""""""""""..........
Angel's PoV
It's Tuesday night at nandito kami ni kuya sa mansion nila Nielle. Gatherings daw ulit. Ewan ko nga ba kung bakit ako isinama ni kuya eh, siya lang naman ang inimbitahan ni Nielle.
Nandito din sina Myke at Thim. Hindi nga nakasama si Mira dahil may lakad daw siya. Si Wendy naman ay hindi talaga sumasama sa mga gatherings. Ewan ko ba dun kay blacklady. Nakita ko na naman ang pinsan ni Nielle dito sa kanila. Simple lang namang hapunan ito dahil wala namang business individuals ang nandito at nandito lang din naman kami sa dinning room nila.
Nags-celebrate sila Nielle ng pagw-welcome kay Aunt Hannah. She just returned from a long work in Paris. Dapat nga daw ay kahapon pero ngayon ginanap para hindi daw masyadong pagod ang mga tao.
She headed the event at magkakasama kaming lahat sa super long table. It occupies 40 seats sa sobrang haba.
Aunt Hannah gave me a gift. Hindi daw niya ito naipadala noong mismong araw ng birthday ko kaya ngayon niya naibigay.
Bago ako magpasundo sa driver ko ay pumunta muna ako sa second floor ng mansion. Pupuntahan ko si Swiper. Yung cute na aso nila Nielle.
Swiper just barks at me and so I give him a dogfood that hangs beside his cage. Ikinukulong siya dito kapag may madaming tao. Para daw hindi makapangagat.
Bumaba na din ako at umalis na. Magb-beauty rest pa ako para fresh ako bukas sa school. Aba!! Ako yata ang crush ng bayan!! Hehehe. Joke lang.
Habang nasa biyahe ay naalala ko na naman ang nagyari kanina sa school. Ang music teacher namin na nagdala ng napakaraming music instruments at pinakuha kami isa-isa. Nagjamming kami kanina at ang saya dahil kahit sintunado ako, eh, magaling ako sa instruments. Mga membranophones at mga aerophones.
First time nagkasundo ang Felixian section sa music. Pagka-uwi ko ay nagcheck agad ako ng social media accounts ko sa laptop.
Should I chat Mira? What would I say if ever she's still awake?? Pero teka... bakit babae ang ichachat ko? Kawawa naman ang mga taong katulad ko na walang makachat tuwing gabi...
Hay buhay... parang ka-chat. Minsan meron madalas wala. Ganoon talaga, but I will make sure that I can freely live my life without chatmates. I promise, self... promise.
""""""""""..........
Mira's PoV
Kasalukuyan akong nagb-bike papunta sa school. Kasabay ko si Kelly na dala ang kanyag foldable mountain bike. Kahapon niya iyon binili para daw makapag-excercise siya at makasabay sa akin.
"Nakakapagod naman magbike paputa dito sa school. Ang aga-aga, pawisan na ako." reklamo niya pagpasok namin sa garden.
Nakapark ang mga bisikleta namin sa tabi ng mga motorbikes. Nandito ulit kami sa garden kasi maaga pa naman daw at huwag na daw kaming magpaalam sa guard kasi hindi naman daw ito naka-lock. Naupo ako sa kahoy na sahig at kinain ang dinala ni Kelly na ham and cheese sandwich.
"Mamaya may meeting daw diba? Sa quadrangle para sa pagw-welcome natin sa owner ng JRMIA??" sabi ko habang ngumunguya.
"Don't talk when you're eating. It disgusts me. Baka hindi ako ma-fall sa'yo, sige ka!" sabi niya bago kumagat ulit ng sandwich niya.
Napatawa naman ako ng malakas. Ngayon lang ako napatawa ng ganito. Hahahaha. Paano ba naman kasi ay para siyang bakla tapos nagbibiro sa akin.
"Why are you laughing?" tanong niya.
Umiling na lang ako at inubos na ang pagkain ko. Baka mamaya niyan eh, magalit pa siya sa akin kapag nalaman niyang tinatawanan ko lang siya.
"Baka naman crush mo ako? Ikaw ha!!" pang-aasar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"May crush ako, pero hindi ikaw 'yon. Hahahahaha."
Hiniram ko ang cellphone niya at sinabihan siya na kukuhanan ko siya ng picture at background ang mga bulaklak. Pabebe pa siya, haggard na daw siya kaya ako na lang daw ang p-picture-an niya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagtatalo ng maramdaman ko ang pagb-vibrate ng cellphone ko. Sinong nagtext??
From:YourMightyAngel
||Mira!!! Where are you?? Magsisimula na daw ang meeting program mamayang 8:00 am.||
7:32
Ha? Si Angel?? Paano niya nalaman ang number ko??
"Sino yan??" biglang sabi ni Kelly.
Katabi ko nga pala siya. Nakalimutan ko.
"Ahh, si Angel Davis, kaklase ko." sagot ko naman.
Sinabi ko sa kanyang aalis na ako pero kuhanan ko muna daw siya ng litrato. Nakailang panglalaking pose na siya ng sabihin niyang ako naman daw ang p-picture-an niya. Pumayag ako at ngumiti lamang sa camera. Nagselfie din kaming dalawa ng kung anu-anong pose. Nagpalit din kami ng salamin sa mata. Natawa pa ako sa hitsura namin doon dahil nanibago kami sa frame ng salamin namin.
Kulay itim kasi ang sa kanya na hindi naman ganoon kalaki. Kulay gray ang salami ko na mas malaki sa kanya. Bagay daw ang salamin niya sa light brown kong mga mata. Eh, yung salamin ko nga ay halos malula na siya. Hahaha. Hindi bagay sa mga mata niyang kulay light gray ang salamin ko.
"Palit muna tayo ng eyeglasses ha?? Bye!!" sabi ni Kelly bago mabilis na tumakbo palabas.
Ang daya niya!! Iniwan niya ang mga kalat ng mga pinagkainan namin tapos sabay layas!!? Eat and run ang peg? Paglinisin daw ba naman ako??
Wala akong nagawa kung hindi ang pagtiyagaan ang salamin niya at pumunta na sa classroom pagkatapos kong magbihis ng uniform. Nakita ko naman sina Angel na kumaway sa akin at sinenyasan akong lumapit.
"Hi, Mira. Nice glasses." sabi ni Wendy.
"Nagpalit ka ng eyeglasses, hindi mo man lang ako sinabihan?!!" mataray na sabi ni Angel.
Natawa lang ako sa kanila. Sinabi kong hindi akin ito at lumabas na din kami para sa meeting sa quadrangle. Mabuti pa ang quadrangle dito sa private school, may aircon at lahat ay nakakaupo. Samantalang doon sa dati kong pinasukan ay mainit, siksikan at wala din kaming upuan. Kaya naman wala kaming naiintindihan sa kung anumang announcement ng speaker. Hehehehe.
Mayroon namang dalawang malalaking screen projector sa harapan, sa kaliwa at kanang bahagi ng stage. Para daw kahit nasa malayo ay nakikita ang speaker sa stage. Kaya nga lamang ay hindi ko makita ng maayos dahil ang salamin ni Kelly ay hindi akma sa grado ng aking mga mata. Kaya naman nakinig na lamang ako.
Ngayon daw buwan ng July ay magkakaroon ng maraming contests at programs. Mga quiz bee sa lahat ng subject, stage plays, at mga talents katulad ng pagsasayaw at pagkanta.
Ang bait ng boses nung speaker. Isa siyang babae na nagsasalita sa tabi ni Miss Van. Nagbigay lang din sila ng mga panibagong rules sa room.
Bakit parang nakakagaan ng loob ang boses niya? Napatingin ako kay Wendy na nasa tabi ko lang. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
"Wendy, ayos ka lang?" nag-aalalang bulong ko.
Tiningnan niya ako gamit ang mga titig na ngayon ko lang nakita... Ang itim niyang mga mata na nagpapakita ng halo-halong emosyon na sadyang nakakahawa...
"I'm not."
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...