MIRACLE#58 Almost Tragedy

13 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Nakakainis kasi ang dagat na iyon. Bumalik ako doon sa harap ng dagat. Lumapit ako doon at pinagsisipa ang tubig hanggang sa mapagod ako.

Wala namang nagbago doon sa tubig. Atras-abante pa din siya kaya siguradong pinagod ko lang ang sarili ko. Pero nag-enjoy ako sa ginawa kong iyon. Kahit paano ay nawala ang inis ko. Nakangiting naupo ako sa buhangin.

"What have you done? You played with water?" hindi makapaniwalang sabi ng boses ng batang lalaki.

Napatingin ako sa nagsalita. Isang batang lalaki na maputi. Medyo curly ang buhok, singkit na gray na mga mata, matangos na ilong at mas matangkad siya sa akin.

"Hindi naman ako naglalaro. Inaway ko lang ang tubig kasi muntik na niya kaming lunurin nng kapatid ko." naiinis na namang sabi ko.

May nakuha akong maliit na bato at inihagis iyon sa tubig. Napatingin ako sa bata ng maramdaman kong umupo siya sa aking tabi.

"Palagi ka bang pumupunta dito kapag naiinis ka?" kunot noong tanong niya.

"Hindi! Nagbabakasyon lang kami dito sa Cebu." sabi ko.

"Talaga? Well, ngayon lang din naman kita nakita. Gusto mo laro tayo?" alok niya.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo siya at tumakbo.

"Habulin mo ako!!" malakas na sabi niya.

"Ang daya!!" bulong ko.

Walang akong nagawa kung hindi ang tumakbo din at habulin siya. Ilang oras kaming naglaro. Naghabulan, gumawa ng sandcastle, na sinusubukan kong gawin kanina, sumisid din siya sa dagat at kumuha ng mga shell.

"Salamat!! Matutuwa si Cheche kapag nakita niya na mayroon akong shell!" masayang sabi ko.

Kumuha siya ng dalawang malalaking shells at ibinigay sa akin. Isa daw para sa akin at isa para kay Cheche. Tanghali na ng makaramdam kami ng gutom.

"Sama ka sa bahay namin? Kain tayo! May kapatid akong babae, pwede din kayong maglaro." alok niya.

"Hindi pwede. Baka hinahanap na ako ni Mama at Papa." tanggi ko...at isa pa baka kidnapper siya!!? Hindi naman kasi ako nakapagpaalam sa kanila. Nalungkot naman siya. "Huyy! Wag ka na malungkot!! Babalik ako mamaya, kapag nakapagpaalam na ako kay Mama at Papa, isasama ko din ang kapatid ko para makapaglaro tayo, okay?" sabi ko.

Napangiti siya. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Wait lang!! Ano nga pala ang pangalan mo? Kanina pa tayo naglalaro, hindi namin kita kilala. At pa'no ko malalaman kung babalik ka talaga? Dapat may ibigay ka sa akin o iwan ka dito na gamit mo para sigurado akong babalik ka." masungit na sabi niya.

"Gamit? Ahh, ito na lang shell ko. Sayo muna ito. Ang pangalan ko ay Rackie. Ikaw?" tanong ko sa bata.

"Ako si Nio. Sayo na din muna itong bracelet ko. Ibabalik mo iyan sa akin kasi importante yan, ha? Kaya dapat bumalik ka." sabi niya habang tinatanggal ang purselas mula sa kamay niya.

Ibinigay niya ito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Umuwi ako sa bahay namin na nakangiti. Nakita kong naghahain na si Lola at Mama para sa tanghalian.

"Mama!! Lola!! Nasaan po si Cheche?" nakangiting tanong ko na para bang walang nangyari kanina sa amin ni Cheche.

"Nasa kwarto si Cheche. Pero Rackie bago ka lumapit sa kanya ay maligo ka muna! Hindi na maganda ang amoy mo! Saan ka ba naglaro, apo?" natatawang sabi ni Lola.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon