""""""""""..........
Lycah's PoV
Nag-unat ako ng katawan. Kagigising ko lang at nandito pa din kami sa bahay nila Angel. Dito ako natulog sa guest room nila. Nainggit tuloy ako. Buti pa sila mahigit sampu ang guest rooms. Walo lang kasi ang guest rooms sa bahay namin pero mas malaki kumpara sa tinulugan ko ngayon. Lumabas ako sa kwarto pagkatapos kong maligo. Bumaba ako sa kusina at nakita silang lahat doon.
"Good morning, Lycah. Breakfast's ready." morning greet ni Angel.
Tumabi ako sa kanya at kumain. Mamayang tanghali pa kami uuwi. Pagkatapos daw kumain ay tatapusin na namin ang practice sa sayaw. Mabuti na lang dahil wala si Gel dito. May over night practice din sila sa bahay naman nila Thim.
Kumuha ako ng poached egg at dalawang slice ng bacon. Wala ako sa mood, bakit kaya?
"Hey, Lycah? Are you alright?" nag-aalalang sabi ni kambal.
Tumango lang ako at kumain. Hindi na din ako kinulit ni kambal. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. May kumatok sa pinto kaya napatingin ako doon.
"Oh, kambal? Bakit?" nagtatakang tanong ko bago bumaling ulit sa ginagawa ko.
"Are you sure, you're okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit siya at hinawakan ng noo ko.
'Ang lamig naman ng kamay niya.'
"Lycah!!" nagulat pa ako sa bigla niyang pagtawag sa pangalan ko.
"Bakit ba?" angal ko.
Aga-aga ang ingay niya. Hindi siya sumagot sa halip ay lumabas na at iniwan ako dito. Epal na iyon! Hindi ko na siya inintindi. Tinawagan ko si Mira.
||oh, bakit??|| humihikab niyang sabi.
"Kagigising mo lang? 8:00 am na, ah?" nagtatakang sabi ko.
Ang alam ko mayroon pa silang practice? Bakit naman ngayon palang siya nagising? Hindi siya sumagot.
Haha. Loading na naman yung babaeng iyon.
||HALAAA!! LYCAH! Mamaya na lang tayo mag-usap! Late na ako sa practice naminnn!!!||
Then she ended the call. How kind? Ayaw pa naman nung nal-late siya.
"Lycah, here. Inumin mo. Ipapasundo na kita sa driver natin. Magpahinga ka nalang sa bahay ha?" bilin sa akin ni kambal.
Ibinigay ni kambal sa akin ang tubig at gamot. Kaya pala. Nilalagnat pala ako. Hindi ko iyon alam. Manhid ako, eh. Hehehe. Mabuti dahil palaging nandito si kambal para sa akin.
Niyakap ko siya. Ewan ko ba feel ko lang yakapin siya.
"I love you, kambal."
Ginulo lang niya ang buhok ko bago ako yakapin. Bakit kaya may kakaiba akong nararamdaman?
"I love you, too. Panget." biro niya.
Ilang segundo lang kaming tumagal sa ganoong posisyon dahil hindi naman talaga ako clingy o showy sa kanya. Tinulungan niya akong buhatin ang gamit ko. Dapat pala ay maleta ang dinala ko. Isang overnight sleep lang ang ginawa namin pero apat na bag ang dala ko.
"Kambal? Bakit kaya parang ayaw ko pang umalis? Dito na lang kaya ako tumira sa bahay nila Angel?" biro ko sa kanya.
"Gusto mo ba, sumama na ako sa inyo pauwi? Para sabay na tayo?" suggestion niya.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...