""""""""""..........
Mira's PoV
39 items LANG ang sasagutan. May identification, enumeration, may matchingtypes at riddles. Halos isang oras ko itong sinagutan dahil kaya mabagal akong magbasa? O dahil pinag-iisipan ko ang sagot?? Hindi naman lahat ay tungkol sa academics.
Mabuti na lang talaga dahil walang time limit ang exam para sa session ng program na ito.
At doon ako pinakanatagala sa riddles. Bigla kong naalala. Ako daw ang unang pumasok sa isip ni Ma'am Lucia ng malaman na nagbukas ang scholarship department. Ibig sabihin malaki ang tiwala niya sa akin. Tapos binasa ko ulit ang nakasulat. Doon ko na-realize na ang sagot ay ang tanong sa question number one.
Putik, bakit ang riddle ay tungkol sa Legend ng school na ito?? Waahh. Ang creepy.
Hindi naman sa gusto kong magsagot ng maraming tanong pero kasi, iba ang in-eexpect kong makikita sa school na ito.
Hindi ako pwedeng bumagsak sa test na ito dahil nakakahiya naman kung nasabihan ko na agad ang iba pero hindi pa pala ako siguradong makakapasok.
Ibinigay ko kay Miss Marilou ang test paper ko. Siya yung bantay dito. Maghintay lang daw ako ng ilang minuto para ma-check niya ang papel ko.
Naka-upo pa din ako sa upuan sa gitna at siya naman ay nakaupo ngayon sa lamesa na malapit sa pintong pinasukan ko kanina.
Buti pa yung kambal. Makakapasok sila ng hindi nage-exam dahil magbabayad na lang sila ng tuition fees dito. Pero anong mabuti doon? Mas maswerteng makapasok sa school na ito gamit ang talino at hindi ang pera. Asset 'yon.
"Miss Miracle J. Reyes?"
Napatingin ako sa babae ng banggitin niya ang buong pangalan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
"B-bakit po?" kinakabahn kong tanong.
Bakit kaya? Creepy na nga sa school na ito pati ba naman yung boses niya? Paano kung bigla nalang lumabas yung mga mighty saviors at isama nila ako?? Tapos maglalaho na naman ang paaralan? Waahhh!!!
Napansin niyang hindi maayos ang hitsura ko kaya nagsalita na siya.
"Well... congratulations. You passed the JRMIA's tenth year level examination. Out of twenty-three examiners, only four are those who succssessfully passed. And you are the only one who got the perfect score so far..." paliwanag niya.
Napangiti ako. Perfect score? Anig saya!! Mamaya ay bibili ako ng maliit na kandila at isang maliit na cupcake para mag-celebrate. Ngumiti din sa akin ang babae bago tumayo.
"I am glad that you had examined here in our school. But Miss Reyes let me clear out something." seryoso siyang tumingin sa akin.
Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi niya. Bakit kaya? Anong problema?
"Ngayon lang ulit na-isipan ng may-ari ng paaralang ito na magsagawa ng ganitong program para magbigay ng scholarship. Hindi din naman kami nadalian sa nangyayaring ito. Pero kasi... dalawang linggo na mula ng nagsimula kaming magpa-exam. Hindi na din kami sigurado kung safe pa ba ang mga sagot dito kasi iisa lang ang mga tanong na ibinibigay namin sa nage-exam. Don't get me wrong Miss Reyes, ha? Pero kahit na nakapasa ka ngayon ay kailangan mong magtake ng special exam tomorrow just to make sure that you worth the offer this school is giving you." magalang niyang sabi.
"Naiintindihan ko po. Wala naman pong problema sa akin. Babalik na lang po ako bukas." nakangiti kong sabi.
"Maraming salamat sa pang-unawa Miss Reyes. Anyway, pasado ka na naman sa exam today kaya bibigyan na kita ng requirments para masimulan mo ng ma-asikaso. Just to inform you, third Monday of June ang start ng pasukan dito sa JRMIA. Kapag naipasa mo padin ang exam bukas, you'll have everything here for free." nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
