MIRACLE#32 Performing CPR

24 1 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng swimming pool. Hindi ko alam kung bakit pero parang tinatawag ako nito. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at nakatulala lang din ako sa tubig. Parang may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palapit sa tubig. Curious na naman ako. Parang wala ako sa sarili. Masama talaga ang pakiramdam ko dito. Ano bang nangyayari??

Humarap ako sa mga kaklase ko. Sobrang nahihilo ako. Hindi ko alam kung bakit pero may naramdaman akong kung anong likido na tumulo sa aking ilong.

Bago ko pa mapagtanto na tatapak na ako paatras sa tubig ay biglang dumilim ang paligid. Help me...

""""""""""..........

"Papa, turuan niyo akong maglangoy..." pangungulit ng isang batang babae sa kasama nitong lalaki.

Nasaan kaya ako?? Napatingin ako sa paligid. Ang lalaki ay naglalangoy habang ang batang babae naman ay nasa likod niya.

"Syempre naman, tuturuan kita. Kapag hindi na busy si Papa. Pero sa ngayon, magpaturo ka muna sa kambal, ha?"

Nakangiting tumango ang batang babae... ako?? Ako ang batang babae na iyon. Magkamukha kami. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaking kasama niya. Si Papa??

Bigla namang nagdilim ang pagligid at napunta ko sa ibang lugar.

"Halika dito, doggie!!!"

Nakita ko na naman ang batang babae, may tinatawag siyang... aso? Tumahol ang aso at naglaro sila malapit sa swimming pool. Nagtakbuhan lang sila hanggang sa nadulas ang batang babae. May lumabas na babae mula sa pinto at sumigaw...

Hindi ko kaagad siya narinig.

""""""""""..........

"MIRAAAAA!! MIRA GUMISING KA!!"

Napadilat ako ng mga mata at agad naupo. Napaubo pa ako ng tubig at hinabol ang aking paghinga. Anong nangyari?? Nagtatakang napatingin ako sa mga kaklase ko na nakapalibot sa akin.

"Are you alright, Mira?" nag-aalalang tanong ni Wendy.

"Mira!! Anong nararamdaman mo? Dadalhin ka na ba namin sa hostpital?" sabi naman ni Angel.

Doon ko napagtanto ang nangyari. Nalalag ako sa swimming pool dahil basang-basa ang katawan ko. Napahiga ulit ako at hinabol pa din ang paghinga at mariing pumikit. Dumating ang aming guro at itinanong ang nangyari. Dalhin na lang daw ako sa clinic at pagpahingahin. Binigyan muna nila ako ng tuwalya at ibinalot ko doon ang aking sarili. Ang lamig ng tubig.

"Pasensya na sa abala." paumanhin ko sa mga kaklase ko.

Ayos lamang daw iyon basta daw sa susunod ay mag-iingat na ako. Inihatid ako ni Angel at Wendy sa clinic. Binigyan ako ng nurse nang maisusuot na clinic gown na blue. Sandali lamang silang tumagal doon dahil may klase pa daw. Pinagbawalan din muna ako ng nurse na umalis doon dahil kailangan ko daw ipahinga ang binting na-injured dahil nabunggo ito sa tiles sa pool.

Nakatingin lamang ako ngayon sa kisame. Wala akong magawa dito. Narinig ko namang nagpaalam ang nurse na dadalhin lang daw niya ang letter ko sa main office para ma-excuse ako sa mga susunod na subjects.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya napatingin ako doon. Si Kelly??

"Bakit nandito ka? Wala ka bang klase?" tanong ko sa kanya.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon