MIRACLE#38 Deja Vù

9 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Sabado na ng hapon at katatapos ko lang maglaba. Walang tao ngayon sa bahay namin dahil isinama ni Mama si Michelle para kumuha ng legal papers para daw sa pagr-renew ng passport niya.

Si Lycah naman ay nasa bahay nila Angel dahil magb-blog daw sila ng make-up thingy. Si Rence naman ay naglalaro ng basketball kalaban sila Nielle. Ewan ko sa kanila.

"Hi Mira!"

Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Kelly. Hinampas ko siya sa braso dahil sa sobrang gulat. Kanina pa kasi ako mag-isa dito sa bahay na sobrang tahimik.

"Paano ka nakapasok dito? At bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" naiinis kong tanong.

Hindi ko naman kasi talaga siya nakikita sa school nung nakaraang araw. Ngumiti lang siya at umupo sa lamesa. Sa lamesa talaga!!

"Wala lang. Samahan mo naman ako sa lake. Wala akong magawa ngayon, eh. Ang boring." sabi niya sa akin.

Samahan daw? Mukha niya! Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ang braso ko. Amp!

Pero sige na nga, wala din naman akong gagawin. Naglakad kami papunta sa lake. Nagsarado na ang lake park para sa mga vendors at mga turista. Nakasardo ang gate pero nakapasok parin kami. Hehehe.

"Ang ganda dito kapag sunset kasi yung lake parang mas kumakalma." sabi ko.

Naupo kami sa buhanginan na malapit mismo sa lake. Hindi ko nga alam kung bakit buhangin ang nandito, parang beach, eh, lake ito. Dapat ba ay lupa? Eh?

Nakita kong hinubad ni Kelly ang suot niya tsinelas at iniwan iyon sa tabi ng medyo malaking bato at inilubog ang paa sa tubig.

"Hoy, bawal yan!" sita ko sa kanya.

Humarap lang siya at ngumiti sa akin. Para naman akong nawala sa sarili ng makita ang ngiti niya. Bakit ba... tuwing ngumingiti siya sa akin, parang may kung anong humihigop sa akin? Nakatingin lang ako sa kanya at tila ba may sariling buhay ang aking mga labi na nginitian din siya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinatayo ako.

"Remove your slippers. Medyo malamig ang tubig kaya nakakarelax sa paa." masayang sabi niya.

Ito ang unang beses na gagawin ko ito. Sinunod ko siya at naglubog din ng paa sa lake. Mababaw lang naman ito dahil sa gitna talaga ang malalim. Gusto ko ng ganitong scenario.

Yun sanang kasama ko yung taong mahal ko. Maglalakad sa mababaw na parte ng dagat o lawa o ilog. Tapos manghuhuli ng isda. Mauupo sa dalampasigan at pagmamasdan ang paglubog ng araw. Kapag dumilim na ay gagawa kami ng maliit na bonfire at magiihaw kami ng isda.

Ganoon ang scene na deserved to be remembered. Masarap balik-balikan. Hindi pwedeng kalimutan. At higit sa lahat, masayang uulit-ulitin.

Kaya nga lang... bawal sa akin ang isda kaya wag na lang siguro akong mag-day dream. Para lang siguro iyon kay Lycah. Hahaha.

"Bakit ka nakangiti? Wag kang tumawa mag-isa dyan kasi baka maturn-off ako sayo. Sige ka, baka ma-delay yung pagka-fall ko sayo." nagpapa-cute niyang sabi.

Bakit parang namula ang mukha ko? Sa sobrang hiya ay kusang kumilos ang kamay ko para abutin ang tubig sa aking paanan at wisikan siya sa mukha. Natawa naman ako sa epic niyang hitsura.

"Ahh, ganon??"

Sinimulan niya akong basain at wala naman akong nagawa kung hindi ang gumanti sa kanya. Ang saya. Para kaming mga bata.

"Tama na, Kelly!!" sumusuko kong sabi.

Naglakad na ako pabalik sa aking tsinelas ng bigla niya akong hawakan. Sa sobrang gulat nang humarap ako sa kanya at hindi sinasadyang madulas ang aking mga paa.

Napapikit ako ng malaman na matutumba ako sa tubig. Pero... hindi iyon natuloy dahil nahawakan agad ako ni Kelly sa likod ng aking beywang at sa kanang braso. Mabuti naman.

"Muntik na yon, ah? Salam--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil itinulak ako ni Kelly kaya naman napa-upo ako.

"KEELLLLYYYYYY!!!"

Ang sama niya! Basa na din naman ang damit ko pero kasiiii!! Napaka-ungentleman niya!! Hindi ako tumayo at tiningnan ko lang siya ng may galit sa aking mga mata.

Para naman siyang nakonsensya na ewan at biglang nag-sorry. Lumapit siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko ito at tumayo. Pagkatapos kong tumayo ay itinulak ko siya.

"Hahahahahaha."

Sinabuyan na naman niya ako ng tubig. Siya naman ngayong ang nakaupo. Wala pa naman akong nararamdamang konsensya kaya tumawa lang ako. Bigla naman niyang hinila ang aking braso kaya naman... pareho kaming na-out of balance. Napadapa ako sa kanya. Deja vu?

Napatitig lang ako sa kanya at hindi makagalaw. Anong... ano ba itong nararamdaman ko? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko... ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan.

"Bakit... bakit parang may kamukha ka?" nagtataka kong tanong.

Pamilyar kasi sa akin ang hugis ng mukha niya. Ano bang...

Bigla naman akong natauhan dahil sa posisyon namin.

"Ahh, pasensya na."

"I'm sorry."

Sabay naming sabi. Napangiti ako.

Gusto ko talaga siyang ipakilala dun sa kambal.

"Alam mo Kelly, feeling ko ang gwapo mo kapag nag-ayos ka ng hitsura mo. I mean, yung hindi ka nerdy tingnan." sabi ko ng makatayo na kami pareho.

Nagpabebe lang siya at hindi ako pinansin. Umuwi ako sa bahay at naligo. Nagluto na din ako ng dinner. Wala pa naman sina Mama. Pati yung kambal ay wala pa din. Dinalhan ko ng pagkain si Kelly at sabay na kaming kumain.

Nagtext naman sa akin yung kambal kaya bumalik na din ako sa amin. Pumasok sila kahit walang tao? Feel at home sila, eh. Hahaha.

Naki-kain lang sila at umuwi na din. Wala ba silang cook sa bahay? Yaman-yaman pero nakikikakakin sa kapitbahay.?! Hahaha. Nahiga ako sa kama pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan. Napagod ako sa paglalaba.

Nakapikit na ako dahil sawa na akong tumingin sa bubong namin ng may mag-message sa akin. Sino kaya yon? Istorbo.

From: (unknown)

||sweet.dreams.miss.beautiful.||

8:12

Unknown? Si Kelly? Hindi ko pa pala na-save yung number niya. Ano kayang contact name ang bagay sa kanya?

Natawa ako sa mga naiisip ko. Napatigil ako ng biglang pumasok si Michelle. Tiningnan lang niya ako at hindi pinansin.

'Hot na nerd'

Hahahahaha. Ibinaba ko na ang cellphone ko para matulog. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay narinig ko ang sinabi ni Michelle sa akin.

"Layuan mo ang lalaking iyon."

""""""""""..........

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon