MIRACLE#63 Mysterious Feeling

23 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Nakatitig ako ngayon sa kisame dito sa kwarto. Alasdose na ng hating gabi pero hindi pa din ako makatulog. Inaalala ko pa rin ang lahat ng nangyari sa araw na ito.

Nalaman ko na lang na kasali ako sa singing contest. Nagkaroon ng surprise quiz sa history at bumagsak ako dahil hindi ako nakapagfocus doon. Nagrequest ako ng kanta dahil nalaman kong hindi na ako makaka-atras sa laban. Nag-audition ako sa JRMIA contest at napatapat ang strained mistery participant number sa akin bilang contestant. Napahiya din ako ng kaunti dahil wala akong background ideas tungkol sa contest. Kinanta ang request ni Lycah. Kumanta ng dalawang special entries galing sa mga judge.

Binigyan nila ako ng black ticket na may nakasulat na 'level battles contestant pass' at ipinaliwanag nila ang mga susunod pang mangyayari sa contest. Lalaban daw ako sa lahat ng grade 10 na nakapasok sa audition round. Dalawa na lang daw sa grade 10 ang matitira. Ang dalawang iyon ang lalaban sa campus battle. Kapag naglaban ang higest 8 ay apat na lang ang matitira. Bawat isang campus ay magkakaroon ng isang representative at mayroon ding special performance na nagsisilbing semi-finals. Sa susunod na Martes ng gabi daw gaganapin ang championship para sa final 4 na matitira.

Pagbalik ko sa classroom matapos ang audition ay nagulat ako dahil... napapanood pala ako ng buong school. Mayroon daw mga carema sa loob ng audition room at lahat daw ng mga tv screens at projector screens ay napapanood daw kami. Nakakahiya!!

Dumiretso ako sa hospital at dinalaw si Lycah. Mayroon daw naglive sa facebook kaya napanood din daw ako ng kambal. Umuwi din ako matapos naming magkwentuhan. Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako kasi...

Walang tao. Wala si Mama--wala namang bago kung wala sa bahay si Mama. Palagi naman siyang nasa karendirya. Pero kasi... wala ang mga gamit niya. Wala na din si Lola kaya naisip ko kung sumama ba si Mama kay Lola sa Cebu? Pag-akyat ko sa kwarto namin ni Michelle ay marami din gamit niya ang wala.

Naisip ko din kung nanakawan ba kami? Pero hindi naman siguro dahil kumpleto naman at walang nagbago sa mga gamit ko. Pumasok ako sa kwarto ni Mama at Papa kahit alam kong bawal. Binuksan ko ang cabinet ni Mama at Papa... maraming damit nila ang wala. Ang malaking bag din ni Papa sa taas ng cabinet at maleta ni Mama sa ilalim ng papag ay wala...

Iniwan nila ako...

Sa totoo lang ay ayos lang dahil ayaw ko din namang um-absent sa school at mas lalong ayaw kong bumalik doon sa Cebu. Pero kasi...

Yung katotohanan na hindi man lang nila ako sinabihan tungkol sa pag-uwi sa Cebu... Hindi man lang sila nagpaalam sa akin... Hindi man lang nila ipinaalam na aalis sila. Naiiyak na lumabas ako sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hindi ko din naman alam kung papayag ba akong sumama kung sakaling sinabi nila sa akin. Pero kasi... para namang hindi nila ako pamilya dahil sa ginawa nila. Nagtatampo? Naiinis? Nagagalit? O... nalulungkot?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Pagdating ko sa lake ay naupo kaagad ako sa harap ng lake sa tabi ng puno. Hinayaan ko na lang na tumulo ang mga papansin kong luha.

Ilang minuto akong nagdrama hanggang sa dumating siya. Ang kabute na palagi akong dinadamayan. Akala ko nga ay insensitivity pa din ang ipapakita niya sa akin dahil madalas naman na ganoon.

Pero nagulat ako dahil para siyang matanda kung magsalita. Sinasabihan ako na kaya ko daw ito. May dahilan naman daw ang mga magulang ko. Mahal daw nila ako at kung anu-ano pa. Natuwa talaga ako dahil kahit paano ay gumaan ang loob ko.

Sabay kaming nagdinner ni Kelly sa apartment niya. Binati din niya ako dahil ang ganda daw ng peroformance ko sa audition. Sinabi din niya na may bali-balita daw na kumalat na ang nagsali sa akin sa contest na iyon ay si pader... epic failed ang baliw na iyon.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon