""""""""""..........
Angel's PoV
"Oo nga pala ano? Naisip agad ni Mira iyon?" tanong ni Zey.
Matalino nga pala si Mira. Or gutom at inaantok lang kami? Gustohin ko mang tumulong ay natatakot ako kay kuya. Ayaw kasi niyang pinapakialaman ko ang desisyon ng tropa niya. Kaasar!!.
"Mamaya, pagkatapos nating kumain ng breakfast, magsimula na tayong maghanap ng flag. Doon muna tayo sa campus ng grade VII. Madilim pa naman kaya wala pa tayong makikitang flag sa ganitong oras." sabi ni Miss President.
Sumang-ayon naman kami. Tinatamad ang lahat sa aming kumilos. Kinukilit ko pa nga si Wendy na magstory telling kami, kaya lang kj ang weird na black lady na ito.
Nagpalipas lang kami ng halos isang oras at dumating nga si Mira na may itinutulak na wheeled trays. May mga casserole at kitchen utensils siyang dala.
"Guys." tawag niya sa amin at iwinagayway ang tatlong flag na hawak niya.
Natuwa ang lahat dahil mayroon na kaming flag ng ganitong kaaga. Kumuha kami ng kanya-kanyang utensils na dala niya.
"Mira ang bango naman nito. Anong pagkain ba ito??" tanong ni Lance.
"Ahh, secret. Ahaha.."
Nagpakwento kami kay Mira habang kumakain kami nitong napakasarap na secret!! Hehe. Ang sabi ni Mira nakita daw niya ang unang flag doon sa loob ng Home Kitchen. Akalain mong hindi iyon nakita ng ibang team?? Eh, sila nga yung mas matagal na sa loob.
Nakuha daw niya ito sa ilalim ng basket ng sibuyas na hindi mapapansin dahil nga sa kulay violet to purple ito. Sa team ng Elaine.
Yung pangalawang at pangtatlong flag naman ay nakuha niya sa cafeteria. Sa mga kaserola nakapatong at sa isang upuan.
"Alam niyo, feeling ko nakalagay ang mga flag sa lugar na hindi natin iisiping nadoon ito nkalagay." sabi ni Eva.
Tapos na siya kumakain. Napansin kong lahat ng classmates ko ay nage-enjoy sa pagkain. Ang alam ko kasi marami sa amin ang figure-concious. Pero dahil nga ang sarap ng pagkain, wala ng figure-figure. Haha.
6 am ay lumabas na kaming lahat. Dalawang babae at isang lalaki ang nagpresinta na maglilinis ng mga pinagkainan namin kaya pumunta na kami sa campus.
May ilang natira sa loob ng classrom namin para magbantay at i-secure ang flag namin. Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming ibang team.
"Hey, Felix!!" tawag ng isang taga Augustine.
"May nakita na ba kayong flag?" sabi nung isa niyang kasama.
"Wala nga, eh. Kanina pa kaming naghahanap." sagot ni Fred.
Napag-usapan namin kanina na sasabihin naming wala pa kaming flag. Baka daw kasi pagtangkaan nilang kunin iyon sa amin kahit na bawal. Mahirap na baka hindi sila mapagkatiwalaan.
"Ganoon?? Kami rin!! Pinapahirapan tayo ng school na ito!!! Sobrang laki naman kasi ng campus, eh." sagot nung isa.
Nagpaalam na kami sa kanila.
Una kaming nagpunta sa quadrangle. Inisa-isa naming tingnan ang mga upuan at nagbakasakali kami pero wala. Lumabas kami doon ng walang nakita. Hindi ko kasama si Mira. Nandoon siya sa room at nags-secure ng flag.
Sumunod kaming nagpunta sa main club rooms building. Sa cooking, arts, history, science, music, values, math, at sa iba pang club rooms pero wala!!!
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
