MIRACLE#71 Testing Her

11 0 0
                                    

""""""""""..........

Wendy's PoV

I'm back. Kahapon pa akong nakauwi sa Pilipinas. It's Thursday today. Nagawa ni Mira ang wish ko kaya naman nandito ako ngayon sa coffee shop na malapit lang sa school para i-meet siya.

Hindi pa din ako papasok mamaya dahil ang sabi ni Mommy ay magpahinga na daw muna ako. Nang marinig ko ang door chimes ay napatingin ako doon.

Si Mira. She's wearing a jacket. May sakit ba siya? I raised my hand para makita niya ako.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko. Sinenyasan ko naman yung waiter na dalhin dito yung order ko kanina na tea at coffee.

"Dapat pinapunta mo nalang ako sa condo mo. Hindi ka na sana nag-abalang pumunta dito. Napagod ka pa tuloy." sermon ni Mira.

Napatawa ako. Nanay ko ba siya? Mas nag-aalala pa siya sa akin, eh. She's so kind, true and genuine.

"I'm fine. Mira. Sorry talaga. I became a selfish person because of my wish." nakatingin lang ako sa tea ko.

"Ano ka ba? Okay lang talaga Wendy! Pwede ko na bang malaman ang reason mo? Nak-curious na ako, eh!!" na-eexcite niyang sabi. Uminom siya ng mainit na kape. Parang nagustuhan niya iyon kaya humigop pa ulit siya.

Nakonsensya naman ako. Parang balewala lang sa kanya na...

Magback-out sa singing contest. Siya lang ang pag-asa ng section namin para maka-angat sa larangan ng musika. Pero ang sinabi ko sa kanya na first wish ko ay huwag siyang sisipot sa championship night kagabi.

At dahil mabait talaga si Mira, walang reklamong ginawa niya iyon. Nakokonsensya daw talaga siya at gustong makabawi sa nangyari sa akin.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ko. Of course I have my reason.

There was a time when I was in a cubicle in the campus' main cr, may narinig akong pag-uusap.

""""""""""Flashback..........

I sat on the toilet bowl. Wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang talagang umiwas kay Angel. She's so noisy.

May narinig akong pumasok sa cr. Maiingay din sila. Why everybody needs to be noisy?!

Where shall I go to keep all the noisiest away from me??

"Ano ka ba, Daria? Marami pang paraan!" sabi ng medyo maliit na boses.

"Pero anong gagawin ko? May sakit si Lola at isa pa, yung sari-sari store namin ay swerte na kung makabenta kami ng dalawang daang piso. May katabi na kaming malaking grocery store, eh." sagot nung Daria.

"Huwag kang titigil sa pag-aaral! Paano kung malaman ng Lola mo na balak mong tumigil sa pag-aaral para lang magtrabaho?" sabi ng small voice.

"Hindi ko alam. Isa na lang ang pag-asa ko. Kung mapapanalunan ko yung grand price ng JRMIA singing contest. Malaking tulong iyon para makabili ng gamot. Ang problema ay may magaling na singer ang grade X. Anong laban ko doon sa gifted voice nun?" malungkot na sabi ni Daria.

Si Mira ba ang tinutukoy niya? Well, siya lang naman ang may gifted voice sa campus ng grade X, I guess. Nakinig lang ako sa pag-uusap nila.

"Magaling ka din namang kumanta, Daria! Kaya mo iyan! Bakit ba naman kasi ayaw mong tanggapin ang tulong ko? Kahit pangbili lang ng gamot ng Lola mo! Ikaw kasi, eh! Masyadong mataas ang pride mo! Hindi ko naman ibibigay! Bayaran mo kung makaluwag kayo!" the girl with a small voice insisted.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon