PROLOGUE

79 3 0
                                        

""""""""""..........

Matagal na akong nakatira dito sa Santa Teresita.

Halos lahat ay kakilala at kaibigan ko na. Oh well except sa little sissy ko.

Pero bakit ganoon?

Bakit parang may mali?

Mayroong hindi tama sa mga nangyayari.

Mayroon silang itinatago.

Care ko ba sa kanila?

""""""""""..........

Ikalawang araw ng Marso. Bisperas na ng pista dito sa Santa Teresita pero bakit ganoon? Bakit parang hindi ako masaya? Kaarawan ko na bukas at magl-labing pitong taong gulang na ako. Ano bang mali? Siguro dahil iyon sa halos isang Linggo niyang walang paramdam. Mag-iisang Linggo na nung huli kaming nagkita at nakapag-usap ng maayos. Busy kasi kaming pareho sa pag-aaral at pagp-practice pero hindi man lang ba niya ako mabibigyan ng sapat na oras?

Kung bakit ba naman kasi pinaghiwalay pa ng teacher namin sa MAPEH ang grupo namin? Hindi naman ako magaling na dancer pero nakikinig kasi ang mga kagrupo ko sa akin kaya ako ang napili ng teacher namin para pangunahan ang unang team. Pabida kase. Nagkahiwalay tuloy kami at parehong naging leader sa dalawang team para magpresent ng Festival dance na magaganap bukas ng umaga sa gym sa Santa Teresita.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa kong activity sa Math. Probabilities. Napailing na lang ako para iwaksi sa isipan ang lalaking iyon. May rason naman kaming pareho.

Ayos lang. Magiging ayos din ang lahat.

Kailangan bukas ay maipasa ko na lahat ng ginawa kong projects at assignments dahil sa huling Lunes ng buwang ito ay moving up ceremony na namin bilang Grade-IX students. Mahirap maghabol ng requirements.

Masaya talaga ako dahil napakitunguhan ko ng maayos ang lahat ng kaklase ko at napilit silang mag-aral ng mabuti. Kaya naman ngayon sa batch namin ay walang maiiwan o magiging repeater. At masaya din ako dahil ako ang nagtop 1 sa klase namin.

Nakakalungkot nga lang dahil nam-miss ko pa din si Ara. Ang bestfriend ko simula elementary. Bigla na lang siyang umalis nung nakaraang taon at simula noon ay hindi ko na siya nakita o nakausap pa.

Mabilis na lumipas ang mga oras at nang makitang alas kwatro na ng hapon ay lumabas na ako at nagbisikleta. Nagtungo ako sa lake na malapit lang sa bahay namin. Mayroon kasing malawak na lugar sa loob ng park at doon kami nagp-practice ng festival dance namin.

Hindi ako magaling sumayaw kaya naman hindi ako ang nagl-lead sa grupo namin. Pero ako naman ang nagsisilbing tagaturo sa kanila ng steps kung may magkamali man. Halos isang buwan namin itong na-practice kaya naman ready na kami bukas. Sana.

Mabilis na lumipas ang oras. Nang maggabi na ay umuwi na ang mga kagrupo ko. Ako naman ay dumiretso kay Mama para tulungan siyang magligpit. Hindi ko maiwasang matuwa at maproud sa napakasipag at tiyaga kong ina.

Sa totoo lang ay kuntento na ako sa lahat ng bagay na mayroon ako ngayon. May mga magulang, mala-anghel na kapatid, with honors sa school, may talent at...

May mapagmahal at supportive na boyfriend. Proud ako sa kanya kaya nga lang ay...

Hindi kami legal. I mean, hindi alam ni Mama o ni Papa ang tungkol sa kanya... Kay Myke. Hindi ko pa kasi alam kung kailan ako magiging handa para doon.

""""""""""..........

Kinabukasan. Kaarawan ko na!!!! Masaya at positive dapat ang araw na ito!! Nagjogging ako sa lake park ngayong umaga. May nakita pa nga akong lalaki pero hindi ko na lang pinansin.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon