MIRACLE#33 Restricted Area

14 0 0
                                        

""""""""""..........

Mira's PoV

Pumasok ako sa loob. Hindi ko alam kung tama ba na pumasok ako dito pero hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Pagpasok ko ay tiningnan ko ang bookshelf pero isa na itong pinto. Na umiikot.

Para akong nasa loob isang opisina na puno ng libro at may malawak hagdanan pababa. Maraming nakasabit at nakadikit na mga bookshelf sa pabilog na silid na ito. Bumaba ako at naglakad patungo sa bagay na nakakuha ng aking atensyon... Vault. Mayroong kulay itim na vault sa ilalim ng bookshelf na nakasabit sa malaki at bilog na poste sa gitnang bahagi ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang paligid, napakaluma nito tingnan. Lumapit ako sa vault na hanggang beywang ko ang taas. Sa gilid nito ay mayroong passcode board at sa ilalim nito ay mayroong scanner. 4 numbers code.

Nabano yata ako sa passcode board kaya nagpipindot ako ng mga number. Nakakatuwa.

0000
1001
1111
0110

Ilan nga ba ang permutation ng 9 at 4??Ang dami nga palang permutations ng 1-9 na numero. Napatingin naman ako sa scanner. Sa ibabaw nito ay mayroong maliit na simbolong nakaukit. Parang pamilyar ito... saan ko nga ba nakita ang simbolong ito??

"Sa kwintas!" natutuwa kong sabi.

Tiningnan ko ang kwintas na nakuha ko sa kwarto ni Mama at hinubad ito. Tinitigan ko muna ito bago idikit sa scanner pad.

Napangiti ako ng makitang magkulay green ang maliit na doorknob nito. Isinuot ko muli ang kwintas. Hinila ko ang pinto ng vault at nagulat ako sa mga laman nito.

Nag-eexpect ako ng kayamanan, mga ginto, pera o alahas pero... mga kahon ang mga ito. Isang puti, at isang itim. Ano kaya ang mga laman nito??

Kinuha ko ang puting kahon at binuksan. Mga larawan. Una kong nakita ang picture ng isang babae at lalaki. Medyo malabo ang mga litratong ito, mga luma na. Mayroong magkasama sila sa mga okasyon. Mayroong nasa restaurant sila o kaya naman ay nasa sikat na mga lugar.

Puro litrato nilang dalawa ang nandito. Napangiti ako ng makita ang engrandeng red gown nung babae at kasama na naman niya ang lalaki. Mayroon ding nakatoga silang pareho. Sumunod kong nakita ay nakalab-coat yung babae at nakaformal wear ang lalaki.

Nagpatuloy lang ako sa paglilipat ng mga tinitingnan kong larawan hanggang sa mapunta ako sa larawan na naka-wedding gown yung babae at nakasuit yung lalaki. Ang sweet, nakakakilig. Hehehehe. Pabebe amp!

Tuwing nakakakita pa naman ako ng ganito ay hindi ko maiwasang mainggit, ma-insecure at ma-concious sa sarili ko. Sa future kaya, mararansan ko din ang mga ganito?

Inilipat kong muli ang litrato at nakita silang magkasama sa iba't ibang lugar. Sa Eiffel Tower, Statue of Liberty, Namsan Tower, mga mapple trees at cherry blossom trees at marami pang iba.

Mayroong litrato na sunod sunod ipinapakita lamang ang tiyan ng babae hanggang sa lumaki ito. Sumunod kong nakita ay ang babae na may kargang isang sanggol na naka-upo sa hospital bed at katabi niya ang lalaki na may karga ding sanggol.

Ipinakita ulit yung tiyan ng babae hanggang sa lumaki ito at nandoon na naman sila sa hospital.

Mga larawan naman ng dalawang sanggol ang sumunod kong nakita hanggang sa nakakagapang na sila at nakakatayo na ang kambal. Ang cute ng pamilya nila. Nakakainggit.

Pero ang kasunod na larawan ay yung babae lamang ang may kargang sanggol at yung lalaki naman ang nagkandong sa batang babae at batang lalaki.

Litrato ng mga bata ang sumunod kong nakita. Mayroong mga larawan ng mga birthday cakes at nakatapat sa kanilang tatlo. Yung kambal na lalaki at babae tapos yung batang babae. Magka-kasama sila sa mga larawan. Mayroon pang larawan na yung babae at lalaking bata ay nakahawak sa icing ng tig-isang cake at nagpahiran sa mukha. Ang cute naman ng mga batang ito...

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon