MIRACLE#26 Going Home

10 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Bago magtanghali ay dumating na sila. Nagkaroon ng mga best leader awardees at mga game awards. At... nanalo kami sa flags!! Hooray!!

Ang premyo daw ay additions sa report cards namin. Binigyan din kami ng special trip para sa mountain climbing at team building sa unang linggo ng October. Ang parusa naman nung iba ay magk-community service. Hahaha. Hindi naman kami pinasali sa pageant dahil mayroon na daw kaming napanalunan.

Naka 36 flags kami in total. Ang saya din naming team at mang lilibre daw ng lunch si Nielle bukas. Haha. Ibinalik naman nila sa amin ang mga gadgets na dala namin. Buti naman. Hehehe.

Bago ako tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa SIO. Walang helpers doon pero may teacher.

Itinanong niya ang pangalan ko at kinuha ang ID ko. Nae-excite ako dahil...bibigyan na niya ako school uniform!!!! Sana bagay sa akin, hehehe. Ang mga uniform naman ng ordinary students ay ipad-deliever pa daw sa mga bahay nila, sosyal!

Inabot niya sa akin ang tatlong plastic ng palda, ng long sleeves, ng vest, ng necktie. Dalawang P. E. t-shirts na magkaiba ang kulay at isang jogging pants at shorts na para din sa P. E.class.

Hindi pa daw nakakapag-issue ng mga swimwears kaya baka daw sa mga susunod na linggo pa daw iyon ibibigay.

Ang sosyal!! Ang saya talaga kapag libre!!! Hahaha. Binigyan din ako ng dalawang pares ng long socks, isang pares ng black shoes at white na rubbershoes. Mayroon ding school bag. Hindi daw kasi pwedeng mag-iba yung sa akin dahil kasama daw iyon sa uniform.

"Salamat po, Ma'am." magalang kong sabi.

Ang bait talaga ng sponsors. From shoulders to toes ay pare-pareho kami ng isusuot ng mga kaklase ko!! Bago ako tuluyang lumabas ay tinawag ulit ako ng guro.

Ibinigay niya sa akin ang...

"Your official ID informations. Starting on Monday, which is tomorrow, hindi ka na sa front gate dadaan kung hindi sa main gate na, okay??" nakangiti niyang sabi.

Yieehh!! Feel ko na ang pagiging JRMIA student ko. Nakangiting nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na. Nagulat pa ako ng makitang nag-aabang si Kelly sa akin sa labas.

"So starting tomorrow, sabay na tayong papasok sa gate." nakangiti niyang sabi.

Ngumiti din ako. Sabay lang kasi kaming pumupunta sa school pero kapag papasok na sa campus ay magkaiba na kami ng daan. Atleast!!!

"Ang saya!! Magsusuot na ako ng uniform bukas!!!" tuwang-tuwang kong sabi.

Dala ng saya ay hindi ko sinasadyang mahampas ang braso niya. Agad naman akong himingi ng paumanhin.

"Baka hindi ka makatulog dahil sa excitement na iyan, ha?!"  sabi niya.

"Grabe naman, matutulog ako 'no!! Pakiramdam ko lang kasi ay magiging totoong estudyante na ako dito. Dream school ko ito, eh!! At sinong mag-aakala na makakapasok ako dito, diba?? Kahit ako hindi ko iyon naisip!!" pag-amin ko.

Nag-usap lang kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa Santa Tere. Umuwi na ako at nagpaalam na matutulog muna. Bukas pa lang magiging first day para sa akin dahil bukas simula na ang klase. Sana naman maging okay ang school year na ito sa akin.

""""""""""..........

Rence's PoV

It's Wednesday of June's last week. We're almost one month staying here in London. Si Daddy na daw ang bahalang kumausap sa school admin at tumatanggap naman daw talaga sila ng mga excuses because of company and business trips.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon