MIRACLE#15 Familiar Necklace

11 0 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

Habang naglalakad kami ay nagsalita ulit siya.

"Ano nga pala ang pangalan mo? Ako si K-kelly..." pagpapakilala niya.

"Mira." maikling sabi ko.

Nang makarating kami sa apartment ay sobra-sobrang pasalamat ang sinabi niya. Mukha tuloy siyang bata, parang nawawala. Inalok pa niya ako na pumasok pero tumanggi na ako kasi napagod din ako sa school.

Nakapasok na ako doon dati at madalas ding tumambay sa rooftop. Pagka-akyat ko sa kwarto ay tiningnan ko lang ang cellphone ko.

3 missed calls at 3 messages.

From:mycutie

||take care of that necklace..||

1:03

||we missed you Rackieeee. Hehe.||

2:01

Rackie?? Hayp kang bata ka!!! Pang-asar nila ni Lycah sa akin iyon, eh.

From:bruhanglycah.

||reply naman sis!!!||

1:07

Oo nga pala! Mamaya pag-pupunta na ako kay Mama ay magl-load ako. Napahawak naman ako sa kwintas na bigay ni Rence.

Ang cute talaga. Nagpalit ako ng damit na pambahay. Pagkatapos ko ay lumabas ako sa kwarto at uminom lang ng tubig.

"Mira, ilagay mo nga ito sa kwarto nila Papa." utos sa akin ng mabait kong kapatid.

"Bakit? Hindi mo kaya? Ikaw na, aalis ako." sabi ko na lang.

Nilampasan ko siya at lumabas sa kusina. Ayoko siyang sundin kahit ngayon lang! Jusmio' Marimar!!

"Ilalagay mo ito o sasabihin ko kay Mama na may nang-bully sa iyo sa JRMI, pag nalaman yon ni Mama papalipatin ka na ulit niya sa public school. Madali naman akong kausap." nab-bored niyang banta.

Putik paano niya nalaman? Hindi ako kumilos at pinakiramdaman siya. Humarap ako at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Sabi ko naman sayo, hindi ka bagay doon."

Wala akong nagawa kundi hablutin ang paper bag na hawak niya at dumiretso na sa kwarto nila Papa. Michheeellllee!! Nanggigigil ako sa'yo!!!!

Kapag nalaman ni Papa na pumasok ako sa kwarto nila ni Mama, patay na naman ako doon!! Pero mas ayaw kong ipaalam niya kay Mama o kay Papa ang nangyari kanina sa school. Pero si Michelle lang naman ang nakaka-alam kaya kapag nagsumbong siya ay siya na rin ang ituturo kong nagpapasok sa akin sa kwarto nila.

Bawal kasi talaga akong pumasok dito. Binuksan ko ang cabinet at inilagay ang paperbag sa ibabang parte nito. Isasara ko na sana ang cabinet ng biglang napadako ang paningin ko sa isang kahon.

Gawa ito sa kahoy at hindi ganoong kalaki. Oh noes!! Tulong!!

Kapag tinamaan ako ng curiousity sickness ko ay hindi ko na ito mapigilan. Kadalasang pakialamera ako sa mga bagay-bagay.

Mabilis lang ito! Sisilipin ko lang!!

Kusang kumilos ang mga kamay ko at kinuha ang kahon. Umupo ako sa gilid ng kama at binuksan ito.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon