""""""""""..........
Lycah's PoV
I wiped the sweats on my forehead with my palm. Sobrang init. Pagod na ako pero hindi naman ako pwedeng tumigil sa paglalakad dahil pagagalitan ako ni kambal.
"Bakit ba naman kasi walang tao dito sa campus???" naiirita kong sabi.
Naglalakad kami sa soccer field at wala man lang tao na dumadaan dito. Wala man lang kaming mapagtanungan kung saan naroroon ang principal's office.
Ang totoo niyan ay noong Lunes pa kami nakauwi. Then kahapon ay nagpahinga lang kami maghapon sa bahay. Tapos ito kami ngayon, paikot-ikot sa napakalaking school na ito. Sinabi kasi ni kambal na kahit daw wala na kaming bakasyon, makauwi lang kaagad dito sa Pinas. I admire him for that.
Mabuti na lamang at mayroong nurse na dumaan sa hallway kaya nakapagtanong kami. Itinuro niya kung nasaan ang main office ni Principal Vanessa Klein. Naka-enroll na daw kami dito sabi nung guard pagkapasok namin sa parking lot. Kahit daw wala pa kaming ID at uniform ay nakalista na daw ang mga pangalan namin sa student's record nila. Pumunta na lang daw kami ngayon sa office ni Miss Van para kuhanin ang mga schedule namin. Kumatok muna si kambal sa pinto bago ko ito buksan.
Pagpasok ko ay... nakita ko si Mira na umiiyak...
"MIRAAA!!" sigaw ko.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya ng makita na dumudugo ang kanyang ilong at biglang natumba. Nasalo naman siya ng isang uh-lala na katabi niya bago pa siya mahulog sa sahig. Shet!
"Mira, gumising ka!!" sabi ko habang kinakalog ang mga balikat niya.
Nagpaalam naman si Rence na tatawagin ang nurse na nakita namin kanina bago lumabas. Nag-aalala ako. Bakit nangyari na naman ito?? Napapaluha na ako sa galit at pag-aalala. Napatingin ako sa babae na nakita kong nakahawak kay Mira kanina bago siya mawalan ng malay.
"Ano ba ang ginawa ni Mira sa inyo para takutin niyo siya ng ganito??" galit na sigaw ko.
Halata naman ang gulat sa mukha niya. Dali-dali siyang kumilos at lumuhod sa tabi ko. May kinalkal siya mula sa dala niyang bag at kumuha ng... stetoscope??
"D-doctor kayo?" kalmado kong tanong.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na namin kailangan dalhin kaagad si Mira sa hospital.
"Obviously..." sabi ng lalaki sa harapan ko.
Siya ang tumulong kay Mira kanina. Tiningnan ko siya ng masama at napakaseryoso at nakakatakot ang hitsura niya. Pero para namang nag-aalala siya. Sino ba ang abnoy na ito?
"Magsitahimik ka nga! Hindi naman ikaw ang kinakausap ko. Sino ka ba? Pakialamerong abnoy." inis kong sabi dito.
Nginitian lamang niya ako pero hindi niya ako sinagot. Nakakaasar ang ngiti niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan lamang si Mira. Dapat kasi ay sasabay kami kay Mira kanina kaya nga lang ay nakaalis na daw siya.
"Kilala mo ba siya?" sabi sa akin noong doktora.
"She's my bestfriend. Ano po ba ang nangyari?"
Nag-aalala kong sabi. Hindi naman kasi ito ang oras para magalit pa ako.
"May... sakit ba ang batang ito??" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Nag-aalinlangang umiling ako.
"W-wala naman po. Ang alam ko nangyari na po ang ganito sa kanya dati nung mga bata pa po kami. Ang sabi ng doctor dala lang daw po iyon ng sobrang... takot" sagot ko.
Nakalimutan ko ang tawag sa ganoong nangyayari kay Mira. Ngumiti lamang ang doktora sa akin.
"She just needs some rest. Nabigla lang ako kaya nasigawan ko siya. Nielle, sweetie, bring Miss Reyes to the clinic and I will assign the both of you to watch after her. Vanessa, tell their teachers to excuse them." sabi ng doktora.
Muntik na akong matawa sa 'sweetie' na iyon. Buti nakapagpigil ako. Ang astig ng dating tapos Mama's boy? Abnoy talaga amp!
"But Mom, is she okay?" nag-aalalang sabi ng lalaking tinawag niyang Nielle.
"Yes, she is. Anak, tell me when she wakes up. I think I need to apologize to her before it brings traumatic gestures to her. She seems so sensitive." komento ng doktora.
Tama. Sensitive nga si Mira. Daig pa niya ako eh, ako yung mas mayaman. Diba dapat mas sensitive ako?
"Hannah, it's almost lunch break hours na ng lahat ng estudyante. Hindi na aabot kung dadalhin pa siya ngayon sa clinic. They can't see Miss Reyes unconcious, baka magpanic sila o matakot. I think, Miss Reyes should use the private room." sabi ni Miss Vanessa.
"No way!! Hindi pwedeng pumasok ang babaeng ito sa private room." tanggi ng doktor.
"But Mom, you're a doctor. Do you think it would help if you'll think more about that room's privacy than taking care of a patient?" sagot ng walang modo niyang abnoy na anak.
Feeling ko pareho silang walang modo. Walang nagawa ang doktor kung hindi pumayag. Wala naman akong alam sa mga pinag-uusapan nila. Miss Vanessa told me to lock the door and so I did. Mayroon namang assistant, ako pa yung inutusan! May libro siyang kinuha at nagchant ng magic spell. Joke lang.
She pushes the bookshelf at the back of her chair at... bumukas iyon na parang umiikot na pinto. Nielle carried Mira, teka, bakit nga ba naka hospital gown si Mira?? Sa likod ng bookshelf ay mayroong kwarto na kulay puti at itim ang mga nakikita dito, sobrang laki.
Halos ganito kalaki ang kwarto sa hotel na tinuluyan namin ni kambal sa London. May master's bed sa gitna at mga paintings ng mga tao na parang kinder ang gumawa pero ang ganda...
"Wait, sino ka nga ulit?" biglang tanong ng principal.
Doon ako natigilan at naalala ang lahat ng mga nangyari. Na'ko naman...
"Ahh, ako po si Lycah... Lycah Deñasa. Transferee din at yung kasama ko po kanina ay si Rence, 'boyfriend' ko. Nagpunta po kami dito sa office niyo kanina kasi sabi nung guard, itanong daw po sa inyo ang school's info namin at schedules." sagot ko. Sa isip-isip ko ay gumugulong na ako sa katatawa dahil sa hindi maipintang mukha nung si Nielle matapos niyang marinig ang salitang boyfriend.
May sinabi pa nga yung guard na SIO pero hindi na kami doon dumiretso. Clinic nga, hindi pa sure kung mahahanap ni kambal, SIO pa kaya? Wait!! Ano ba yung SIO?
"Okay ako na ang bahala. Miss Deñasa I hope this event, the private room, would be our secret. Hindi pwedeng malaman ng ibang estudyante ang nangyari ngayon, even your boyfriend." sabi ni Miss Van.
Tumango lamang ako. I'm still worried about Mira. I suddenly faced the doctor... teka bakit parang may kahawig siya??? Never mind.
"Excuse me doc, ahh, when will Mira wake up? I'm... I'm just worried. Should I tell her mother about this??" nahihiya kong sabi.
Actually, this doctor is great. So far, feeling ko siya pa lamang ang approachable na doktorang nakilala ko.
"I don't know. Her heartbeats were somehow weak. She really needs rest, but if ever that she'll not be able to wake up or make any movements within 3 hours, she must be taken to the hospital." nakangiting sabi niya.
Mahahalata sa kanya na hindi niya ako gustong mag-aalala. Si Miss Van na daw ang magsasabi kay kambal ng nangyari kapag daw dumating siya. Pinakiusapan ko pa sila na kahit kay kambal man lamang ay ipaalam nila ang nangyari kay Mira dahil paniguradong nag-aalala na din iyon.
Knowing my twin brother, mas nag-aalala pa iyon kay Mira kaysa sa akin. Sad life...
Napaharap ako sa lalaki na pinagbantay din kay Mira. Gusto ko sana siya daldalin kaya nga lang ay nasungitan na agad niya ako kanina kaya never mind.
Hay buhay... nakakaasar ka!!! Kauuwi pa lamang namin eh, ganito kaagad ang isinalubong mo. Sana naman bago mag-uwian ay magising na si Mira, pagagalitan ako ni Tita Mika kapag na-ospital si Mira. Kahit di ko naman kasalanan!!!!! Mira gising naaa!!!!
""""""""""..........
![](https://img.wattpad.com/cover/213748262-288-k307064.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...