""""""""""..........
Rence's PoV.
We're dead!!! Nasa company kami ni Lycah simula pa kagabi. Dad didn't let us took a rest not until we finished our overviewed report in gathering data of expenses of our company.
"Ang unfair!!! Sabi ni Dad babantayan daw tayo nung bruhang secretary niya pero ito siya at tulog!!!" gigil niyang sabi habang nagt-type sa laptop ng quantities of data.
Kanina pa siyang nagrereklamo dahil inaantok na daw siya. Sinasabihan ko siyang matulog muna kahit saglit lang pero baka daw mahuli siya.
Bakit nga ba kami mas pinarusahan ni Dad? Dahil ba palaging nagsusubong yung tamad at sipsip niya secretary? Ewan. Mas dinalian ko na ang pagt-type para mabilis akong matapos. Coffee has no uses anyway.
"Uyy, samahan mo ako sa cr." inaantok na sabi ni Lycah.
Tumayo siya at sumunod na lang ako sa kanya. Wala pang tao dito sa building at hindi ganoong kaliwanag dahil hindi lahat ng ilaw ay nakabukas. Hindi pa din naman sumisikat ang araw.
Hindi ko na siya sinamahan sa loob dahil hindi naman kasing laki ng cr dito sa office yung mga cr sa labas na ilan ang cubicle sa loob.
"Where are they??" narinig kong sigaw ng secretary. Nakakakilabot.
Medyo nagulat pa ako ng biglang bumukas yung pinto ng cr.
"Oh bakit???"
Agad kong sinenyasan si Lycah na wag maingay. Nagtaka naman siya sa akin.
"Nagising na yung secretary." bulong ko.
Her eyes went big and we were both shocked. Actually, I am not scared of that secretary but scared of what Dad's gonna tell us. Bakit? Nagcr lang naman si Lycah. But the thing is... iba na ang makakarating kay Dad. She could tell Dad that we escaped or we sleep without finishing our task. Basta marami siyang sahog at napakachismosa na Mabaho.
"Where the hell are you!!! If you'll not come out I will give you punishment!!" sigaw niya.
Hindi din niya siguro masabi na magsusumbong siya dahil may nagawa din siyang mali.
I tried to walk but she saw us. Mukhang siyang aswang dahil gulong-gulo na ang buhok niya at sira-sira na ang make-up sa mukha niya.
For the first time I got scared of a human! For anyone's sake!!! She's a damn monster like living creature!!! Out of nowhere, my body quickly moves and grab my sister's hand and run!!
So gay!! I hate it but, I run as fast as I could. Huminto ako sa gilid ng 3 feet na table kung saan nakapatong ang mga printer. Agad kaming naupo ni Lycah sa gilid noon.
Malakas na hampas namang ang natanggap ko kaya tumingin ako sa kanya. Ang sama niyang maningin.
"Bakit mo ako hinila?" galit niyang sabi. Mabilis talaga siyang mainis o magalit tuwing inaantok.
Hinihingal siya. Katulad ko. Sana naman hindi kami nasundan nung secretary kung hindi ay malalagot kami kay Dad.
"Nabigla lang ako dun sa babaeng yun!! Mukha siyang aswang." bulong ko.
"Magsitigil ka! Para kang bading! Mas mananagot tayo dahil sa ginawa mong ito!"
Ilang sandali pa ay narinig namin ang mabilis na lakad ng takong ng sapatos nung babae. I never wanted to mention her name because she's not a lady!!!
"Where are the both of you???!!! I know you're there somewhere and I will tell this to your father, Leykha and Louwrans!" sigaw siya sa madilim na kwartong ito.
What an accent? Hehehe. Nagkatinginan kami ni Lycah pagkatapos naming marinig ang pagtawag niya sa pangalan naming dalawa. She never bothered calling us Ma'am or Sir even if that was Dad's order. Pero sipsip siya tuwing magkakaharap kaming apat.
Dalawang ilaw lang ang nakabukas sa buong office room na ito. Sana hindi na lang niya nakita na pumasok kami dito.
Ilang sandali pa ay may kakaibang nangyari. Hiding from someone in this kind of situation is being childish. Pero sa mga oras na ito ay hinihiling kong sana hindi na lang nangyari ang kakaibang tunog na umalingawngaw sa buong lugar.
"Minsan lang to!!! Kuripot ka kasi Lycahhhh!!!!!"
We're dead.
Nag-ring ang cellphone ni Lycah na ang ringtone ay yung voice record ni Mira noon. Nakita kasi ni Lycah yung cellphone niya sa deskbox sa office ni Dad kahapon kaya naman kinuha niya ito ng hindi nalalaman ni Dad.
Wrong timing naman ang pagpaparamdam ni Mira. Nakita kami ng secretary ni Dad...
Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa sasabihin niya. Hay buhay... parang aswang...siya!!!
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...