""""""""""..........
Angel's PoV
Its Thursday alreadyyyyy!!! Napakabilis lang lumipas ang first week namin.
Kasama ko ngayon si Mira!! Akala ko talaga hindi na niya ako papansinin. Ayaw naman niyang aminin kung anong nangyari noong Lunes. Pero nagawan ko ng paraan!! Hahaha.
Nandito kami sa locker room. Inilalagay namin ang mga gamit namin kasi wala namang ginagawa sa klase. Isang linggo ba namang hindi magsimula ang klase??? Puro orientations at general meetings lang.
Bumalik na kami ni Mira sa classroom. Naalala ko tuloy ng saktan siya ni Rexha noong Lunes. Simula noon ay hindi na ako humihiwalay sa kanya except kapag HC class na.
Tumabi ako kay Wendy. My super cold bestfriend.
Minsan lang talaga siya nagsasalita. Hinintay lang namin ang Music teacher namin.
"Good morning class. I am sorry for being 3 minutes late. Mayroong ibinigay na extra-plan ang principal sa grade 10 students as their project and activities. For this first quarter, you must have an individual voice recorded song and then pass it to me, acapella, okay??. Sa second quarts you'll have it by partners and with accompaniment. For girls and boys. Third quarter you'll have it by group. Kahit ilan kayo sa group niyo and for the final quarter you're going to give me an original music video. With the same group."
Bakit? Bakit kakanta? Edi bumagyo??? My gosh!!
I actually--really--super duper hate singing!! May ilan lang sa amin na kumakanta dito pero hindi din naman gano'n kagaling.
Bakit kasi ipinanganak akong walang talent bukod sa pagsasayaw? Hindi talaga ako ma-satisfy doon pero kesa naman wala, hindi ba??
Napatingin ako kay Mira. Nasa unahan kasi siya. Malabo ang mata niya kaya siya nasa unahan at hindi tumatabi sa amin dito sa likod. Kinalabit ako ni Kuya Gel at tinawanan ng mahina. Mapang-asar na kapatid!!
Alam niyang sa mga oras na ito ay hindi ko gusto ang narinig ko mula sa teacher namin.
Napa-irap ako. Kaasar naman....
May traumatic memory kasi ako sa pagkanta, nung grade 8--- hindi ko na ik-kwento, ayaw ko ng balikan ang mapait na nakaraan.
"Okay lang yan Angel. Support ka namin." asar pa sa akin ni Thim.
Nakakaasaaaaarrrrrr naman.!!
Natapos din naman agad ang Music class namin. Sinabi pa ng teacher namin ay bukas daw, sa music room na kami magk-klase.
Ipapasubok lang naman kung maalam kaming magplay ng instruments doon.
Lunch na!!!!!!!!!!
Dali-dali akong tumayo para puntahan si Mira pero... wala na siya sa upuan niya.
Sa loob ng ilang araw na nagiging close kami ni Mira, hindi ko maiwasang magtampo.
Palagi siyang nasa kung saan tuwing lunch. Hindi ko naman siya matawag agad dahil malapit lang siya sa pinto kaya kauna-unahan siyang nakakalabas paalis sa class room ng X-Felix.
Nagaalala tuloy ako kasi baka balikan siya ni Rexha. Pag nagkataon ay kawawa si Mira kasi nai-kwento sa amin ni Mira kahapon na nakapasok siya dito sa school dahil sa scholarship. Magaling pa naman sa black-mailing yung Rexha na iyon.
Tingin ko tuloy parang naaawa siya sa sarili niya kasi malayo ang estado ng mga buhay namin. But anyways alam naman niyang sincere ako sa friendship na inalok ko sa kanya kaya gooo!!
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...