MIRACLE#52 Own Ways

15 2 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Tinapos ko na ang reflection paper ko at pumunta na sa looker room. Nandoon pa sila sa library at susunod na daw sa classroom. Nakita ko naman si Thim na papasok din sa locker room kaya naman sumabay na ako.

"Thim!!" tawag ko sa kanya.

Tumigil siya at sumabay sa akin. Gusto ko talaga siyang kausapin.

"Thim, ahh, gusto mo bang tulungan kita sa studies mo? No offends, huh? Gusto lang talaga kitang tulungan kung nahihirapan ka..."

Maingat lang ako sa pagsasalita. Ayoko namang masaktan siya sa sasabihin ko at isipin na nagmamalaki ako. Napayuko naman si Thim...

"Ahh, Mira. Nakakahiya mang aminin pero kasi... mabagal talaga akong makagets sa topic natin... Palagi pa akong nap-pressure sa standards ng parents ko kaya mas nahihirapan talaga ako kaya eto ako... nauuwi sa pagbubulakbol." nahihiya niyang sabi.

Napangiti naman ako. Lalaki pa din siya at syempre mataas ang pride niya pero ito siya sa harapan ko at parang bata na nagsusumbong sa nanay niya dahil siya talaga ang nakabasag ng vase... Teka lang saan galing yung vase?? Hehehe.

Hinawakan ko ang balikat niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

"Okay lang, Thim. Magkaibigan na tayo diba?? Pwede kitang tulungan basta sabihin mo lang sa akin ang magagawa ko para sa iyo, huh? Kailangan mo ba ng tutor??" nakangiting alok ko sa kanya. Raket. Hahahaha. Char.

Para naman siyang aso ngayon na sunod-sunod ang ginawang pagtango. Sinabi niya sa akin na pwede daw akong pumunta sa bahay nila bukas para masimulan na niyang habulin ang lessons namin. Mabait naman pala siya, eh. Binuksan ko ang locker ko para kuhanin sana ang gamit ko ng may mapansin ako.

Papel??

Kinuha ko ito at binasa. Medyo itinago ko pa ito kahit kami lang naman ni Thim ang nasa loob ng locker room.

'I want to have a personal apology. Can we meet? In the basketball subcourt. Can you go alone? Before lunch break.'

Your sincere schoolmate and bestfriend,
Ara

Nanlaki ang mga mata ko. Si Ara?? Makikipag-ayos na siya sa akin?? Bakit kaya parang masama ang kutob ko dito?

Pero kasi si Ara iyon!!! Pwede pa naman siguro kaming bumalik sa dati hindi ba? Yung magkaibigan pa din kami. Yung katulad ng dati na siya pa lang ang bestfriend ko sa elementary school.

Ara. Dahil bestfriend kita at nangako ako sa iyo noon na ikaw pa din ang bestfriend ko kahit matanda na ako, kahit nagkamali ka... pupunta ako. Mamayang lunch. Ara. Hintayin mo ako dahil darating ako.

""""""""""..........

Thim's PoV

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Si Mira... ang kauna-unahang babae, tao, ang nagtanong ng kalagayan ko. Nobody ever asked me about my studies or something about me. Kadalasan sa mga taong nakapaligid sa akin ay puro negative ang sinasabi... especially my friends. Sanay na akong masabihan ng kung anu-anong masasamang bagay pero syempre, tao pa din ako at may feelings na nasasaktan. Hindi ko lang ipinapakita sa iba na hindi ko na talaga gusto ang mga naririnig ko sa kanila dahil nga syempre, lalaki ako.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon