""""""""""..........
Mira's PoV
Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Medyo nahihilong umupo ako. Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa unan. 5:30 ng umaga. Ginawa ko muna ang mga nakasanayan ko ng gawin pagkakagising sa umaga bago naligo. Nagsuot ako ng jacket. Wala pang ala-seis ay lumabas ako at nagpunta sa park para makapag-jogging. Kung magj-jogging ako sa palibot ng lake ay baka abutin ako ng tatlumpung minuto dahil medyo malaki din ito.
"Rise and shine, Mira!" nakangiting sabi ko sa sarili habang nag-uunat ng mga braso.
Napahawak ako sa sentido ko ng bigla itong sumakit. Naalala ko tuloy yung panaginip ko. Yung parang nag-eecho ang boses nung bata sa ulo ko. Ano nga yung pangalan niya??
Ang naalala ko lang nagsisimula iyon sa I. Ano yun? Ivan? Iden? Inosh? Igorot? Arrgh!! Kaasar hindi ko maalala!
Wala pang tao dito kasi sobrang aga pa. Hindi pa din ganoong ka-sikat ang araw. Lakad takbo ang ginagawa ko ngayon para hindi ako masyadong hingalin. Sandali akong tumigil para magpahinga dahil medyo pawisan na ako. In- unzip ko ang jacket ko at tumitig lang sa lawa. Nakakakalma ito. Nag- vocalinizationizm ako at dahil wala namang tao kumanta na din ako. Wahaha. Saan ko ba narinig ang term na iyon?
'Ladies all across the world
listen up we're lookin for recruits
If youre woman let me see your hands stand up and salute!'Naglakad ako habang kumakanta hanggang sa natapos na ako dahil hindi ko na alam ang lyrics. Ilang araw na din mula ng huli akong nakapag-jogging dito.
Habang naglalakad ay may nakita akong matangkad lalaki na nakatayo malapit sa akin. Hindi ako nakasalamin kaya hindi ko siya mamukhaan. Lumapit ako sa kanya at nakitang nakatulala siya sa akin.
"Uhh, excuse me? Good morning po. May kailangan ka ba?" nakangiti kong sabi.
Para naman siyang biglang natauhan at nagulat kasi nasa harapan niya ako.
"H-a-h- ha? Ano?" natataranta niyang sabi.
Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na siya palayo sa akin. Feeling ko tuloy bading iyon. Haha.
Tinapos ko lang ang pagj- jogging at naglakad na pauwi. Madami na ang mga taong naglalakad. Mga papuntang trabaho nila. Nginingitian ko lang ang mga kakilala ko at binabati.
"Good morning, Ate Rosa." bati ko sa isang napakabait na may-ari ng panaderya. Mabait siya kasi discounted daw ako tuwing ako ang bibili.
Binati ko din sina Mang Goryo at ang asawa niyang si Aling Mabel.
Nagpatuloy na ako ng paglakad pagkatapos kong makipagbatian sa mga anak nila.
"Mira!!" napatigil ako ng marinig ang isang sigaw.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Ate Lucia. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Good morning po Ma'am Lucia." bati ko.
Isa siyang teacher sa school na pinapasukan ni Michelle. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.
"Mira, mabuti naman at naabutan kita ngayon. Sa JRMI Academy kasi ay mayroong opening ng scholarship. Nabanggit ko na ito sa Mama mo kahapon. Naisip ko kasing matalino ka naman at masipag mag-aral kaya baka gusto mong subukang pumasok doon?" paliwanag niya.
Napangiti ako sa sinabi niya at parang nagningning ang paligid. Matagal ko na ngang gustong pumasok doon.
"Ganoon po ba? Kailan po ako pwedeng pumunta doon?"
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Genç KurguAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...