MIRACLE#21 Spinning Bottle

7 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Napatingin ako sa kanya at nakikita ko ang inis sa mga mata niya. Ano???

"Ang sabi ni Nielle, wag aalisin ang kamay sa lubid. If you're not stupid, then you'll think that the rope would hurt your palm because the other group pulls it. Idiot."

Wala akong masabi. Ouch? Bakit parang apektadong apektado ako sa sinabi niya. Kaya ko namang panindigan na hindi iyon totoo pero bakit parang tama siya?? Aarrgghhh!!! Napatungo tuloy ako dito na parang bata. Pero ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko dala ng matinidng pagkainis.

"Enough. We only have one chance to get the flags. Kaya nating bumawi team!!" pagt-cheer up ni Nielle sa amin... akin??

Tumayo na ulit kami. Sandali kong tiningnan ang pants ko at nag-sorry lang sa kanila. Si Myke naman ay sinisisi pa din ako. Distruction daw ko sa grupo... NILA!!! Nakaka-asar!!!

"Okay. Last chance. Both of you already have your one point. So for the last time, get yourselves ready." paalala ni Miss Van.

Okay. Hindi na talaga ako bibitaw. Lalaban na ako. Pero ang sakit kasi talaga ng mga palad ko. Pulang-pula na ang mga ito.

"Okay lang 'yan, Mira!!" sabi ni Angel.

Hindi na ako nakasagot dahil nagsimula na ulit kami. Huwag ko na lang kayang hilahin?? Hawakan ko na lang para kunwari ay tumutulong ako?? Pero sayang din yung kahit five percent na maitulong ko sa grupo namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng paghihilahan ng bigla na namang sumakit ang palad ko. Bibitaw na sana ako sa lubid ng biglang hinawakan ni Nielle gamit ang isang kamay niya at Wendy ang kamay ko para hindi tuluyang bumitaw ang kamay ko sa lubid.

Serously????

Nagulat pa ako dahil pati si Myke ay makihawak na din. Ganoon din si Angel at ang iba pa hanggang sa magform na kami ng bilog.

Biglang sumigaw si Nielle. Natawa pa kami dahil ang akala namin ay sasabihin niyang kanan o kaliwa.

"HIGA!!!!!!!!"

Iyon ang sinabi ni Nielle kaya tuluyan naming nahila ang lubid at mapatumba ang kabilang grupo.

Ang saya sa pakiramdam. Nauna kasing matumba yung kabilang team bago kami tuluyang humiga. Napanalunan namin ang limang flags. Ng putikan at madudungis kami.

""""""""""..........

Angel's PoV

We have 23 flags in total. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Nakaupo kami ng pabilog sa sahig. May kanya-kanyang hawak na mga plato ang halos lahat sa amin. We're having our dinner that was prepared by our other classmates.

Hindi si Mira ang nagluto nito because she can't use her both hands. Nanghinayang nga kami. Biniro pa namin si Nielle na sana ay hindi na lang niya isinali sa tug of wars si Mira para may masarap kaming dinner.

"Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago..."

Mikko is singing while playing guitar. Ayaw daw niya ng mga pagkain na niluto nila Helen or nung mga cookery class students.

"Bukas nga pala ay uuwi na tayo, ano??" sabi ni Aira.

Yeah. Tomorrow, maybe we'll have the closing remarks by lunch time. Then sa hapon na kami uuwi.

Pagkatapos kanina ng tug of wars ay nakaroon ng mga palaro na katulad ng thirty meter run, catch the egg, throw ball, at cooking show. Ang premyo ay flags at doon lang kami natalo sa cooking match. Sayang talaga iyon.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon