""""""""""..........
Mira's PoV
Nakaupo kami sa bleachers sa loob ng basketball court. Hinihintay naming matapos ang fencing battle ni Eva at Abby. Sinadya ito ng instructor namin dahil ang sabi ng P. E. teacher namin ay pwede daw naming masakop ang buong court dahil sa fencing. Hindi naman daw mahalaga kung masyadong malaki ang space.
Sus. Eh, para saan yung square mat? Hehehe.
Nagawang mapatumba ni Eva si Abby kaya natapos ang match nila. Susunod na kami ng Wendy. Kanina pa akong kinakabahan. Hindi kasi talaga ako marunong ng ganitong sport. Naaral na namin ang mga rules tungkol dito nung isang linggo pero naninibago talaga ako.
"Hey, just relax. Hindi ko naman seseryosohin ito. Hehe." biro ni Wendy.
Bakit nayabangan ako sa sinabi niya? Hindi ko iyon pinansin dahil nagbigay na ng go signal ang lecturer. Kanina ko pang pinapanood ang mga lalaki na magkaroon din ng match at ilang mga babae. Kaya naman kahit paano ay nagkaroon ako ng idea kung paano ito gawin. Ang ganda din ng fencing armor namin. Sosyal. Hahaha.
Nainis ako dahil ang hirap basahin ang galaw ni Wendy. Hindi daw mags-seryoso pero bakit ang galing-galing niya? Siguro ay wala lang talaga akong alam sa larong ito. Dapat kasi nakikinig ako!
Puro pagsalag ang ginagawa ko. Hindi kasi ako makaatake. Kailangan kong pag-aralan ang mga galaw niya.
Kanan. Kanan. Atras. Kaliwa. Kaliwa. Atras. Kanan. Kanan. Atras.
Aatras at susugod. Nakuha ko kaagad ang pattern na ginagawa niya. Kaya sa tuwing aatras siya ay ako ang susugod. Sabre, thanks.
Akala ko ay mapapatumba ko si Wendy dahil sa ginawa niyang pag-atras ng dalawang beses pero hindi. Kinuha lang pala niya ang opportunity para sugurin ako at dahil nabigla ako, napaupo na lang ako para hindi tamaan. Daya!
"Nice one, Mira." sabi ni Wendy at naglahad ng palad.
Kinuha ko iyon at tumayo na. Ang init sa loob ng helmet. White armorsuit at black helmet. Ang ganda.
Nang matapos kaming lahat ay binanggit lang ng aming instructor kung sino ang nakapasa at kung sino ang kailangan pang mag-ensayo. Syempre latter na naman ako. Pero ayos lang dahil nag-enjoy talaga ako.
Lahat kami ay pumunta na sa locker room at kumuha ng pamalit na damit. Kaming mga babae naman ay dumiretso na sa shower room pagkatapos. Ang sosyal ng shower room dito dahil may dalawangpung shower cubicles.
Naalala ko tuloy yung video sa camera ni Lycah... Ihh!
Pagkatapos ng P. E. class ay dumiretso na ako sa mother kitchen. Na-explain na naman sa akin nung dalawa ang mangyayari dito sa cookshow.
One hour and ten minutes lang ang oras para makapagluto kami ng dalawang putahe at ma-serve ito sa lamesa sa harap. At ang matitira na twenty minutes ay para sa judges na paimportante, haha. Ang kaso ay wala kaming idea kung sinu-sino ang mga judges na pupunta dito mamaya.
Sina Taylor Alison Swift at Edward Christoper Sheeran kaya? O si Lalisa Manoban at Kim Tae-yung? Hehehe.
Pagpasok namin sa mother kitchen ay nagsuot na kaagad kaming anim ng PPE. Syempre. Nagkanya-kanya na kaming pili ng sariling working area dahil pinag-simula na kami ni Miss Kathy.
Ang pinakapaborito kong lutuin at tinatawag kong special dish ko ay adobo. Sariling recipe ko. Haha. Charr. Hindi ko alam kung bakit ito ang palaging hinahanap-hanap ng tiyan ko. Pero ang sabi ng marami, ito daw ang pinakamasarap na niluto ko sa lahat. Shelemet. Haha.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...