""""""""""..........
Nielle's PoV
Anong klaseng babae ba naman itong si Lycah? Ayaw niyang bigyang ng privacy si Mira at yung... ex 'daw' niya. Bakit parang may something sa akin na gustong magalit dahil yung lalaking iyon ay pina-iyak dati si Mira?? Ang sabi kasi ni Rence ay seryoso daw sila sa relasyon nila noon.
"Talaga Rence? Paano ba sila nagbreak?" pangungulit ni Angel.
Honestly, I want to know that thing, too. Gusto kong lakihan ang tainga ko para lang marinig yung sasabihin niya.
"Come on, Angel. That's not my story to tell." pagtanggi niya.
Kj naman. Nakatayo kami malayo sa pwesto nila Mira. Dapat talaga ay hihilahin ko na si Lycah kanina papunta sa Cyberzone. Ang kaso ay nagreklamo siya dahil baka kung ano daw ang mangyari kapag hindi siya nakatingin. Baka daw mag-comeback yung dalawa.
"Kambaalll!! Tingnan mo oh!! Nagtatawanan pa sila!!" nanggigigil na sabi niya.
"Hoy, Lycah. Inggit ka lang kay Mira eh, ano?"
"Oo nga. Hayaan mo ngang sumaya si Mira."
"Don't be so KJ, Lycah."
Pang-aasar ng mga kasama namin sa kanya. Kawawa naman.
"I still love you, beybe."napatingin kami kay Gel.
"Mahal din kita..." Thim even used a little voice and so the two of them dubbed Mira and her ex's voices.
"Kalimutan na natin ang past natin, honey."
"Sure. Tayo na ulit ha? I love you, sweetie."
"Oo nga pala, baby, ang pogi nung mga kasama ko, noh?"
What the---
Sabay na tumawa si Mira at yung kasama niya na parang iyon nga ang sinabi nila.
"Pa-hug naman. Love."
"Come here, dear----"
"HINDI BA KAYO TITIGIL???!!!"
Lahat kami ay nagpipigil ng tawa dahil galit na galit na si Lycah. Bago pa kami mahuli dito ni Mira at bago pa mabanggit nung dalawa ang lahat ng terms of endearment ay nagyaya na si Wendy sa Cyberzone.
Ano kayang bibilhin kong gadget? Cellphone ulit?? Pero ang dami ko ng cellphone sa mansion namin.
"Hoy, epal ka kasi Nielle!! Bakit ba naman dito mo pa naisipang pumunta?" reklamo ni Lycah.
Kanina pa siyang nagrereklamo. Hindi ko siya pinansin kaya mas long umusok ang ilong niya sa galit. Hahahaha.
I don't know why pero matapos kong malaman na kakambal ni Lycah si Rence ay parang nakahinga ako ng maluwag.
Pumasok ako sa isang cellphone department. Bibili ako ng cellphone na maganda. Kasing ganda ng huling genuine smile na nakita ko sa kanya no'n...
"Bro, ilang phone ba ang gusto mo? Hindi ka ba nagsasawang bumili??" tanong ni Myke sa tabi ko.
Naghiwa-hiwalay na kasi ulit kami katulad ng nangyari kanina. May kanya-kanyang gustong puntahan.
"May pagbibigyan lang ako. Hahaha." binalewala lang din naman niya ang sagot ko.
"Ang pogi naman nila!!"
"Minsan na nga lang may pumasok dito na lalaki, jackpot pa tayo sa duty hour natin!"
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...