""""""""""..........
Mira's PoV
Detention. Dalawang oras akong ikinulong sa detention room. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng bad record. At kauna-unahan pa talaga dito sa dream school ko. Ilang Linggo pa lang ako dito pero napaaway kaagad ako. Mabuti na lang dahil ipinagtanggol ako ni Nielle kay Miss Van dahil kung hindi, baka pinarusahan niya din ako ng suspension at mas malala, expulsion.
Hindi na kami dumaan sa guidance office o sa trial court. Nakakatakot din palang magalit si Miss Van?!. Para siyang dragon na bigla na lang nakawala sa hawla kanina ng malaman niya yung gulo. Mabuti na lang din dahil hindi na niya ipinatawag ang mga magulang namin.
Diretso kaagad ako sa detension room. Ito ang inabot ng katigasan ng ulo ko. Matutuwa ba ako dahil kahit papaano ay natakot sila? O maiinis kay Lycah dahil siya ang pinangakuan ko ng ganito?
Pero okay lang. Natulungan ko naman kahit papaano yung janitor. Sana lang.
Hindi pa din makapaniwala si Miss Van at hindi daw niya palalampasin ito. Sa loob pa daw mismo ng school nangyari ang kauna-unahang gulo na pwedeng sumirara sa reputasyon nitong paaralan.
Nakakahiya nga. Sana naman ay wala nang kasunod ito.
Pinalabas na ako ng guard mula sa detention room kaya naman nagbike na lang ulit ako. Umuwi na kasi sila Angel. Hindi naman pwede na hintayin nila ako. Wala na din kaming last period dahil halos isang oras kaming kinausap ni Miss Van at pinauwi na din ang iba.
Pagdating ko sa bahay ay napatingin ako sa cellphone ko. Kanina pa ito nagr-ring.
Lycah calling...
"Oh, bakit?" walang ganang tanong ko.
||Ang galing mo Mira!!! Madami akong mabasa na positive feedback. Hindi daw halata na matatalo mo sila. Felix vs Clara wars daw. Hahaha. Laughtrip yon!!!|| masayang sabi niya. Napairap tuloy ako sa hangin.
"Psh. Kasalanan mo! Kapag nalaman ito ni Mama, lagot ka sa akin!! Tandaan mo iyan!!" inis na sabi ko.
Binaba ko na ang tawag. Wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya. Pumasok si Michelle kaya napatingin ako sa kanya. Sasabihin kaya niya kay Mama?
Mabuti na lang dahil kagaya ng dati ay hindi niya ako pinansin. Pero bago siya lumabas ay tumigil muna siya sa harap ng pinto.
"Nice fight." sabi niya at umalis na.
Si Michelle? Pinuri ako?? Napangiti na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Miss ko na talaga si Michelle. Ang Cheche namin. Napailing na lang ako.
Nagsagot lang ako ng assignment sa history at cookery. Nakatulog na din naman ako dahil sa pagod.
""""""""""..........
'Papa? Pwede ko bang makita si Snow White?' masayang sabi ng isang batang babae.
Naglalad ang isang lalaki sa gitna ng halamanan habang ang batang babae naman ay nakasakay sa likod niya. Ngumiti ang lalaki at bahagyang humarap sa batang babae na nasa likod niya.
'Gusto mo bang magpunta tayo sa Disneyland?' nakangiting tanong ng lalaki sa bata.
Masayang tumango ang batang babae. Tumawa lamang ang lalaki sa sinabi ng batang babae.
'Sige. Pero mag-promise ka na hindi ka na aakyat sa puno. Pinag-alala mo si Papa ng kitang nahulog ka doon. Huwag mo na iyong uulitin, ha?' bilin ng lalaki.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...