MIRACLE#28 Greenhouse Garden

13 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

6:30 pm na nang magpasundo si Angel. Naggala lang kami doon sa lake park. Pagkaalis niya ay kinuha ko sa loob ng kwarto yung scrapbook at ibibigay ko kay Kelly. Lokong iyon! Iwanan ba naman ako mag-isa sa mall?? Pasalamat siya at mayroon akong nakasama kung hindi ay ibabalik ko na ang perang ibinigay niya pangbili ng materials niya. Kaasar!!

Dali-dali akong pumasok sa apartment niya. Mayroon naman akong susi dahil ibinigay niya ito noon para daw hindi na ako kumakatok. Alam naman daw niya kung saan ako nakatira at hahanapin kung sakaling may mawala daw siyang gamit. Loko talaga!

Ngumiti siya pagkakita niya sa akin. Wide smile pa. Para bang inaabangan niya ako. Pagkalapit ko sa kanya ay sinuntok ko ang kaniyang braso.

"Ouch!! What was that for??" reklamo niya.

"Sa kabila din para pantay, gusto mo?? Bakit mo ako iniwan kanina?? Hiyang-hiya naman ako sayo na 7 am pa lang ay kating-kati ka nang gumala kahit sarado pa yong mall!! Tapos iiwan mo lang ako??!!" naiinis kong sabi.

Pero tinawanan lamang niya ako. Aba't lokong ito!! Inihampas ko sa kanya ang scrap book na ginawa ko at umalis na. Anong akala niya nagbibiro ako?? Pinag-alala niya ako kanina, eh!!!

Kaasar. Mabuti naman dahil hindi na niya ako hinabol pa. Pagdating ko sa bahay ay sakto naman at kaaalis lang din nung bwisita ni Michelle. Naalala ko kanina yung pinag-usapan namin ni Michelle noong nagluluto ako ng pancakes.

""""""""""Flashback..........

"Hoy, Mira. Bakit nandito si Angel Davis??" iba na ang peymus, eh? "Diba ang sabi ko sayo huwag mong papupuntahin ang kahit sinong kaklase mo dito sa bahay?? Hindi ka ba nahihiya??" galit na sabi niya.

Hindi niya magawang sumigaw dahil maririnig siya ng mga bisita namin. Tumingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita.

"Paalisin mo na yon!! Mamaya niyan eh, kung ano pa ang gawin niyan dito!!" sabi na naman niya.

"Alam mo, Michelle. Paaalisin ko si Angel kung paaalisin mo din ang mga kaklase mo. Wala naman siyang ginagawa sa iyo, bakit ka ba ganyan?" kalmado kong sabi.

"Bahala ka. Kung yan ang gusto mo. Basta ako, binalaan na kita." sabi niya bago lumakad paalis pero huminto din siya bago tuluyang lumabas sa kusina.

"Dagdagan mo na ang niluluto mo at bigyan mo ang mga kasama ko."pahabol niya.

Oh, diba ang kapal ng mukha??? Bahala ka Michelle!!

""""""""""endofflashback..........

""""""""""Monday..........

Inagahan ko ang pagpasok ngayon para lang hindi ako makasabay kay Kelly. Naalala ko tuloy ng una akong pumasok sa gate na hindi ganoon kalaki. Hindi pala doon pumapasok ang regular students. Sa likod na bahagi kasi ng main campus ay mayroong gate palabas sa parking lot. Kapag doon papasok ay malaki at malawak parking space ang bubungad sa mga estudyanteng papasok.

Nagb-bike ako papunta ngayon sa school. Naka-puting t-shirt ako, pantalon, at rubber shoes. Nasa locker ko naman ang uniform ko kaya wala akong masyadong dala sa bag ko. Mamaya na lang ako magpapalit. Pagkadating ko sa gate ay ipinakita ko lang sa guard yung ID ko bago ako makapasok.

Pumunta ako sa parking station ng mga motor bike at doon naghanap ng bakanteng space para sa bike ko. Mabuti na lang at nagawa na ang daan sa shortcut mula sa baranggay namin hanggang sa school para hindi ako dumaan sa highway. Delikado daw kasi, syempre dahil na din siguro malabo ang mga mata ko at wala namang side mirrors ang bike. Lagyan ko kaya?

Hindi ako makakatambay sa library kung palaging sumusulpot doon si Kelly. Ayoko muna siyang makita. Naglalakad na ako papasok sa main campus ng may mapansin akong pinto na medyo malayo sa gate na pinasukan ko. Itinanong ko sa guard kung pwede ba iyong puntahan. Pumayag naman siya, wag lang daw tatambayan. Lumakad ako papalapit doon. Pumasok ako at nakita ang... garden!!!

"Wow!!"

Namangha ako sa lugar na ito. Ngayon lang ako nakapasok sa garden na kasing ganda at laki nito. Para itong isang green house pero may pintura ang paligid maliban lang sa bubog na kisame. Nakakasilaw ang araw kapag pumunta ang paningin doon.

Madaming bulaklak dito na nasa paso. Mayroon ding ibang mga halaman pero hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Nagselfie ako sa likod ng mga bulaklak na iba't iba ang kulay. Hehehe.

"Mira!! Bakit mo ako iniwan??"

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ang boses ni Kelly. Paano niya nalaman na nandito ako?? Tiningnan ko siya ng masama.

"Why? Sinabi nung guard sa akin ibinilin mo daw ako sa kanya, na kapag daw nakita niya ako ay ituturo daw niya kung nasaan ka." nagpapabebe niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sinabi ko ba iyon?? Hindi, ano!! Lokong guard iyon."

Humanda sa akin ang guard na iyon dahil ipapatanggal ko siya sa trabaho. Pero syempre joke lang.

Nagkabati na din naman kami ni Barbie----este Kelly pala.

Nagpalipas kami ni Kelly ng oras sa loob ng garden. Sinabihan ko naman siya na bawal daw tambayan ang garden pero siya daw ang bahala. Before 7:30 ay pumasok na ako sa campus ng grade X. Hindi daw siya makakasabay sa akin dahil may nakalimutan daw siyang kuhanin sa apartment niya.

Bakla talaga yon! Hehehe. Pumunta lang ako sa locker para kuhanin ang uniform ko at hindi na ako nabigla na marami na namang pangit na bagay sa pinto nito. May pinturang kulay puti at maraming sulat gamit ang marker.

'I'm bitch'

'Wag ka na ulit babangga sa pader'

'You don't belong here'

At narami pang iba. Si Kelly lang ang nakakaalam nito pero sigurado akong mamaya o ngayon ay alam na ni Michelle ang tungkol dito. Hindi ko na pinansin ito sa halip ay kinuha na ang uniform ko at dumiretso sa cr ng locker room para makapagpalit na at ibinalik ang damit ko sa locker ko. Mabuti na lang talaga dahil safe ang uniform ko dahil nakabalot ito sa makapal at maraming mga plastic. Dahil kung hindi, ay siya!

Nakita ko si Alexha. Ngumiti siya sa akin. Masyadong mabait ang isang ito kaysa sa kapatid niya. Opposite nga sila, eh. Hindi siya pader, may hinaharap ang isang 'to. Hehehehehe.

"Mira, pasensya na, ha? Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Ate Rexha sa iyo..."

"Wala iyon, ano ba? Hindi naman ikaw ang may kasalanan, ayos lang."

Nakita namin na pumasok si Myke sa loob ng locker room kaya naman napatingin kami do'n.

Tumalikod sa akin si Alexhaat nagflip ng buhok kaya naman tumama sa mukha ko yung buhok niya. Aray naman!

"Good morning, Myke!!" bati ni Alexha at nilapitan si Myke bago mabilis siyang hinalikan sa pisngi at ikinawit ang braso niya sa braso ni Myke.

Tumalikod ako at inayos ang mga gamit ko sa locker. Nab-bwisit ako sa kanila, eh. Bakit ba parang umuusok ang ilong ko sa inis? Ano 'tong nararamdaman ko?

Padabog kong isinara ang pinto ng locker ko at naglakad na. Sinadya ko pang banggain ang braso ni Myke pero hindi ko na siya nilingon matapos no'n. Bwisit silang dalawa!!

""""""""""..........

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon