MIRACLE#24 Highest Wall

10 0 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

Hindi na lang ako sumagot. Kailangan kong magfocus. Nagsimula kaming maglakad. Ang sabi ng isang coordinator ang matutumba daw ay tanggal na sa laro.

Paulit-ulit si Myke sa pagsasabi ng 'left' at 'right' sa akin hanggang sa makasabay na ako sa kanya. Napapangiti ako dahil kaya ko siyang sabayan. Napaka-childish tingnan pero nage-enjoy ako sa TLR na ito. Kaya lang ang laki niya masyadong humakbang.

Nang makarating kami sa teacher dito sa dulo ng 20 meter na lakad namin ay inabutan kami ng tatlo pang lubid. Ako ulit ang naglagay ng lubid at hinigpitan ko ito dahil kapag daw may lubid na lumuwag ay bawal hawakan at kapag tuluyang nalaglag ay tanggal na din sa laro.

Nagsimula na ulit kaming lumakad. Pangatlo kami sa mga naglalaro. Nangunguna sina Wendy.

"Faster transferee!! I wanna win." utos na naman niya.

Putik! Hindi transferee ang pangalan ko!!! Wala akong nagawa kung hindi ang mas lumapit sa kanya. Nagpatuloy na kami sa paglakad-takbo at naramdaman kong nat-tense si Myke. Nakikipag-kompeyensita ba siya kay Nielle? Medyo natawa ako doon.

Kailangan naming manalo. Para sa flag at pride nitong kapartner ko!! Kumapit ako sa likod niya para mas magkadikit kami at mas mapadali ang paglakad namin.

"Kaya mo bang tumakbo ng hindi nilalakihan ang hakbang ng paa mo??" tanong ko.

Tumango lang siya kaya sinubukan naming tumakbo. Napatawa pa ako nang makita na nadapa yung magka-partner na pangalawa sa laro. Disqualified. Nakalapit na kami kay Wendy at Nielle.

"Faster."

Ginawa ko ang sinabi niya. Nang makapantay na namin sina Wendy ay nagsalita siya.

"You're enjoying each other's company, aren't ya??" nang-aasar ang tono ng pananalita ni Myke.

Ehh?? May something ba kay Wendy at Nielle?? Medyo na-distract sila kaya ginamit namin ni Myke ang pagkakataon para unahan sila.

Tapos yon nga, nanalo kami!!!!!! Waaahhhh!! Ang saya sa pamiramdam. Agad tinanggal ni Myke yung lubid pagkadating namin sa tabi ng field. Binigyan ulit kami ng flags. Ayos!! Pinabalik kami sa room para daw makapagpahinga pero hindi ako doon dumiretso. Nagpunta ako sa library para tingnan kung nandoon si Kelly pero wala. Nasan kaya ang isang iyon?

Naupo muna ako sa pinakamalapit na upuan at tumambay lang. Doon ko naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Bahagya kong pinaikot ang mga braso at leeg ko. Bago kami kanina magsimula sa three legged race ay pinagpalit muna kami ng damit kaya naman malinis na ang katawan ko kahit papaano. Kaya lang napuruhan siguro ang mga binti at mga paa ko. Mas masakit iyon, eh. Hinawakan ko ito ay medyo hinimas.

"Laro kasi ng laro. Daig mo pa ang bata, eh."

Napalingon ako sa nagsalita. Si... Kelly!!

"Para kang kabute. Hindi ka ba sumali sa obstacle course race?? Ngayon lang kita nakita, eh."

Naka-white na naman siyang t-shirt. Umupo lang siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang isang libro.

"Hindi ako kasali sa mga laro kasi isa ako sa coordinator. Tumutulong lang ako sa teachers." iyon ang sabi niya.

Coordinator siya? Ang daya! Dapat lahat ay nagp-participate sa training na ito!! Napangiti tuloy ako.

Sana all. Hehehe. Dapat siguro ay coordinator din ako kasi scholar din naman ako, eh!

Kaya pala alam niya na by section ang groupings. Pakana niya siguro, hehehehe.

"Oo nga pala, nakita kita kanina dun sa obstacourace. Bakit hindi mo tinulungan yung kapartner mong kumain? Diba si Myke Smith 'yon? Buti hindi ka pinilit. Mapili ka pala sa pagkain. Hahaha." tumatawa niyang sabi.

Nawala tuloy ang ngiti ko. Yung isda??

"Ahh, allergic kasi ako sa isda. Hehe. Alangan namang kainin ko iyon para lang manalo kami??" na-iilang kong sabi.

Buti na nga lang ay kinain ni Myke yun kanina. Kung hindi, ayawan na. Naramdaman naman ni Kelly na ayaw ko yung pinag-uusapan kaya iniba na lang niya ang usapan at napunta kami doon sa three legged race. Kitang-kita daw niya kung paano ko chancing-an si Myke nung tumatakbo kami pabalik!!!! Pinandilatan ko siya ng mata at tinawanan lamang niya ako.

"Ang kapal naman ng mukha mo!!! Hindi chancing ang tawag doon kung hindi teamwork!!" inis kong sabi.

Nakakaasar. Tinatawanan lang niya ako at hindi siya naniniwala sa akin. Napaikot ko tuloy yung eyeballs ko.

"Bahala ka nga diyan!!" sabi ko at tumayo.

Hindi ko alam kung bakit pero apektado ako sa sinasabi niya. Nadala lang naman ako sa goal ni Myke kaya binilisan ko din. Psh.

"Sabay tayo umuwi mamaya ha?? Sige!!!" pahabol niya bago ako tuluyang makalabas sa library.

Lumakad na ako pabalik sa room. Pero... nakasalubong ko yung Miss Vhit. Yung nakaaway ko nung Lunes.

"Huh!!! What a dirty nerd??!! What made you think na titigilan na kita??" mataray niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang lalampasan ko na sana siya ay bigla na naman niyang hinila ang buhok ko. Ouchakit!!! Naman, eh!!

"Hoy, nerd!! Don't you ever dare to beat up the highest wall. Wag kang babangga sa matigas at mataas na pader dahil masasaktan ka." gigil niyang sabi.

Highest wall amp!!

"Oo, tama ka, isa ka ngang pader." matapang kong sagot na may ibang ibigsabihin.

Hahaha. Epic yung hitsura niya dahil hindi niya ako naintindihan.

May sasabihin pa sana siya kaya lamang ay may dumaan na guro at pareho kaming pinabalik sa kani-kaniyang room. Lumakad ako ng sobrang bilis kasi baka balikan niya ako.

Pagdating ko sa room ay nag-empake na ako ng mga gamit at inilagay sa loob ng aking bag. Wala ang iba kong kaklase dahil daw may ipinapagawa si Miss Van. Wala pang sampu sa mga kaklase ko ang nandito sa loob.

Nag-enjoy naman ako dito sa JRMIA, so far so good. Siguro kaya hindi ko nararamdaman na belong ako sa kanila ay dahil ang totoo niyan ay ako ang mayroong mataas at matibay na pader. Invisible na pader na binabalutan ang puso ko.

Sobrang daming nangyari matapos ang break-up namin ni John Myke. Natuto akong mag-inom ng alak-- ng palihim. Nawalan din ako ng self-confidence pagdating sa social life ko. Nagkaroon ako ng trust issues sa mga kakilala at kaibigan ko. I mean-- ganoon pa din kami pero ramdam ko talaga ang pagbabago sa akin.

Teka nga lang!

Nagiging plastik na ba ako?? Waahhhh!!! Ayaw kong maging plastik!!

""""""""""..........

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon