MIRACLE#3 Unfamiliar Face

20 1 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

Kumuha ako ng hotdog sandwich at softdrinks naman sa ref. May kusina naman dito sa loob ng kainan pero sa bahay kami nagluluto ni Mama. Pang-extra or emergency lang daw yung nandito.

"Kamusta ang laro ni Rence? Bakit ikaw lang ang nandito? Hindi pa ba sila tapos?" sunod-sunod na tanong ni mama.

"Hindi pa, Ma. Nangangalahati pa lang yung laro ng umalis ako. Alam niyo naman na taon-taon nananalo yung team nila, diba?" sabi ko habang ngumunguya.

Yung team kasi nila Rence ay naipasa sa kanila. Parang bawat taon ay nagt-train sila ng ka-baranggay namin para isali sa Cute Scouts Squad. Pangtatlo na yung henerasyon nila Rence sa pasahan. Sila nga palagi yung nananalo. Simula pa noong bata kami.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng mga plato dito sa lababo. Wala na si Ate Shaira. Yung part-timer na katulong ni Mama. Hanggang 4 pm lang siya. Nagbayad ako sa kahera ni Mama. Kahit naman pagod ko din ang mayroon sa mga niluto at tinda ni Mama ay negosyo pa din niya ito.

1/5 ng kinikita ng karedirya Linggo-Linggo ay ibinibigay ni Mama sakin bilang allowance ko. Nagbabayad padin kami ni Michelle at yung kambal dito para malaman kung kumikita ba ang negosyo ni Mama.

Nagpaalam na ako kay Mama dahil kailangan ko ng bumalik sa court. Baka magalit na naman si Lycah sa akin dahil iniwan ko siya. Naglakad na ako paalis ng hindi na din nakapagpaalam kay Mama.

"Hoy, Mira!! Saan ka na naman nanggaling? Bakit mo ako iniwan dito?" gigil niyang sabi at kinurot pa ang tagiliran ko.

Aray!!

Hindi na ako nakasagot. Napatingin ako sa score board.

73-81. Lamang ang manok ko!! Haha.

"Mira, alam mo napapansin ko tuwing titira si Motchok... tumitingin siya sa akin..." malambing na sabi niya sa akin na parang uod na hindi mapakali. Namumula din ang pisngi niya at bahagya pang kinagat ang labi.

Oh, diba? Umamin na agad siya ng palihim. Pero kung papaaminin ko naman siya, tatanggi pa. Obviously...

"Hindi 'yon sayo tumitingin. Wag ka mag-assume." seryoso kong sabi.

Ayoko lang namang matulad siya sa akin. Sobrang asyumera, naging palaka tuloy. Uyy! Bitter pa ba ako? Pwe!

Nagpatuloy lang ang laro. Tumayo na naman si Lycah para magcheer. Malapit nang matapos ang third quarter ng may kalolohan ang biglang pumasok sa isip ko. Naghintay lang ako ng pagkakataon na mapunta kay Motchok ang bola bago huminga ng malalim at...

"III LOVE YOU MOTCHOOOKK!!" solid na sigaw ko.

Maingay dito sa covered court at wala naman sanang magiging problema kung napansin ko lang ang tensyon sa pagitan ng bias ng bawat grupo. Biglang tumahimik at nag-echo ang sigaw ko sa buong paligid. Wala akong nagawa kundi ang tumingin kay Lycah ng mapansin ko na nakatingin na ang mga tao sa amin.

Pinandilatan ako ni Lycah ng mga mata niya at doon ko lang napansin na sobrang pula na ng mukha niya. Dali-dali siyang naupo sa tabi ko.

"Ano ka ba?? Nakakahiya!!!" pabulong na galit niyang sabi.

Ako ang klase ng tao na gagawa muna bago mag-isip. Ngayon pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pagsigaw hindi lang dahil si Lycah ang naging atensyon ng lahat kundi dahil napatingin din dito si Motchok na naging dahilan para maagaw sa kanya ang bola. Ayun! Naka-three points ang kalaban.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon