningin ko sa ginagawa ko.
'Mabuti na lang talaga at close kami ni Mama... kahit paano.'
"Opo, Mama. Isasama ko na din po yung kambal para makagala din kami sa mall kung okay lang?" nagpatuloy lang kami ni Mama sa paghahanda habang nag-uusap.
Busy ang kamay at bibig. Multi-tasking. Naalala ko tuloy yung favorite kong English teacher nung grade 9. Yung matandang kalbo na palaging ipinapaalala sa amin na dapat hindi kami magfocus sa isa. Two timer ba dapat tayo? Hahahaha.
"Ah, nga pala, nabanggit ni Lycah kahapon yung liga daw. Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Mama na naging dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Oo nga pala. Kung last game na mamaya, ibig sahin niyan, eh, may extra-raket ako. Good. Hehe.
"Opo, Ma. Pinilit ako ni Lycah. Napakakulit." sumbong ko.
Natawa lang si Mama sa sinabi ko at ipinagpatuloy na namin ang ginagawa. Halos tatlong oras din ang inabot para maluto ang lahat ng ito.
Kilala na din naman ni Mama yung kambal. Ang totoo nga niyan, mahigit 7 years na kaming magkapit-bahay. Parang anak na rin ang turing ni Mama sa kambal na iyon. Palagi kasing wala ang mga magulang nila sa bahay, eh.
"Mama, naka-alis na po ba si Papa?" tanong ko habang naglalagay ng mga kaldero at kaserola sa loob nitong karendirya pagkarating namin.
"Oo, alas kwatro nga siya umalis kasi busy daw ngayon sa kompanyang pinapasukan niya." sabi ni Mama.
Ahh, sa bagay ay bihira ko lang siya maabutan sa umaga. Nagpatuloy lang kami ni Mama sa paglalagay ng mga pagkain hanggang sa tuluyan na kaming nagbukas ng karendirya ng eksaktong 8:45 ng umaga.
"Mama, uuwi na po ako." paalam ko kay Mama.
Dumiretso na ako sa bahay at nagluto na ulit. Malapit lang naman sa bahay namin ang karendirya, dalwang minuto lang siguro ang lakarin.
"Hoy, nasan si Mama?" tanong ng napakabuti kong kapatid.
"Nasa karedirya na." walang gana kong sagot.
Hindi na ako lumingon dahil parang umalis na din naman siya. Minsan talaga, nagsasawa na ako sa kanya. Hindi na kami nagkasundo kaya naman hindi ko na pinapatulan dahil baka ma-high blood na si Mama.
Sa akin lang din naman isisisi ni Papa kapag nagsumbong si Michelle. Panganay ako, eh. Ang panganay naman palagi ang may kasalanan sa paningin ng mga magulang nila.
Bago magtanghali ay nadala ko na din ang niluto kong mga pasta na heavy snacks kay Mama. Pagdating ko doon ay puno na ang mga mesa ng customers. Hindi naman ito ganoong kalaki. Tama lang para mag-occupy ng tatlumpong tao.
"Hi Mira!!" bati ni Mang Greno.
Bumati lang ako sa kanya at sandaling tinulungan si Mama na mag-assist ng customers. Kilala ko naman halos ang lahat ng mga taong araw-araw kumakain dito. Maliban lang sa iba na kakilala ni Mama o kaya naman ay border sa mga apartment.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...