""""""""""..........
Mira's PoV
Martes na ngayon ng hapon. Papunta na ako sa huling class period namin para sa araw na ito. Mabuti naman. HC. Hindi ko kaklase si Rence dahil sa Drafting siya at si Lycah naman ay nasa Beauty Care. Hindi ko sila pinapansin kanina pa. Ayaw ko lang. Mabuti naman dahil narinig kong sinabi ni Helen na mayroon daw bali-balita na may bumura sa video na nasa social media accounts ni Rexha at ang lahat daw ng nagreact, nagcomment o nagshare sa video na iyon ay na-hack ang mga account nila.
Mabuti na lang din kagabi dahil hindi ako nagbubukas ng fb ko. Hindi din naman sinabi ni Michelle kay Mama ang tungkol dito.
Hindi naman ako kinulit nung kambal o kahit sila Angel. Alam naman nila Rence na palagi akong naghahanap ng space tuwing may hindi kami pagkakaunawaan. Hindi ko din alam kung hanggang kailan ako iiwas sa kanila.
"Guys alam niyo na ba ang nangyari kay Rexha Vhit?"
"Oo nga, nakakaawa siya."
"Bagay lang yon sa kanya."
"Bully kasi."
"Nagalit pa nga si Alexha sa kanya, eh."
Napatingin ako sa kanila ng marinig ang pangalan ni pader. Ano kayang nangyari??
"Mira!! Narinig mo ba yung parusa kay Rexha kaninang tanghali??" tanong sa akin ni Zey.
Umiling lang ako sa kanya. Kaninang tanghali ay sumabay ako kay Kelly na maglunch dahil alam kong pupunta yung kambal sa library. Doon kami kumain sa mga hut at nook na malapit sa campus gate ng grade VII.
"Mag-isang pinaglinis si Rexha sa shower room ng mga babae."
"Ang bali-balita pa eh, sinadya daw dumihan yung shower room."
Yun ang sinabi nila sa akin. Napakunot naman ang aking noo.
"Bakit naman naparusahan si Rexha??" nagtatakang tanong ko.
Pero ang mga magagaling kong kaklase ay nagtawanan lang. Anong nakakatawa?
"Syempre dahil sa ginawa niyang pangb-bully sa iyo kahapon."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa narinig. ANO? Bakit naman...
"Sinong may gawa no'n sa kanya?" nag-aalalang tanong ko.
"Oh, Mira bakit naman parang naaawa ka pa?"
"Dapat lang yon sa kanya, 'no?!"
"Kalabanin na niya lahat huwag lang ang Felixians, 'no?"
"Hindi por que nasa Clara siya eh, pwede na niyang kalabanin ang transferee at Math savior ng Felix 'no!!"
Nagtawanan sila. Bakit naman nila pinarusahan si pader? Edi lalo lang nagalit sa akin ang isang iyon? Putik naman, mas guguluhin ako no'n!
"Bakit parang hindi ka masaya na naparusahan na ang babaeng yon?"
Napatingin ako sa kanila.
"Nag-aalala lang ako na baka... baka may gawin na naman siya. At isa pa, paano kapag nagsumbong siya sa head office?"
Nalulungkot ako. Kung normal na sitwasyon siguro ito ay magdiriwang pa kami ni Lycah dahil naparusahan ang isang kaaway. Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon.
"Hey, Mira. Don't worry. Marami kang back ups dito. Lahat kami ay tutulong para lang hindi ka mapaalis sa school."
"Oo nga!! Ang ganda talaga nung speech mo kahapon. Bet ko 'yon!"
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
