MIRACLE#72 Eating Seafood

10 0 0
                                    

""""""""""..........

Nielle's PoV

Ayaw ko. Ayaw kong gawin pero pinigilan ako ng Lolo ko. Sinabi niya sa akin na kung gusto ko daw na mapatawad niya si Wendy ay si Wendy na ang aako sa responsibilidad na inwan ni Jr.

Ang Lolo ko na iyon ay sobrang istrikto, hindi katulad ng ama ni Mommy.

'Grandpapsi.' That was the way I used to call him before but now? Not a single term of being a family related can be called to him.

Kahit si Daddy ay Chairman ang tawag sa sarili niyang ama!

Hindi nakikialam sa mga desisyon nila Grandpapsi ang mga magulang ni Mommy na kasalukuyang nasa Canada ngayon. Doon nagpunta ang kakambal ko para makausap ng personal sila Lolo at Lola.

Ang sabi ni Grandpapsi-- Chairman Madria sa akin ay hindi daw pwedeng ako ang ipapakasal kay Angel.

Ang nangyari ay si Wendy ang ipapakasal kay Myke. Ang bestfriend ko. Ang alam nilang dalawa ay simpleng dinner meet lamang ito. Pero mali sila.

Hindi ko tuloy magawang tingnan ang mga kasama ko. Hindi ko din magawang magreklamo o sumali sa usapan nila.

Para ito sayo... Wendy.

Alam kong matagal na siyang nakakulong sa nakaraan at gusto na rin niyang mapatawad siya ng lahat. And I am will to do it as her part kahit pa magsakripisyo ang bestfriend ko dito.

Lutang ako kanina pa. Wala ako sa sarili at hindi na halos makain ang pagkain na hindi ko naman in-order. Eh?

Napatingin nalang ako kay Lycah na nasa harapan ko. Bakit parang wala lang sa kanya? Nakishare sila ng table namin at nandito siya sa harapan ko na patuloy lang sa pagkain. Si Rence at Mira naman ay tahimik lang sa tabi niya.

Napatingin ako kay Mira. Kanina ko pa napapasin na nanginginig ang kamay niya. Hindi yata siya aware doon.

"Mira? Are you alright?"

Hindi ko na inisip kung nakakabastos na ako dahil nagsasalita pa si Uncle Cyrus. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay kakaibang pag-aalala ang naramdaman ko.

Pulang-pula ang mukha ni Mira. Para ding mayroon siyang sinasabi pero hindi ko naintindihan and worse? Umiiyak siya!!

Umuubo din siya na para bang nabulunan. Ganoon na lamang ang pagpapanic namin ng mapahawak si Mira sa dibdib niya at hindi makahinga ng maayos. Lumapit kami sa kanya. Umiiyak na siya dahil hindi talaga siya makahinga!

What shall I do? Panic made us all forgot that my mother is a doctor. Nang nawalan ng malay si Mira ay tumawag kaagad kami ng tulong. Mabuti na lang dahil katabi lang ng Japanese restaurant na ito ang isang clinic na pagmamay-ari din ng resto owner. Si Uncle Cyrus.

Tumulong na din si Mommy sa pagbibigay ng lunas kay Mira. Nasa labas lang kami at naghihintay. Mayroon na ding pulis na pumunta at nag-iimbestiga sa kung ano ang nangyari dahil katabi lamang din ng resto ang isang maliit na police station. Pwede daw na napoison si Mira, intentionally.

I hope she's fine. May lumapit na pulis sa amin. Mabuti na lang daw dahil nasa private room kami. Wala daw ibang customers or civillians ang nag-apektuhan o nakaalam.

"Wala naman pong poison sa pagkain ng biktima. Ang nandoon lang ay steamed rice, fish soup at sweet and spicy fried shrimp na--"

"WHAT?" lahat kami ay nagulat sa sabay na pagsigaw ni Myke at Rence.

Oo nga pala. Allergic si Mira doon!! Bakit ba hindi ko iyon naisip?? So stupid, nawala sa isip ko!!

"LYCAH!?? Bakit naman iyon ang in-order mo kay Mira?" galit na sabi ni Rence.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon