MIRACLE#44 Thanks, Babe

8 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Wala naman pala siya, eh! Hahahaha.

Hindi naman siya sumunod. Mabuti naman. Umuwi muna ako sa bahay para ilagay ang mga gamit ko sa kwarto. Pero pagkapasok ko pa lang sa pinto ay yung mga kasama na ni Michelle ang bumungad sa akin.

Pinagtitinginan nila ako. Kung sa bagay, siguro napanood din nila yung 'baking session' namin ni pader kahapon. Inilagay ko lang sa kama ko ang mga gamit ko at dumiretso na ako sa bahay nila Kuya Bawn.

"Mira!! Ready na ka ba?? Eto si Patt at Nene. Mga ka-batch ko. Tutulungan daw nila akong mag-edit sa video natin."sabi ni Kuya Bawn.

Bumati lang ako sa kanila dahil nahihiya ako. Hindi din naman kami close eh.

"Hi Mira!!! You're so cute naman in person. Kaya lang, okay lang ba kung aayusan kita? Yung-- gagawin ko lang mukhang presentable ang hitsura mo sa camera. No offends ha!!?" sabi ni Ate Nene.

Tumango lang ako. Malaki ang bahay nila Kuya Bawn pero doon na lang daw kami sa kwarto niya magvideo para daw tahimik. May mga bata daw kasi sa loob na makukulit at maiingay.

Inayos ni Ate Nene ang buhok ko at nilagyan ako ng light make-up. Ipinahubad din niya ang salamin ko. Alam naman daw nilang dalawa na mag-on kami sa video pero hindi sa real life.

"Ahh, Mira? Okay lang ba kung isang kwintas lang ang isuot mo sa video? Pero--okay lang din kung pareho. Hindi lang masyadong maayos tingnan kung dalawa. But it's your choice, anyway." sabi ni Kuya Patt.

"Ahh, okay lang po. Alin po bang kwintas ang tatanggalin ko?" tanong ko habang nakaharap sa salamin.

Ipinatanggal niya ang kwintas na bigay ni Rence. Yung gift daw dapat ni mama sa akin sa debut ko na kwintas kasi ang mas sosyal tingnan. Binigyan ako ni Ate Nene ng isang off-shoulder na blouse. Iyon na lang daw ang isuot ko dahil nakaupo lang naman kami ni Kuya Bawn sa video kaya okay lang kahit naka-jogging pants ako.

"Ang ganda mo beh!!" sabi ni Ate Nene.

Napangiti naman ako. Shalamash pwa!! Feeling ko tuloy ay nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nag-warm ups muna kami. Mga freeset na video. Mayroong camera set dito sa kwarto ni Kuya Bawn. Tatlong camera at isang cellphone para sa recordings at may pa-ilaw effects pa. Nakaupo kami sa harap ng lamesa at ang kwarto na mismo ni Kuya Bawn ang background namin.

Ang sabi ni Kuya Bawn sa akin as a part of this video daw ay 'BABE' ang term of endearment namin. Huwag daw akong kj o mahihiya sa video at dapat daw ay relax lang para magmukhang makatotohanan. Ang challenge naman sa video namin ay maglalaro daw kami ng naisip niyang laro.

Mayroon daw sampung set ng famous na title ng mga kantang OPM or foreign songs. Ang gagawin lang daw ay babasahin ng isa ang title habang ang isa ay mayroong headphone para huhulaan niya ang title. Kapag nahulaan ang title ay kakantahin ito nung nagpahula pero kapag hindi nahulaan sa loob ng isang minuto ay kakantahin ito ng manghuhula. Ang galing basic lang ito. Sana lang ay alam ko yung lyrics ng kanta.

Nagsimulang magvideo si Kuya Patt. Wala pa yatang kalahating minuto ay itinigil niya ito.

"Hoy, Mira!! Huwag kang kabahan!! Halata dito sa camera na nat-tense ka, eh!"

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon