EPILOGUE.2

22 5 0
                                    

""""""""""..........

Gel's PoV

Ilang minutong ipinaliwanag ni Sir Kaiga ang gagawin at topic namin hanggang sa magsimula na kami. Syempre lahat kami ay ganadong-ganado sa debate na ito, well, maliban kay Angel na nakaupo lang sa sulok at hindi nakikisali sa aming debate.

Nakakaawa talaga siya! Masyado niyang dinidibdib yung kay Celine Dion...

Hehehehe.

Malay ko ba na iyon ang mabubunot ko? Pagkabunot ko kasi ng para sa akin ay ipinalista na ng teacher namin tsaka ako pinabunot para kay Angel. Kung pwede lang edi sana pinalitan ko yung kanya? Eh, kaso hindi.

Iyan tuloy, galit na galit gustong manakit...

Hinati ang bawat section sa dalawang grupo. Binigyan kami ng sampung minuto para makapag-isip ng tactics na magiging epektibo para mapapayag namin yung bata sa harap ng monitor na tumestigo.

Sa second batch pa ako lalaban kaya tinabihan ko lang si Angel.

"Huy! Sorry na? Hindi ko naman alam---" nakokonsensya talaga ako pero hindi niya ako pinatapos dahil umakma siyang susuntukin na naman ako kahit hindi naman ako nasasaktan doon.

"Bwusit ka kasi kuya!! Anong gagawin ko? Ayokong bumagsak pero kilala mo naman si Celine Dion, leche ka kasi!"

Kahit gusto ko siyang pagalitan dahil nakakarami na siya, hindi ko naman magawa. Kasalanan ko ba kung hindi siya ang bumunot para sa kanya kasi um-absent siya? Hindi naman, eh.

Hindi na siya nagsalita. Mabilis na lumipas ang oras at batch na namin ang makikipagdebate.

Tumayo kami sa kaliwa at nasa harap namin sa kanan ang taga-Elaine na panay ang pagpapacute sa akin.

Pinakamagandang gawin sa ganitong match ay tumayo lang at magpacute.

I smiled at the girls in front of me and almost all of them weren't able to justify the debate we're doing.

Nagsimula na kami at isa-isa kaming pinalapit sa screen kung saan mayroong nakatutok na camera para makita din kami ng bata at aktwal na makausap.

Malapit na ako sa magsasalita ng may biglang pumasok na napakagandang idea sa isip ko. Wahahaha.

Pero syempre, gagaya na ako sa iba,

Sa susunod na lang! Nigel Davis, signing out. Love you, girls! Eh?

""""""""""..........

Wendy's PoV

Natapos ang mahigit isang oras na debate at nandito kami ngayon sa second floor ng cafeteria at nagl-lunch. Nakakasawa kayang magsalita ng magsalit at mag-isip ng mag-isip tungkol sa ibinigay na mga topic ni Sir Kaiga kanina.

Ang nangyari kasi ay Felixian girls vs. Elainatics boys sa first batch tapos Felixian boys vs. Elainatics girls sa second batch. Ayun! Patas ang first batch ng debate at panalo naman kami sa second batch kaya ayos lang.

Kumain ako ng vegetable salad at umiinom ng mango shake. Hindi naman ako masyadong gutom. Na-miss ko na kaagad si Jr.

Simula nung nalaman kong buhay ang kapatid ko ay para bang gusto kong nasa tabi niya lang ako pero minsan o madalas...

Natatakot akong makasama siya. Baka mamaya niyan kasi ay maulit ang namgyari dati at mapahamak na naman siya dahil sa akin pero...

Malaki na ako ngayon! Kaya ko na siyang protektahan. Gusto ko siyang protektahan.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon