MIRACLE#57 Lycah's Camera

14 0 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

"Kapag sinabi kong hindi ako bakla. Hindi. Ako. Bak. La."

Iyon na lang ang narinig ko dahil... dahil...dahil....dahil.....dahil...... dahil.......dahil........

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at. at.. at... at.... at..... at...... at.......at........at......... loading... loading---

Hi-hinalikan niya ako. HINALIKAN NIYA AKOOO!!!!! Hinalikan niya ang labi ko!!!!Sobrang bilis lamang niyon pero mas mabilis pa rin ang tibok ng puso ko kaysa sa kahit na anong mabibilis na bagay...

Waaaaaaaaaaaaahh!

Nakatulala lang ako sa harapan niya. Napakurap na lang ako ng magring ang cellphone ko.

Mabuti naman. Nakakahiya!! Bakit hinayaan kong... kuhanin niya ang first kiss ko!!!! Wala pa sigurong isang segundo ang ginawa niya pero... para akong sumali sa karera dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay hindi na ako makahinga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumakbo palabas sa apartment niya. Parang ayoko ng bumalik doon.

Hindi ko alam ang dapat kong maramadaman. Magagalit ba ako? Maiinis? Kasusuklaman siya? O... matutuwa?

Ihhhh!!! Miraaaa!!!!!

Kaibigan ko siya tapos hinalikan niya ako? Nababaliw na ba siya???

Natauhan na lang ako na nagpapapadyak na ako sa kalsada dahil sa ring ng cellphone ko. Tatlong missed calls na. Bakit hindi ko na napansin.

Sinagot ko kaagad ang pang-apat na tawag. Galing iyon kay Rence.

"Hello? Rence?"

||MIRA!|| medyo inilayo ko pa ang cellphone sa tainga ko ng marinig ang sigaw ni Angel.

"Bakit ba?" medyo naiinis na sabi ko.

Ang gulat ko kasi. Ang lungkot- lungkot ng boses ni Rence kanina tapos boses niyang nakakarindi ang maririnig ko?

||Gagalit? Hehehe. Good news. Gising na si Sleeping Beauty!!!|| anunsyo niya.

Wala namang paglagyan ang saya ko. Gising na siya!!! Gising na ang bespren ko!!!! Naiyak na naman ako sa saya.

"Pupunta ako diyan Angel! Pupunta na ako!" masayang sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Dali-dali akong umuwi sa bahay. Sasabihin ko ito kay Mama. Matutuwa iyon!

Nasa harapan na ako ng pinto ng marinig ko ang usapan nila. Napatigil ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Mama, naman? Ayokong bumalik sa Cebu. Nandito na ang buhay ko
Kasama ang asawa at mga anak ko. Hindi ako sasama sa inyo."
malungkot ma sabi ni Mama.

Kausap niya si Lola sa loob. Anong pinag-uusapan nila? Pinapabalik ni Lola si Mama sa Cebu? Bakit? Ilang taon na nung huli kaming pumunta sa Cebu. Ang alam ko ay may hindi magandang nangyari kaya hindi na daw gustong bumalik ni Mama doon. Kahit ako, 'no!

"Mikaela! This is your Papa's last wish!!! Ayaw mo man lang ba siyang makita? Naghihingalo na ang ama mo at hindi mo man lang ba siya gustong makita?" dismayadong sabi ni Lola kay Mama.

Si... si Lolo? May sakit ba si Lolo? Ang huling balita ko sa pinsan ko na nandoon sa Cebu ay malakas pa naman daw si Lolo at Lola. 58 si Lolo at 56 pa lang ang edad ni Lola. Ang bata pa ni Lolo para mag--maghingalo!! Sana ayos lang siya.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon