""""""""""..........
Michelle's PoV
Lumayo ako kay Miracle para saan?
Yung totoo? Kasi galit ako. Sobra-sobrang galit ang naramdaman ko ng malaman kong ampon lang siya. Kasi lahat na lang ng atensyon nasa kanya, lahat ng suporta, ng pagmamahal, talino at kakayahan. At dahil lahat ng iyon ay nasa kanya, may kumalat na bali-balita na baka ako daw ang ampon. Kasi pareho silang magaling magluto ni Mama at pareho naman silang matalino ni Papa. Ako? Wala. Patapon ang buhay. Kaya mas lalo lang akong nagalit ng kumalat ang balitang ampon ako. Oo, minsan naririnig ko pa silang nag-uusap sa harap ko. At pinili kong lumayo kay Mira kasi nga galit ako....
Sa kanila. Ayaw kong maramdaman niya ang nararamdaman ko tuwing tinatawag nila akong ampon since originally siya naman talaga. Hindi matanggap ng mga tao sa paligid namin na ito lang ako, ito lang ang kaya ko. Anong gagawin ko?...
Si Papa naman ay lumayo kay Mira para daw hindi niya masabi ang totoo. Dahil na rin nung mismong araw na unang beses kong nakita ko si Mira na hindi maganda ang hitsura. Maraming pasa at sugat sa katawan. Halos hindi na rin maayos ang paghinga at ilang araw siyang walang malay. Iyon ang naalala ko.
Natatakot si Mama na baka kapag nalaman ni Mira kung sino talaga siya ay maalala pa niya kung ano ang sinapit niya sa mga taong nanakit sa kanya. Ang akala din ni Mama ay mga magulang ni Mira ang may gawa niyon sa kanya pero imposible. Ngayon pa na alam na namin na sila Tita Hannah at Tito Albert ang mga magulang niya, nakakasigurado ako na hindi sila ang may gawa no'n.
Ang alam ko, alam ni Rence na hindi ko kapatid si Mira. Dati kasi ay nahuli ko siyang nagtatago sa loob ng bahay namin pero hindi ako nagpahalata. Binuksan ko kay Papa ang usapin na tungkol sa pagiging ampon ni Mira at alam kong rinig niya iyon.
Bakit ko nga ba pinahihirapan si Mira tuwing nagkikita kami? Wala lang. Gusto ko lang. Palagi ko siyang inuutusan kasi tinatamad talaga ako, hahaha.
Yung tungkol naman kay Rexha. Paano ko nalaman lahat ng iyon? Ahahahahahaha.
Ako ang may pakana ng karamihan sa mga 'yon. Close kami ni Rexha. Sobrang bait kasi niya, totoong mabait. Naging magkaibigan kami simula nung sumali ako sa varsity sa school.
Nainis pa nga siya sa akin nung una dahil ako ang maging varsity captain imbes na siya.
Ako ang nagp-plano kung paano dudumihan ang locker niya. Well, hindi ko naman alam na magkakakilala sila nung unang araw ng pasukan. Hindi naman iyon kasama sa panggugulo ko sa kanya sa school para lang mapaalis siya do'n.
Ang totoo niyan, ayaw ko lang din na husgahan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya do'n. Kagaya ko, nung elementary ay palagi akong nab-bully dahil hindi kami mayaman. Pero never akong nagsumbong kay Mama at Papa kasi baka paalisin nila ako sa school at ilipat sa iba.
Marami akong naging kaibigan do'n kaya naman mahihirapan akong mag-adjust kung aalis pa ako.
Ako din ang nagrecommend kay Ate Lucia na si Mira ang bigyan ng form para sa scholarship sa JRMIA kahit na pwede naman niya iyong ibigay kay JM, yung ex niyang gunggong na hindi maalam namurpresa. Si JM nga pala ay kaibigan ko din, pati si Evan, Kate at Motchok. Friendly ko, 'no?
Yung nangyaring pastry blog na ginawa ni Rexha ay hindi naman dapat niya gagawin pero ako ang nagsuggest niyon. Pero malay ko ba na b-video-han niya? Ang sabi ko lang ay ipahiya, hindi ikalat pa sa internet. Naparusahan tuloy siya. Ako din naman ang naghack ng video na iyon sa account niya ng hindi niya nalalaman at nagblock sa lahat ng mga papansin na nagreact at nagshare nung video.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...