""""""""""..........
Gel's PoV
Nagdisscuss ang teacher namin pero... wala sa lesson ang focus ko. Nakatulala lang ako sa kanya.
Kay Rackie...
""""""""""Flashback..........
I hate them!!! Naiinis ako sa mga pinsan ko. Sana hindi na lang kami nagbakasyon dito sa Cebu. I really hate it whenever we're having a vacation week here in Cebu together with my cousins. They're stubborn and annoying.
Naglakad ako sa beach. Sinisipa ko ang maliliit na bato na nakikita ko. Hanggang sa mapatingin sa dagat. It's blue and so beautiful. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong batang babae.
What is she doing? Sinisipa ba niya ang tubig? Napatawa ako. That's cool. Well I guess this is the first time I saw a cool thing.
Naupo lang siya sa buhangin pagkatapos niyang, so cutely, sipain ang tubig. I don't know why but I got the feels to come near her.
"What have you done? You played with water?" I asked.
I don't usually talk to anyone. Especially to stangers pero dahil humanga ako sa ginawa niya, nagsalita pa din ako.
Napatingin siya sa akin. Ang cute niya. Mapula at matataba ang mga pisngi at kulot ang buhok.
"Hindi naman ako naglalaro. Inaway ko lang ang tubig kasi muntik na niya kaming lunurin nng kapatid ko." naiinis na sabi niya.
Kumuha siya ng maliit na bato at inihagis ito sa tubig. Galit ba siya sa dagat? Baka naiinis din siya kagaya ko kaya naman umupo ako.
"Palagi ka bang pumupunta dito kapag naiinis ka?" medyo naiinis na tanong ko.
Hindi ako naiinis sa kanya but... I have this side that when I hate someone, everything seems to be in favor with the one I hate.
"Hindi! Nagbabakasyon lang kami dito sa Cebu." sabi niya.
Really? Kami din!! Galit din kaya siya sa pinsan niya?
"Talaga? Well, ngayon lang din naman kita nakita. Gusto mo laro tayo?" alok ko.
Tumango siya at ngumiti. Super cute na ngiti. Tumayo ako at tumakbo.
"Habulin mo ako!!" malakas na sabi ko...
"Ang daya!!" may sinabi siya pero hindi ko iyon narinig dahil malayo ako sa kanya.
Naglaro kami. Ang saya!!! Ngayon na lang ulit ako nakapaglaro ng ganito. Sana nandito din si Angge. Matutuwa siya kapag nakalaro namin si... anong name niya?
Hindi ko na muna iyon inintindi at nagtakbuhan lang kami. Nagpaturo din siyang gumawa ng sandcastle. Kapag sinusubukan kasi niya ay parang bundok lang ang nagagawa niya. Hahaha. Ang cute niya.
Habang naggagawa kami ng sandcastle ay na-kwento niya kung bakit siya naiinis. Poor them. Muntik na daw silang malunod? Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong makita na nalulungkot siya. Sumisid ako sa dagat at kumuha ng dalawang magandang shell na nakita ko. Ibinigay ko ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Fiksi RemajaAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
