""""""""""..........
Rence's PoVThere I had this guilt for my sister. But she really is quite funny. Hanggang pag-uwi ay hindi siya maka-move on na pinagtripan namin siya ni Mira.
"Hoy, kambal naman!!! Napahiya ako kanina ano??" angal niya.
Unang bumaba si Mira kaya baka naka-uwi na siya. Bumaba na din kami ni Lycah ng makapasok sa garage ang sasakyan namin dahil mahirap buksan ang gate kung doon pa kami dadaan.
"Ma'am, sir?? Saan po ba kayo nanggaling??" natatarantang salubong ni Manang Lina sa amin.
"Hi Manang. Hindi kami nakapagpaalam kanina sa inyo ha?? Si kambal kasi epal." masungit na sabi ni Lycah na parang hindi man lang nahalata na natataranta si Manang Lina.
"Bakit po?? Ano po ba ang nangyari?" nagtataka kong tanong.
"Ah, kasi po nasa loob... ang... ang daddy po ninyo." mahina niyang sabi.
"Si Dad?? What's with his surprise comeback?" tanong ni Lycah at dirediretsong pumasok.
Ang slow niya talaga. Kadalasan namang maganda ang bati sa amin ng mga maid tuwing uuwi si Mommy o Daddy. Hindi naman ganoon ang ginawa ni Manang Lina kaya paniguradong may mali. But my twin sister...I sighed.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Baka galit ulit si Dad?? Sana naghanda muna si Lycah bago pumasok.
Naabutan namin si Daddy na nakaupo sa sofa namin. With his crossed legs and arms...
"Daddy!!! Bakit hindi man lang kayo tumawag sa amin??" bati ni Lycah.
Hindi niya sinagot si Lycah. Sa halip sa binigyan kami ng kakaibang tingin.
"Both of you... sit down." seryoso niyang sabi.
I'd never thought that I will be able to see anger and... disappointment in my father's expression. He's casually showing formal or good mood face but now... he's definitely not in any good mood.
Naupo kami ni Lycah sa harapan niya. Ano kayang ikinagagalit niya??
"Why did you lie to us? To me??" galit niyang sabi.
Hindi ako makatingin sa kanya because, honestly I'm scared of him. But my twin sister, without noticing anything, calmly speak.
"Dad?? What are you talking about? What lie are you talking about??" she innocently asked.
Hindi si Dad katulad ng iba na pabitin at may 'palabok' sa mga sinasabi. Straight-forward man. Yun ang gusto kong tularin sa kanya.
"About your school Lycah Thryeze."
If I am in a normal situation, I would roll down on the floor laughing so hard. She hates somebody--anybody calling her in her full name.
But atleast now she had the idea that Dad is angry. Kadalasan ay sweetie or honey ang tawag niya sa kaniyang 'Unica Lycah' but when he's mad palagi niya kaming tinawatag sa buo naming pangalan.
"Kailan ninyo pa ako niloloko, ha? Lawrence Jearruz?" kalmado pero nanggigigil niyang sabi.
Wala akong masabi. Anong isasagot ko? He's talking about me and my sister who undergoes to the public school. And yes, hindi namin iyon ipinaalam kay Mom at Dad. Patay na!! Paano niya nalaman ang bagay na iyon??
Hindi kami makasagot ni Lycah. It seems like we're both waiting for each other's explanation. Kung ako ba, o siya ang magpa-paliwanag kay Dad. And knowing my sister that much, she won't speak or say anything. Kung sa bagay, kailangan kong magpakalalaki at harapin ang problema na ako din naman mismo ang may gawa.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...