""""""""""..........
Mira's PoV
Nakaupo ako ngayon sa toilet dito sa loob ng cubicle. Kausap ko si Lycah. Ibinalita ko sa kanya ang mangyayaring audition mamaya.
||Nakaka-excite!! Ano kayang pasabog ang meron sa contest ng JRMIA?|| nang-iintrigang sabi ni Lycah.
"Aba, malay ko? Sige na kasi!! Magrequest ka na ng kanta!!" pangungulit ko sa kanya.
Kanina niya pa sinasabi na na kantahin ko daw ang paborito niyang kanta. Pero sa araw-araw na nangyayaring magkasama kami. Hindi siya nawawalan ng kanta. Alin doon ang favorite niya?
||Ang daya! Hindi mo alam ang favorite song ko? Bahala ka na nga diyan!||sabi niya.
Ibinaba na niya ang tawag. Anong napala ko sa kanya? Wala! Kaasar! Tumayo na ako at lumabas sa cubicle. Humarap ako sa wall-sized na salamin dito. Tiningnan ko ang sarili ko. Ang sabi kanina ng class president namin ay dapat daw naka-free style na kami.
Pero dahil nga hindi naman ako prepared ay wala akong kahit na anong dalang damit. Lumabas na ako sa cr at pumunta na sa classroom namin. Nasabi ko na naman sa kanila na wala kong damit. Ayos lang naman siguro na naka-uniform ako, ano?
First time kong kakanta sa school. Never kasi akong nagparticipate sa mga singing contest sa school ko dati.
"Mira?? Anong kakantahin mo?" sabi ni Angel.
"Hindi ko pa alam. Bahala na mamaya. Acapella naman daw, eh." sagot ko na lang.
Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko. Puro sila goodlucks at cheer sa amin. Sumabay ako kay Eva. First time lang din daw niyang kakanta ngayon.
Nang makalabas kami sa campus namin ay napatigil ako dahil may nag-message sa akin. Sinabihan ko ang mga kaklase ko na mauna nang pumunta doon sa audition room.
Napangiti ako. Nag-message si Rence. Title ng isang kanta. Sigurado akong si Lycah ang nagtext nito. Hahaha. Napailing na lang ako.
"Mira!" nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni...KELLY!
Bigla akong napayuko. Ang init ng mukha ko.
"Huy! Nabalitaan ko, kasali ka daw sa contest? Galingan mo, ha? Pwede bang magrequest?" dirediretsong sabi niya.
Insensitive. Hindi ba obvious na ayaw ko pa siyang makita? Tumingin lang ako sa kanya dahil na-curious ako sa request niya.
"Pwede bang kapag nakita mong nakapila sa entrance room ang mga contestants, pwede mong sabihin na gusto mong number ay '39' Mira?" sabi niya nang nagsimula na kaming maglakad.
Ano daw?
"Anong sinasabi mo? May ibibigay ba silang number sa mga kasali?" takang tanong ko. Tumango siya.
"Meron. Bago kayo pumasok, randomly kayong pipila. Pwede namang unahan kayo sa kung anong number ang gusto ninyo. Doon malalaman ang pagkakasunod-sunod ng mga mag-aaudition." paliwanag niya.
Hindi na daw niya ako ihahatid. Umalis na din siya pagkatapos niyang sabihin ang 39. Ewan ko dun kay Kelly.
Pumunta na ako sa entrance door ng building. Mayroon ngang pila. Lumapit ako sa isang guard. Doon ko sana itatanong kung saan pwedeng makita ang kwarto kung saan mag-aaudition ng bigla niyang ibigay sa akin ang sticker at badge.
'39' ang nakalagay. Inutusan ako ng guard na ilagay ang sticker sa damit ko. Sa tapat ng bewang, yun naman daw badge ay sa kanang dibdib.
Sinabi niyang umakyat daw ako sa thirdfloor. Makikita ko daw ang dressing room doon sa dulo ng hallway. Hindi ko na nakita ang mga kaklase ko. Umakyat na lang ako sa thirdfloor at pumasok doon sa kwarto na sinabi nung guard. Malawak na kwarto ito at maraming mirror sets. Umupo ako sa isang upuan na may nakadikit na 39 sa likod. Humarap ako sa salamin. Nakita kong halos lahat ay magaganda at presentable ang suot. So ako nga lang ang naka-uniform? Ilang minuto ang itinagal nang paghihintay namin sa dressing room bago magsimula ang audition.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...