MIRACLE #79 Judgemental Glares

17 0 0
                                    

""""""""""..........

Wendy's PoV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. My room in Madria mansion. Matagal na ng huli akong nakapunta dito and my room didn't changed at all.

I am wearing gray dress. A formal one. Nakaharap ako sa wall mirror ng aking walk-in closet. I don't know why but I am staring at my own body. Ngayon na lang ulit ako nakapagsuot ng ganito kagandang dress.

Even my hair was tied up and my necklace makes me feel complete. Matagal ko na ding hindi isinusuot ang kwintas na ibinigay sa akin ni Dad.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nielle. Tiningnan ko ang reflection niya, he's smiling at me.

"Are you ready?"

I nod before turning my face to him. Lumapit ako sa kanya at inayos ang necktie niya. He's wearing his necklace, too.

Sana lang ay maging maayos ang gabing ito. Knowing my clan, hindi pa nila ako lubusang napapatawad. Sana lang ay matanggap nila ang presensya ko ngayong gabi.

Nielle offers his arm. Tumingin muna ako sa kanya bago ipulupot ang braso ko sa kanya. Lumabas na kami sa kwarto ko.

Sabay kaming umakyat sa rooftop. White and yellow lights filled up the darkness. This must be a realistic and ideal party because we are celebrating for Jr's birthday.

Nineth day of August. Kung nabubuhay siya ay magiging masaya sana ang birthday party niya sa 16th birthday niya. But Dad decided to make it casual para lang masabi na nagcelebrate kami dahil nga wala na siya.

'Happy sweet 16th, Jr.'

Mapait akong napangiti. Tuwing naalala ko siya ay labis-labis na pagkamuhi sa sarili at konsesya ang nararamdaman ko. Nagsimula ang party ng 7 pm. Nakatingin lang ako sa pwesto nila Angel. Gusto ko sanang doon na lang sumama sa kanila at maging common sa event na ito, but I can't.

Tinawag kami ng MC. Nakaramdam kaagad ako ng panliliit sa sarili pagkaakyat ko sa stage. Business friends and partners lang ang mga pumalakpak sa pag-akyat ko. But my cousins? My uncles and aunties? My second related blood family? They ignored me-- no...

Mabuti pa nga sana kung hindi na lang nila ako pinansin. But what they did made my butterflies flew. They're throwing daggers but since my twin brother is with me, he's trying to caught it all. Salamat talaga sa kanya.

He whispered to my ears. Pero dahil sa background music ay hindi ko iyon masyadong narinig. It has something to do with-- 'I am here,' or 'don't mind them.'

Nakatingin lang ako sa table nila Angel. Palihim akong napatawa ng makita ang super shocked expression ni Mira. She really has no idea. Ang sabi pa niya ay boyfriend ko si Nielle.

Kung sa bagay, hindi naman talaga kami magkamukha ni Nielle at nagkataon na nakita kami ni Mira noon na magkasama sa loob ng iisang cubicle sa cr. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay ganoon din ang maiisip ko.

Maya-maya lang ay ilalabas na ang portrait ni Jr sa gilid ng stage at gagawin na ang burial ceremony tapos ano? Kasunod noon ay magpapakasaya na ang mga tao dito mamaya. Na parang ang lamay na napunta sa totoong birthday celebration.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon