""""""""""..........
Lycah's PoV
I'm wearing an elegant dress. Royal blue na hanggang tuhod lang. I need to be fashion in, of course. Katabi ko si Mira dito sa kama ko. Kanina pa siya umaangal. Ayaw daw niyang pumunta. Hahaha.
Pero isang text ko lang sa kanya ay pumunta agad siya. Hahaha. She's wearing a white dress. Simple lang ito pero nags-stand out ang ganda niya. Or maybe hindi lang talaga ko sanay na naka-ayos siya? Bumili na ako ng perfume sa mall noong nakaraang araw para hindi na ako mahirapang bumili ng gift for Myke. Kaya lang itong si Mira ay wala daw maisip na regalo.
"Hindi ka pupunta kasi wala kang gift? Duuhh!! Pupunta tayo doon para kumain, ano ka ba?"sabi ko na lang para i-cheer up siya.
"Oo na! Wala naman akong magagawa, eh?" reklamo niya.
Nagpahatid na kami ni Mira sa mansion ni Myke. Ang alam ko ay doon na dumiretso si kambal. Nararamdaman ko pa din na nat-tense ni Mira. Ano bang problema niya?
Dumaan muna kami si condo unit ni Wendy dahil hindi na daw siya nadaanan ni Nielle. Ano naman? Pake ko sa abnoy na 'yon? May pagift-gift pa siya kay Mira tapos hindi man lang niya dadaanan si Wendy na gf yata niya? Argh!
"Anong nangyari diyan?" bulong ni Wendy sa akin.
Natawa na lang ako dahil maging si Wendy ay napansin iyon. Sinabi ko na lang na excited si Mira na makita si Myke. Mabuti na lang dahil hindi kami narinig ni Mira.
Nakarating kami sa harapan ng higante nilang gate matapos ang halos isang oras na biyahe. Ang layo naman pero... WOW!! Ang ganda.
Tumigil muna ang sasakyan namin sa harapan ng gate dahil daw sa check point, sosyal! Pagkapasok ng sasakyan namin sa gate ay bumungad sa amin ang garden nila. Hile-hilerang mga puno at iba't ibang uri ng halaman ang nadaanan namin.
Narating namin ang fountain at doon umikot ang driver para ibaba kami sa main door nila. Bumungad sa amin ang higanteng mansion na sobrang ganda.
"Ang ganda dito..." narinig kong sabi ni Mira.
"Kaya nga! Sa mga movie ko lang nakikita ang ganito, eh!" komento ko rin.
Napatingin naman ako kay Wendy. Wala man lang siyang reaction?
"Wendy nakapunta ka na ba dito?" tanong ni Mira dahil napansin din siguro niya na parang wala lang kay Wendy ang ganda ng lugar.
Tumango lang si Wendy at ngumiti. Bakit kaya... bakit kaya parang may kamukha ang ngiti niya? Hindi ko iyon pinansin sa halip ay lumakad na sa five steps of stair para makapunta sa pinto.
Bumukas ito at may mga multo at aswang na nagpakita, joke lang. Mayroong tatlong babae ang bumati sa amin. What?? Ganito din sa hotel, ah? Kasabay ng pagsalubong nila ay ang pagsalubong din ng kumikinang na mga chandelier!!
Dinala nila kami sa backyard nila Myke. Sa pool area. Doon pala ang setting ng party. Maraming mga lalaki ang nakabusiness attire.
Bakit ba may nakikita akong ganyan?? Nasusuka na ako sa ganyan dahil kay Daddy, eh!!
Nakita namin sila Angel kaya umupo kami sa table set nila. Naupo kami doon at ilang minuto lang ay nagsimula na ang event.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...