MIRACLE#42 Instant Boyfriend

15 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Mahigit isang oras akong nakatambay sa music room. Nagagandahan talaga ako sa puting grand piano dito. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas na din ako. Sakto din naman pala na uwian na kaya naman nagbike na ako pauwi. Hindi ko na hinintay yung kambal.

Nagpalit lang ako ng damit sa bahay at dumiretso na sa...

Apartment ni Kelly. Wala lang. Gusto ko lang tumambay.

Pagkapasok ko sa loob ay wala akong nadatnan. Nasaan kaya si Kelly? Hindi naman daw siya pumasok ngayon kaya bakit wala siya dito?? Ang excuse kasi niya ay magpapahinga dahil daw may sakit. Pero wala naman dahil matutulog lang daw siya maghapon dito. Nasaan kaya iyon?

To: hot na nerd

||hoy. Kelly. nasaan. ka. nandito. ako. sa. appartment. mo.||

4:53

Natawa tuloy ako. Bakit nga kaya hot na nerd ang nailagay ko dito? Nagpaload pa tuloy ako kanina. Atleast mayroon akong unli calls at text sa loob ng dalawang araw.

To: hot na nerd

||usap. tayo. heart. to. heart. talk. tayo. bakla. XD.||

4:54

Ganyan kasi siya kapag nagt-text sa akin. Puro dots. Napaisip tuloy ako dun sa narinig ko sa tindahan nung nagpaload ako.

""""""""""Flashback..........

Nagbibisikleta na ako ngayon pauwi ng biglang umulan. Bakit naman ngayon pa? Ayoko pa naman kapag nagd-drama ako tapos sasabayan ako ng ulan.

Sandali akong tumigil sa isang tindahan para magpatila ng mahinang ulan. Napatingin sa akin yung matandang tindera. Siguro naiisip niya na wala akong modo dahil nakiki-silong ako sa tindahan niya eh, hindi naman ako bibili ng paninda niya.

Ngumiti ako sa kanya. Sungit, ah?

"Ahh, paload po." nakangiti kong sabi.

"Ahh!! Sige, sige. Magkano ba ang load na gusto mo??" nakangiti din niyang sabi.

Oh, diba? Gusto lang niya ng customer. Hahaha.

"Ahh, b-bente lang po. Hehehe."

Ang lakas ng loob ko na mag-load eh, bente lang ang pera ko? Hehehe. Hindi kasi ako nagdadala ng cash, bakit ba? Ang kinakain ko naman sa cafeteria ay ginagamitan ng card at hindi naman ako nagk-commute kaya hindi ko kailangan ng cash.

Nagpasalamat lang ako sa tindera ng makapasok na sa cellphone ko ang confirmation message na natanggap ko. Medyo lumakas yung ulan kaya inalok ako nung matanda na maupo daw muna.

"Salamat po." sabi ko na lang.

Maya-maya pa ay mayroong babae ang dumating at pumasok sa tindahan.

"Mano po lola." sabi nung babae.

Ang sweet naman nila!!! Naiinggit ako!

"Ikaw talagang bata ka, nagpa-ulan ka na naman? Paano kung magkasakit ka, ha? Apo? Paano na yung pangarap natin na maging doktora ka balang araw kung pinababayaan mo ang katawan mo?" sabi ng matanda at piningot ang tainga ng apo niya.

"Lola naman!!! Matagal pa po iyon!! Kapapasok ko pa lang po sa JRMIA, eh!! Grade VII pa lang po ako at matagal pang mag-aaral." sagot naman ng apo niya.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon