""""""""""..........
Mira's PoV
Si Miss Hannah pala.
"You looked gorgeous, Miss Reyes. Sorry if we did not asked your permission for this..." paumanhin niya.
Napangiti naman ako. Ang bait niyang tingnan pero katulad ng inis ko sa mga anak niya ay nainis din ako sa kanya. Bakit nga kaya ako naiinis sa kanila? Yung matabil kong dila ay bigla-bigla na lang nagsalita nang hindi ko namamalayan.
"I told you not to make any events at my rooftop." naiinis kong sabi. Nagkatinginan naman silang tatlo at doon ako natauhan. Nakakahiya. Awkward na tumawa ako. "Ha-ha! Ha-haha. Hehe. Sorry, that just crossed my mind." iyon naman ang totoo.
Kung ano ang maisip ko ay sinasabi ko without thinking twice. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay nila sa akin.
Lumapit sa akin ang head ng banda sa gilid ng stage kaya naman naputol ang tensyon sa kanila. Nakakahiya talaga yung dila mo, Mira!!
Binigyan niya ako nang lyrics. Nakita ko pang hinubad ni Nielle ang coat niya at ipinatong sa mga balikat ko at tinapik ang ulo ko.
Nang bumaba na din silang tatlo sa wakas sa stage kaya naman binigyan na ako ng cue nung pianist. Sanay naman akong kumakanta sa mga ganitong event pero ang isang ito ay hindi ko talaga magawang ikalma ang sarili ko.
Birthday party lang naman ito ng isang taong patay na. Daw.
It's all coming back to me now.
Iyon ang lyrics na ibinigay sa akin. Sinabayan pa nila iyon nang mabagal na rythm. Bakit naman ganito ang ipinakanta sa akin?
Mayroong videographer ang nakapwesto sa harapan ko kay mas lalo akong nailang. Pinilit kong pagmukhaing kalmado lang ang boses ko. Sana gumana. Ayaw ko talaga ng ganito.
May eerie feeling. Kung pwede ko lang sanang malaman iyon. Ilang minuto lang ang lumipas at natapos ko na ang pagkanta. Napangiti ako nang bahagya ng makita at marinig ko ang palakpak ng mga tao. Binigyan pa ako nang dalawang lyrics ng kanta. Pero...
May mali talaga!! Hindi ko alam sa sarili ko kung ano iyon. Tinapos ko lang ang I Love You, Goodbye at I surrender bago sumingit ang MC.
Mabuti naman. Bumaba ako sa stage at imbes na sa dumiretso sa table namin ay nagpunta ako sa pinto kung saan kami dumaan kami kanina.
Bakit parang gustong tumulo na naman ang mga luha ko? Dali-dali kong tinanggal ang mga contact lens ko at inilagay ang mga iyon sa capsule na nasa bag ko. Pagkapasok ko sa pinto ay wala akong nakitang tao. Dumiretso na ako sa elevator.
Nag-alinlangan pa akong pindutin ang button number 3. Anong sasabihin ko mga mga maid dito? Ayaw ko pang umalis pero hindi talaga ako mapakali.
Hindi sinasadyang napindot ko ang number 4 na button. Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas sa elevator at maglibot sa loob. Saka ko lamang narealize na para akong batang naliligaw. Akyat dito-- baba doon. Walang tao!!! Ang laki-laki nang hallway nila at puro liko-liko at magkakahiwalay na mga pinto.
Naglakad pa ako at napatigil sa harap ng ref. Nasa kusina ako!!! Wahh!!.
Ang ganda ng kitchen sa mansion na ito. Walang tao dito pero sobrang ganda at linis sa loob. Binuksan ko ang double door na ref at napangiti nang makita ang punong-punong laman nito.
Chocolates, mga kahon nang gatas, may juice at may ilang bote nang alak, mayroon din mga pastry. Ito ang dream ref ko!!!
'Arf! Arf!!'
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...