MIRACLE#36 Attention Caught

7 0 0
                                    

""""""""""..........

Lycah's PoV

Lunch time!!! Pagkalabas ng History teacher ay tumayo ako at nag-unat ng katawan. Kahit kahapon lang kami pumasok ni kambal ay naka-uniform na agad kami. And I really like this fashion-style of JRMIA's uniform. Love it!

"Ariel sabay na tayong maglunch." sabi nung matangkad na lalaki. Ang alam ko, kilala ko 'yan.

Gel?? Yun ba yung tawag sa kanya ng bida-bidang si Angel kanina? Bakit Ariel? Sino yon, yung mermaid princess sa Disney? Ahhh, si Gelo Davis!!

Tumingin sandali sa akin si Mira.

"Sige. Okay lang ba kung sasabay din sila sa atin?" sabi ni Mira.

Nagpapaalam ba siya? What for? We can have our lunch separately. Pumayag naman sila kaya hindi na ako nakapag-inarte sa kinatatayuan ko dahil naglakad na si Mira. Bago naman umalis si Gel ay kinindatan niya ako.

Argh! Nakaka-asiwa siya!!! Okay, mamaya din ay mamarkahan ko na ng ekis yung picture niya sa kwarto ko. Ayaw ko sa flirt at chickboy, eh. Hahaha.

"Mira, wait for me!!"sabi ni Angel.

'Wait for me.' Nye-nye. Papansin. Pasalamat talaga siya dahil naging mabait siya kay Mira habang wala kami kung hindi, talagang hindi ko siya pagbibigyan. Linta ba siya?

At bakit nga ba ang tawag ni Gel kay Mira ay Ariel? Si Thim naman ay Maria at yung si Myke naman ay Transferee. Eh?

Ako ang um-order ng pagkain namin ni Mira. Mabuti pa dito sa school na ito, malamig at may school card sa cafeteria. Less hassle sa cash.

Umupo ako sa tabi ni Mira, sa kanan. Yung epal naman ay nasa kaliwa. Katabi ko din si kambal. Nasa harapan naman namin yung mga lalaki at si Wendy. Yung tahimik pero mabait kaya lang ay creepy at tinatawag ding 'blacklady.' Unlike her friend. Annoying masyado.

Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. But I have this weird feeling. Napatingin tuloy ako sa mga lalaki sa harapan ko. Especially, Nielle. Siya yung naabutan ko sa office kahapon.

Bakit ba nakatingin sila sa akin? Alam ko namang super attractive akong tingnan pero kagaya nga ng sinabi ni kambal at Mira sa akin... pangit ba talagang tingnan ang attractive na matakaw?? Kaasar!!

Padabog kong ibinaba ang kutsara at tinidor ko. Tiningnan ko sila ng masama.

"Ano bang problema niyo?" angal ko sa kanila.

"Lycah..." pagsaway sa akin ni kambal.

May mali ba sa akin para pagtinginan nila ako? Nakakasura.

"Lycah. Bakit?" inosenteng tanong ni Mira.

Umiling ako at hindi na nagsalita. Na-iinis ako. Gutom lang siguro ako. Kinuha ko ang porksteak sa plato ni Mira at kinain ito. Ang sarap.

Napatingin naman ako sa ulam ni kambal. Beefsteak. Kinuha ko ang isang slice nito mula sa kanyang plato. Ang sarap din.

"Mira, try this food. Masarap. Kapag nagustuhan mo ito na lang ang kakainin natin tuwing lunch, ha?" sabi nung bida-bida.

Hindi ko naman siya pinansin sa halip ay kumuha ulit ng porksteak kay Mira. Napatingin ako sa inilagay na pagkain ni bida-bida. Is that...

Bago ko pa maigalaw ang kamay ko ay mayroon nang nauna sa akin na tumabig sa kamay ni Mira para hindi niya maituloy ang pagkain sa ibinigay ni pabida. Bwisit!!

"Ano bang?..." reklamo ni Mira sa nasa harap niyang... si Myke? Myke ba ang pangalan non?

Wait lang! Kapangalan ni JM? As in, John Myke na ex ni Mira? Argh! Hindi ko na muna iyon inalala sa halip at hinarap si bida-bida.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon