MIRACLE#54 Loud Noise

11 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

It's Friday's sickneesss!!! Pero wala namang pasok. Nandito kami sa condo unit ni Wendy na super wow!! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito at... ang ganda.

Gusto kong magkaroon nito balang araw.

"From the top!!!" sigaw ni Aira.

Ginagawa namin ngayon ang group activity namin sa Science. Malakas pa rin ang ulan mula sa labas pero wala kaming naririnig mula dito sa loob.

Masyadong soundproof ang buong building na ito.

Pero gustohin ko mang mag-focus ay hindi ko magawa dahil sa sinabi ni Thim kagabi.

""""""""""Flashback..........

1:30 am. Nagising ako dahil sa ring tone ng cellphone ko. Mabuti na lang dahil tulog mantika ang kapatid ko. Dahil kung hindi ay magagalit siya sa akin kapag nagising siya.

Bumaba ako sa kusina pagkasagot ko ng cellphone. Bakit kaya tumawag si Thim?

"Hello? Thim? May problema ka ba?" medyo mahinang sabi ko.

Mababaw kasi ang tulog ni Mama. Kabaliktaran ni Michelle. Kaunting kaluskos ay nagigising na si Mama.

Mabuti na lang din dahil tumila na ang ulan.

||Nagishing ba keta? Pashinsha na ha? Hehehe.||

Bakit kaya ganoon ang boses niya? Parang iba. Ilang beses din siyang suminok.

"Lasing ka ba? Thim, may nangyari ba?" nag-aalala kong tanong.

||Kashiii Maria.. thank you ha?? Ayos na ako. Salamat talaga ng marami.||

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay namatay na ang tawag. Ano bang nangyayari doon kay Thim? Mas pinag-aalala niya ako!!. Sinubukan ko pa siyang tawagan pero out of coverage area na daw.

Ano ba naman si Thim? Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kwarto ko. Matutulog na lang ulit ako.

""""""""""EndofFlashback...........

Nagrequest si AB ng breaktime. Kanina pa kami nagp-practice ng interpretative dance para sa evolution ng mga scientist experiments. Wala dito yung kambal dahil hindi ko naman sila ka-group.

Medyo nahihirapan din akong kumilos dahil sa sugat ko sa binti. Nahiwa ito doon sa isang sirang bench sa basketball subcourt nung Miyerkules.

"Mira, ipagluto mo naman kami!" sabi ni Zey. Ngumiti ako at pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng pagkain namin. Naiinggit tuloy ako sa kanila dahil ang gagaling nilang sumayaw. Mabilis ko namang makuha ang steps pero hindi ako makasayaw ng maayos dahil sa sugat ko.

Inabot kami ng hapon dahil ginawa na din namin yung sa Math. Ang sabi naman kasi ni classpres ay kami na daw ang magdecide sa groupings namin. Nag-suggest din sila na bunutan o bilangan ang pagpili ng miyembro. Ang ka-group ko ay sila Wendy, Zey, AB, Fred at si Lance.

Nagluto lang ako ng meryenda at pagkatapos ay nagpractuce na ulit hanggang sa umuwi na rin kami.

Habang nasa biyahe pa-uwi ay naisip ko na naman si Thim. Inaalala ko lang kung... tutuparin kaya ng Daddy niya ang promise niya sa akin?

Alam ko... wala lang ako para sa kanya. Sino ba naman ako? Hindi kami magka-level ng estado sa buhay at...hindi din naman kami magkakilala kaya sobrang kinapalan ko na ang mukha ko kahapon para lang masabi iyon sa kanya. Sana lang ay hindi siya nag-isip ng kung anong masama sa sinabi ko.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon